13

14.7K 356 5
                                    

Chapter 13

Lexi's Pov

Pagkababa ko sa kotse ko agad akong nagulat ng makita ko si Xavier,walang emosyon ang muka niya kaya nanibago ako.

"Xavier"masayang sabi ko at lumapit sakaniya,umiwas naman siya kaya nagtaka ako
"Bakit may problema ba?"nag-aalala kong tanong

"Ginagago mo ba ako huh Lexi?"gumagaralgal ang boses niya,agad naman ako nagulat nang may namumuong luha sa mata niya.Lumapit ako para punasan ang luha niya pero umiwas ulit siya.

"Anong ginagago ba Xavier?"naguguluhang tanong ko,umiling iling naman siya at may nilabas na litrato sa bulsa niya.

"Ano toh?Lexi"biglang tumulo yung luha niya,bigla nalang siyang napaupo at parang batang ngumangawa.Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang picture namin ni Kaizer nung halikan niya ako kahapon.

Lumapit ako sa kaniya at tinitigan sa mata.
"Hindi kita ginagago Xavier,nagulat na nga lang ako bigla niya akong hinalikan pero di ko gusto yun.Maniwala ka"nakangiting tugon ko,umaliwalas naman ang muka niya at napangiti.

"Hindi mo siya mahal?"parang batang tanong niya,umiling naman ako at ngumiti.Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at yapusin ng mahigpit,gumanti rin ako ng yapos sakaniya.

"I love you na talaga"natatawang sabi niya kaya napatawa narin ako.Sabay kaming tumayo

Kaizer's Pov

Talaga bang inuubos niya ang pasensya ko?
Nangangatal na ko sa galit ngayon,pero wala parin akong magawa.Di ko manlang masaktan yung Xavier na yun dahil alam kong mas lalo akong kamumuhian ni Lexi.

Tinanaw ko ulit sila sa malayo,at nakita ko kung paano halikan nung payatot na Xavier na yun si Lexi.Naiyukom ko ang kamao ko,akala ko magiging madali lang toh para sakin but Fuck!it is so hard

Mabilis konh nilapitan ang pinaka malapit na pader at pinagsusuntok yun sa sobrang galit ko nasira yung pader at may dugo na yung kamao ko.

Xavier's Pov

Nasa canteen kami ngayon ni Lexi,napakaswerte ko dahil ang ganda ganda ng girlfriend ko imagine,matangkad,maputi,mahaba at kulot ang buhok,matangos ang ilong,mapupungay ang mata at labi sobrang pulang labi kaya mahal na mahal ko talaga siya eh.

Hinawakan ko yung kamay niya kaya nagulat siya at tumingin sakin.
"Bakit?"tanong niya habang may pagkain parin sa bibig niya.

"Wala naman,ang ganda mo lang kasi e"nakangiting sabi ko,nilunok niya muna yung pagkain niya bago mag salita

"Hahahahaha matagal ko nang alam nuh!Ano ka ba"natatawang sabi niya,ewan ko ba kung bakit lagi akong naeestatwa kapag nakikita kong tumatawa siya.

"Kahit anong mangyari hindi ako papayag na mawala ka sakin"bulong ko,nagulat naman siya at biglang ngumiti.

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin,nagulat kami ng biglang tumabi kay Lexi si Kaizer kaya nanlaki yung mata ni Lexi

"Anong ginagawa mo dito?"masungit na tanong ni Lexi.
"Kakain,wala ng pwesto eh"blangko lang ang muka niya.

"Tsk!Huy Xavier alis na tayo dito"sabi ni Lexi,tumango naman ako at tumayo na

"Keep your family close to you,you might not see them again"nagulat ako ng bigla niyang sinabi yun,pero hindi ko na pinansin pa at sinimulan nang akayin si Lexi palabas ng canteen.

Lexi's Pov

Nasa Cr ako ngayon nagulat ako ng biglang padabog na bumukas yung pinto,at nanlalaki ang mata ko nung makita ko si Kaizer

"Anong ginagawa mo dito?"sigaw ko pero di siya umiik,muka nga siyang lasing eh.

"It's so hard Lexi!bumalik kana sakin please,ayoko nang gumawa ng bagay na ikagagalit mo"sinandal niya ang noo niya sa balikat ko.

"Masakit ang dibdib ko,hindi ko alam ang kaya kong gawin pag lumala pa ang galit ko"malungkot ang tono ng boses niya,para tuloy nanlambot ako
ng marinig ko ang malungkot na boses niya.

"Ayokong saktan si Xavier dahil magagalit ka,kaya bumalik ka nalang sakin please"pakiusap niya pa,tinulak ko naman siya

"Ano bang sinasabi mo Kaizer?!Pinaglalaruan mo ba ako?"galit na tanong ko,mas lalong lumungkot ang muka niya.Bumuntong hininga siya at itinulak ako pasandal sa pader.

Pinunasan niya ang labi ko at saka ako hinalikan.Halik na desperado at nag mamakaawa pero pilit kong hindi tinutugunan.

"Ayoko ng kahati,dahil ang akin ay akin lang"sabi niya bago lumabas at duon ako maiwang tulala nanaman

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon