Chapter 41-Sitio Mapurok
Lexi's Pov
(A/N: Still flashback)
"Sino ba tong babaeng toh?"
"What her name?She look not beautiful"
"Ang ganda niya ah"
"Bakit may pasa siya sa katawan niya?"
Narinig ko ang mga usap usapan sa paligid ko kaya dahan dahan kong dinilat ang mata ko,nung una ay nanlalabo ang mata ko hanggang sa tuluyan ko ng makita ang mga taong nakapalibot sakin.Agad akong bumangon kaya napalayo sila sakin,iginala ko ang paningin ko at nakita kong nasa kubo ako dahil puro kawayan at dahon ng niyog ang nakikita ko.Hinimas ko ang ulo ko dahil nasakit ang ulo ko,tumingin ako sa kanila habang nakahawak sa ulo ko at duon ko nakapa ang bandana sa ulo ko
"Sino kayo?Asan ako?"tanong ko sakanila,nagtinginan sila at parang may hinahanap.Iginala ko pa ang paningin ko para pagmasdan ang lugar.
"Tawagin niyo ni Isabella at Marco"sabi nung isang matanda,tumingin ako sakanila at duon ko naalala si Sabel na nakita ko.Napansin kong nakatingin sakin yung ibang lalaki kaya tinignan ko ang sarili ko at nakasuot ako ng malaking tshirt na panglalaki at paldang mahaba.
"Tshhh,pabida di naman maganda"asik nung isang babae na nakakibit balikat habang nakataas ang kilay,tinignan ko siya at parang kinapos sa tela ang suot niyang damit.
"Ate Lexi!"agad akong napatingin sa sumigaw na bata si Sabel iyon na natakbo palapit sakin.Ngumiti ako at niyakap siya,dumating din si Marco na niyakap ako.
"Sabel at Marco"wala akong ibang masabi kundi ang pangalan lamang nila.
"Ate Lexi,kamusta na po kayo"tanong ni Marco na humiwalay sakin ng yakap.
"Okay lang ako kayo ba?Nasaan ba tayo?"tanong ko sakanila,nagkatinginan ang kambal na si Marco at Sabel.
"Dili niya alam ang lugar natin?"tanong ni Marco,tumingin sila sakin.
"Nasa Cebu po tayo ate Lexi"sagot ni Sabel,nanlaki ang mata ko at kinabahan ako mg todo todo.
"C-cebu?"
"Opo Ate Lexi!!Kayo po ba ano po bang ginagawa niyo dito sa Cebu?Diba nasa Maynila po kayo"tanong ni Marco na parang nagtataka."At nasaan po yung boyfriend niyong gwapo?Alam po ba niyang nandito kayo?"tanong ni Sabel,biglang nanikip ang dibdib ko at mabilis namuo ang luha sa mata ko.Bumuntong hininga ako at pasimpleng pinunasan ang luha sa mata ko,doon ko namataan yung lalaking lumigtas sakin kanina.Nakatayo siya sa likod ni Marco habang karga karga ang isang bata.
"Aluh siya bakit ka umiiyak ate?"tanong ni Marco,tumingin ako sakaniya habang kagat kagat ang labi ko at nang hindi ko na napigilan ang emosyon ko ay napahagulgol ako bigla.
"Arte"rinig kong sabi ng isang babae,hindi ko yun pinansin at tinakluban ang muka ko at umiyak ng umiyak.
"Ate Lexi tahan na po kayo!Ano po bang nangyari?"si Sabel yun habang nakayakap sa bewang ko,pinilit kong pahintuin ang pag-iyak ko at tumingin sakaniya.
"Yung boyfriend ko diba si Kuya Kaizer mo yun?"sabi ko habang nakatingin sakaniy,tumango siya."A-asawa ko na siya ngayon"humikbi ako at humawak sa dibdib ko.
"Namatay yung batang pinagbubuntis ko"sabi ko habang nakatulala sa kawalan at patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata ko.Narinig kong nagulat yung mga tao sa paligid ko na nakiki-usyoso ganun din si Sabel at Marco.
"N-nagalit sakin ang asawa ko at lagi niya akong sinasaktan..l-lagi niya rin akong pinagsasamantalahan..paulit ulit nang ganun,paulit ulit na sakin niya ibinubunton ang galit niya.Halos dalawang buwan akong nasa kamay niya at pinahihirapan hanggang sa nalaman ko na buntis ulit ako"wala sa sariling napangiti ako at napahawak sa tyan ko.
BINABASA MO ANG
Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)
RomanceFormer Title: My Ex-Boyfriend's Obsession