Chapter 08 : Cheers

193 35 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


YOU can say that you're really into your friends if you smile and laugh with them genuinely. I guess this is what I deserve. I once lost a person who almost become the most important person in my life and now, God gave me these peeps that will surely be with me throughout the years. Kung nagawa kong madapa at masaktan noon, masaya pa rin ako dahil doble o triple pa ang ibinalik sa akin ng nasa itaas.

We dance and scream at the top of our lungs. The loud sound of the karaoke made this place clamorous opposite to what it really was.

Lahat kami ay tuwang-tuwa habang bumabanat ng isang mataas na kanta si Gracelyn. Hindi naman siya totally singer but the thing that's interesting is that she belts every single note like her throat was about to throw up. 'Yung para bang sa sobrang pagbirit niya ay mapuputol na ang litid niya sa leeg. Hindi naman kami nangangamba dahil natural na 'yon sa boses niya.

Nagpatuloy lamang siya sa pagkanta hanggang sa namalayan na lamang namin na nasa tabi na pala namin sina Henrich at Jethro. Kaaahon lamang nila sa pool at tumutulo pa ang tubig na mula sa kanilang katawan sa sahig.

"Asan pala sina Steven at Zyde?" usisa ni Elizze nang mapansing wala ang dalawang lalaki.

Nagkibit-balikat lamang ang dalawa hanggang sa tuluyan nang masagot ang tanong ni Elizze nang matanaw namin ang naglalakad na sina Steven at Zyde habang may bitbit na tig-isang case ng beer.

"W-Wait.. is that alcohol?" tila ba nag-aalinlangang tanong ni Macy. Oops. Mukhang mapapasabak sa inuman ang grade-conscious naming kaibigan.

"Yes, Isopropyl," biro ni Gracelyn dahilan upang makatanggap ito ng pambabatok mula kay Elizze.

"Bawal ang hindi iinom, Macy!" nakangising sambit ni Henrich habang may pagtaas-baba pa ng kilay ang loko.

"Oh shit! You guys.. Uhh! This is so much peer pressure," pag-iinarte pa ni Macy. Alam naman naming go siya sa ganito at ginagawa niya lang joke ang pag-iinarte niya kaya hindi pa rin siya makakatakas.

I'm not really the party-goer type of girl. Aaminin ko, boring akong tao. But I have to admit na umiinom din naman ako occasionally. Hindi lang talaga 'yung tipong basta lamang magyaya ang barkada na mag-inuman ay kaagad din akong papayag at ako pa ang pabida.

The karaoke party continues and the music turns wild as soon as the songs start to turn rock. Mayamaya pa'y si Zyde na ang may hawak ng mikropono at siya naman ang bumanat ng kanta. The song Maybe Tonight by The Summer Set was flashed on the screen.

"Para sa buenamanong shot.." Steven raised the cup as if he's doing some rituals and making the first shot a blast one. Iniabot niya ang baso kay Jethro.

"Para 'to sa lahat ng mga food trips na nasayang!" bulalas niya at saka diretsong ininom ang hawak na beer. Wala man lang itong preno sa pag-inom at halatang bihasa na sa ganitong gawain.

Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon