Chapter 52-Luke and Klyde
Lexi's Pov
"Miss kailangan na niyang masimulan ang session dahil kung hindi ay mas lalala ang lagay niya"sabi ng doctor na nasa harapan ko,napabuntong hininga ako at napasabunot sa buhok ko.
"W-walang wala talaga ako ngayon doc eh"sabi ko sakaniya na tinaasan lang ako ng kilay.
"Dapat ay magawan mo agad ng paraan yun because i am telling you his condition is next to being critical and when that time happen i will needly recommend a heart transplant...you know how hard to find a heart donor here in Philippines and that cost a million so i am telling you he really needs it as soon as possible"sabi nung doctor at iniwan akong nakatulala,ginulo ko ang buhok ko bago pumasok sa kwarto ni Luke na nakatingin lang sakin.
"Luke"sabi ko sakaniya at niyakap siya habang ang ulo ko ay nakapatong sa braso niya."Luke..nahihirapan na ako"bulong ko sakaniya,hindi siya kumibo kaya tinignan ko siya na nakatingin sakin.
"Hindi mo naman to kailangang gawin...ayos lang talaga ako"bulong niya pa at hinaplos haplos ang buhok ko."Hindi ka okay Luke!nakausap ko na yung doctor at sinabi niya sakin na baka lumala ang sakit mo sa puso...hindi ako papayag na mangyari yun pero pagod na talaga ako"mahinang sabi ko,hinaplos niya ang pisngi ko at pinagpantay ang paningin namin.
"Nagkita na kayo ng asawa mo?"tanong niya sakin kaya natigilan ako at napaiwas ng tingin pero pinagtama niya muli iyon,nakita ko ang mapait na ngiti sa labi niya.
"P-paano mo nalaman?"tanong ko sakaniya,mas nilawakan niya pa ang ngiti niya."Kay Vanessa at Kapitana Rosa"sabi niya at lumunok lunok pa..bumuntong hininga ako at pumikit naaalala ko ang mga pinag-usapan namin.
'Hindi ako nagiging makasarili,gusto ko lang protektahan ang mga anak ko dahil nandun parin yung pangamba na baka pati sila ay masaktan din..natatakot ako na masaktan sila dahil bilang ina iyon ang pinakaayaw naming mangyari sa mga anak namin..Oo,gusto kong ipakilala si Kaizer sa kanila dahil alam ko sa sarili kong gusto din nilang magkatatay na sa loob ng 8 taon ay wala sila...napakalaking desisyon para sakin nun pero napalaki ko naman sila ng ako lang diba?hindi na namin kailangan ng tulong ni Kaizer dahil kaya kong tumayo bilang nanay at tatay sa kanila'
Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa mata ko at ang mga daliring pumupunas dito kaya agad kong dinilat ang mata ko.
"Mahal mo parin siya kaya nasasaktan ka"bulong niya habang nakangiti,hinagod niya ang buhok ko."Napupuno ka ng galit ngayon pero balang araw mapapatawad mo din siya dahil kayang burahin ng pagmamahal ang lahat ng galit"sabi niya at tumingin sa labi ko.
"Sa buong 8 taon ng buhay ko isa ka sa nagpapaliwanag nun Lexi,sobrang pasasalamat ko dahil ako yung sumagip sayo noon kaya nagkaroon ng pagkakataon na makilala kita Lexi..Sobra akong bilib sayo,napakatapang mo,maparaan ka at napakamapagmahal mo hindi lang sa mga anak mo kundi sa buong Sitio Mapurok..pero Lexi alam kong mali,alam kong kahit anong mangyari ay hinding hindi ako magkakapuwang sa puso mo"sabi niya at ngumiti habang nakatingin sa mata ko.
"Mahal kita kahit mali,mahal kita kahit wala naman akong pag-asa,mahal kita dahil ikaw si Lexi na naging pamilya ko na"sabi niya at dumampi ang labi niya sa labi ko..nagulat ako at nanlaki ang mata ko,lumayo ako sakaniya na mayroong malungkot na mata.
"Pasensya na,alam kong mali pero---"hindi ko na siya pinatapos."Wag mo nang uulitin yun!"sabi ko at lumabas na sa kwarto niya.Tumakbo ako palabas ng ospital hanggang sa napahinto ako sa park na malapit sa ospital..naglakad ako palapit dun hanggang sa makita ko si Klyde na nakaupo sa duyan habang nakatingala.Lumapit ako sakaniya kaya tumingin siya sakin na seryoso ang muka,umupo ako sa tabi ng swing niya at pumikit.
