62

7.6K 204 13
                                    

Chapter 62- Outing Part 2

Kaizer's Pov

"Anong ngiti yan boss?ayiyiyiyiyi..si boss kinikilig"panunukso sakin ni Klyde kaya sinamaan ko siya ng tingin at muling tumingin kay Lexi na may hawak na pinggan ng hipon na pinapapak niya,hindi ko alam kung paano ko matatago ang ngiti ko kaya tumingala nalang ako at ginulo gulo ang buhok ko.

"Pag-akoy kinikilig"pakantang sabi ni Klyde pero hindi ko yun pinansin at muling sinulyapan si Lexi na busy sa pagbabalat ng hipon,noon pa man ay mahilig na talaga siya sa hipon kaya hindi ko siya masisisi kung naka 3 pinggan na siya ng hipon.

"Grabe boss!hahaha nung binuhusan ni Lexi si Maricar ng tubig sa muka ay parang alagad na siya ni Marlou/Xander Ford hahahaha ang daming pinipig"natatawang sabi ni Klyde pero nanatili akong tikom at nangalumbaba pa habang titig na titig kay Lexi na parang inosenteng bata na mahilig kumain.

"Pero bilib din ako sa pagkakasabi niyang 'sorry pero hindi ako nasunod sa utos ng mga panget' grabe kung pwede lang ako humagalpak ng tawa kanina at mag lupasay sa buhangin nagawa ko na"natatawang sabi niya kaya tinignan ko siya.

"That's why i love her,muka man siyang mabait pero pag nagalit yan sobra kung sobra"nakangising sabi ko habang nakatingin sakaniya,tumingin siya sa dereksyon ni Lexi at duon ko nakita ang pagkagulat sa muka niya kaya taka akong tumingin kay Lexi.Nag-init ang ulo ko ng makita ko ang isang lalaki na kausap siya.

Ngumiti si Lexi at nakipagkamay dun sa lalaking kumag na yun.

"Nako kung makakamatay lang ang tingin,malamang inuuod na yang lalaking yan"pagpaparinig ni Klyde

"What the hell are they talking about?!"inis na sabi ko."Magaling ako mag lip reading boss"sabi ni Klyde kaya tumingin ako sakaniya na nakangisi,pinagkunotan ko siya ng noo.

"Ayan,ayan,sabi ni Lexi..'marami akong stock ng panty sa bahay gusto mo?' "sabi niya habang nakatitig kay Lexi,simaan ko siya ng tingin.

"Sabi nung lalaki..'talaga?!gusto ko ng isang balot,isusuot ko mamaya e!'"sabi niya pa.

"Shut the hell up!"inis na bulyaw ko sakaniya at tumayo na mula sa  monoblock na kinauupuan ko.Nakayukom ang kamao ko habang naglalangitngitan ang mga ngipin ko dahil sa inis.

"Model ka pala?!Well it is obvious..i mean look at your sexy curves and your angel like face"rinig kong sabi nung lalaki kaya nagsalubong ang kilay ko at sinipa sipa yung buhangin dahilan para matamaan yung lalaki ng buhangin sa muka.Galit ako nitong tinignan.

"What is your problem?!"galit na tanong nung lalaki kaya kinuwelyuhan ko siya pero agad akong hinawakan ni Lexi sa braso.

"Tumigil ka nga Kaizer!"galit na sabi sakin ni Lexi kaya unti unti kong binitawan yung lalaki kahit nangangati na yung kamao kong makapanuntok.

"Okay kalang ba Zandro?"nag-aalalang tanong ni Lexi kaya parang kinurot yung puso ko habang nakatingin sakanila.

"I'm okay Lexi!"nakangiting sabi nung Zandro at pinunasan yung muka niya ng panyo.

"Tulungan na kita"sabi ni Lexi at pinunasan yung muka nung lalaki kaya para na akong mababaliw sa sobrang selos.

'Kalma!tandaan mo!selos ang dahilan kaya mo siya nasaktan noon!kaya kalma'

Bumuntong hininga ako at bumalik sa kinauupuan ko.

"Beer oh"sabi ni Klyde at inabot sakin yung alak,padarag akong umupo sa upuan at nilagok na yung alak.

Lexi's Pov

"sino ba yun Lexi?"takang tanong ni Zandro na pinupunasan yung muka niya.

"Asawa ko"sabi ko kaya nanlaki ang mata niya at tumawa."Ayy bet!ang gwapings naman pala ng papabels mo"natatawang sabi niya kaya natawa din ako.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon