Chapter 46-Problems
Lexi's Pov
Sabay na kaming pumunta ni Luke sa Delux Cuisine para pumasok sa trabaho,kahit ayaw ni Luke na pumasok ako ay nagmatigas ako dahil malapit na mag bayad ng kuryente at isa pa malapit narin ang bakasyon siguradong maraming project sila Kei at Khalex ngayong patapos na ang eskuwela.
"Napakatigas ng ulo mo,bala ka sa buhay mo kapag humandusay ka mamaya"inis na sabi ni Luke at pinitik pa ako sa noo.
"Bakit may pagpitik pa?!kaya ko naman ang sarili ko anube"inis ring sabi ko sakaniya.
"Ewan ko sayo Alexis"sabi niya at lumabas sa locker room,sinuklay suklay ko muna ang kulot kong buhok at inayos ko rin ang pagkaka tak in ng polo shirt ko bago lumabas ng locker room at dahil naka assign akong kumuha ng order ay lumapit na ako duon sa bagong dating na costumer.
"Good day ma'am,welcome to Delux Cuisine may i take your order?"magalang na tanong ko duon sa babaeng mukang mayaman dahil sa datingan ng suot niya,may kasama siyang batang babae na mukang maldita.
"Can you see na kakaupo palang namin ng anak ko"mataray na sabi nung babae sakin kaya natikom ko ang bibig ko.
"Zsa Zsa what do you want?"tanong nung babae sa anak niyang si Zsa Zsa daw.
"Mommy i want carbonara ayokong may mushroom at gusto ko ring lasagna less cheese kasi nasusuka ako kapag kumakain ng maraming cheese at isang cookies and cream shake,pakilagyan ng maraming whip cream at maraming chocolate sauce..ayun lang"sabi nung Zsa Zsa,gustong gusto ko siyang kurutin dahil napakabastos niyang bata pero anong magagawa ko?
"Narinig mo naman yun diba?Wag kang tatanga tanga dapat kung anong hiniling ng anak ko ganun din ang ibibigay mo"mataray na sabi nito,napatango nalang ako at simpleng napayuko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Sakin ay steak at vegetable salad"sabi nung babaeng ang sarap ihampas ng muka sa lamesa,tumango nalang ako at sinulat sa papel yung gusto niya.
"Mommy how about daddy Xavier?"tanong nung Zsa Zsa,agad nanlaki ang mata ko at napaangat ng tingin.
'Tama ba yung narinig ko?Xavier nga ba talaga?'
"Oh i almost forgot buti at pinaalala mo kay mommy"nakangiting sabi nung babae at tumingin sakin habang nakataas ang kilay.
"Isang bulgogi at bibimbap for take out"sabi pa nito,napalunok ako dahil
'Ayun yung favorite namin ni Xavier'
"Hey are you listening"sabi nung babae."Hey stupid wake up"sigaw sakin nung babae kaya natauhan ako.
"Beshy"sabi ni Vanessa na nasa likod ko habang nakahawak sa balikat ko.
"Ganyan ba katanga ang waitress dito?lagi nalang tulala?for this restaurant to be successfull they needed a fast and smart employee not like you"sabi nito sakin kaya napatungo ako.
"Pasensya na po"sabi ni Vanessa na hinila ako papuntang kitchen."Beshy ang malas mo"sabi nito sakin at pinaharap pa ako.
"Bakit?"
"Ayun si Mrs.Maricar Guzman,lagi yun nakain dito kaya nga iwas na iwas ako pag ayun ang nakain dito kasama yung anak niyang ubod nang maldita"naiinis pang muka ang pinakita sakin ni Vanessa pero wala duon ang atensyon ko.
"Guzman?"tanong ko.
"Oo,hindi mo ba kilala yung asawa nun?Napakabait nga nun eh,minsan nakain dito yun"sabi niya pa.
"X-xavier ba ang pangalan?"tanong ko,tumango naman siya habang nakatingin sakin.Nawalan ng emosyon ang muka ko at pekeng tumawa.
"Uyy ayos ka lang?"tanong niya,ngumiti lang ako sakaniya at nilampasan siya.
BINABASA MO ANG
Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)
RomanceFormer Title: My Ex-Boyfriend's Obsession