'Hindi ko alam na may nararamdaman pala sakin si Luke'
"Bakit ka nandito"sabi ni Klyde kaya dumilat ako at tumingin sakaniya na nakatingala lang.
"Dito ako tinangay ng paa ko"sabi ko at bumuntong hininga,tumingin siya sakin."Bakit hindi mo sinabing si Kaizer Montenegro ang asawa mo?"walang emosyong sabi niya kaya nagulat pa ako pero agad ding naka recover.
"Ayokong binabanggit ang pangalan niya"sabi ko sakaniya kaya ngumisi siya at suminghal kaya nagsalubong ang kilay ko."Ano bang problema mo at lagi kang ganyan sakin?inaano ba kita?"inis na tanong ko sakaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Inaano?tsk"singhal niya kaya lalo akong nainis at dinuro siya."Ano bang problema mo?"galit na tanong ko sakaniya kaya nawalan siya ng emosyon.
"Yung kuya kong namatay na siya si Clark Nuvillo"sabi niya at tumingala kaya halos malaglag ang panga ko,bumilis ang puso ko at lumunok lunok..naalala ko na!!kinuwento niyang namatay ang kuya niya dahil sinagip nito ang asawa ng boss niya at yung asawa nung boss niya ay ako.Nakanganga akong napatingin sakaniya na salubong ang kilay.
"D-dustin"utal na sabi ko habang nakatulala,naalala ko kung paano niya isinugal ang buhay niya para sakin,kung paano niya ako pinrotektahan noong kasal namin ni Kaizer."Ngayon alam mo na kung anong problema ko?"galit na tanong niya.
"S-sorry"bulong ko sakaniya pero ngumisi lang siya at nag-iwas ng tingin bago punasan ang gilid ng mata niya."Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sayo..eh wala ka namang ginawa kay kuya"inis na sabi niya at ginulo gulo pa ang buhok niya."pero di ko maiwasang mainis parin dahil ikaw ang sinisisi ko sa pagkamatay niya"sabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin Klyde,napakabuting tao ng kuya mo..siya yung tipong makulit at masayahin katulad mo at kung alam mo lang kung gaano ako nagdusa nang mawala siya..araw araw kong sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay niya kasi bestfriend ko siya at mahal na mahal ko yung bestfriend kong yun kaya sana maintindihan mo na hindi ko rin ginustong mawala ang kuya Clark mo"sabi ko sakaniya kaya nanggilid lalo ang luha niya.
"Pasensya na Lexi,masakit lang kasi na namatay yung nag-iisang kuya ko..step brother ko siya pero kung ituring niya ako ay para akong hindi anak sa pagkakamali,napakabuti niyang tao at siya ang nagbigay sakin ng magagandang aral na hanggang ngayon ay dala dala ko pasensya na kung nagalit ako sayo Lexi"sabi niya habang naiyak kaya niyakap ko siya at tinapik tapik ang likod
"Pasensya na rin at ako ang dahilan ng pagkamatay niya"sabi ko sakaniya pero umiling iling siya.
"Hindi masyado lang akong nadala sa galit ko kaya sayo ko naibunton yun pero wala ka talagang kasalanan"sabi niya at pinaghiwalay kami."Hehe tama na seloso si boss"sabi niya kaya nanlaki agad ang mata ko.
"Huwag mong sabihing nandito siya?"tanong ko sakaniya,pinunasan niya ang mata niya at umiling."Nasa condo siya,ayaw niyang lumabas kaya pinabantayan ka nalang niya sakin"sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Wag niyo akong bantayan dahil hindi naman ako bilanggo,palibhasa masyado niyang pinapairal ang pagiging makasarili niya lahat nalang nang bagay gusto niya alam niya"inis na sabi ko.
"Pero bakit pag-uwi niya kanina,para siyang basang sisiw?kanina nga hindi siya nagsasalita at ayaw niyang kumain,hindi narin siya pumapasok sa trabaho kaya nahihirapan na yung mga board members at ako sa sitwasyon namin..kapag kinakausap ko si boss sinisigawan niya lang ako"sabi ni Klyde kaya bumuntong hininga ako at tumingin sa malayo.
BINABASA MO ANG
Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)
RomanceFormer Title: My Ex-Boyfriend's Obsession