"Alam mo, Mister Abo? 'Wag mo 'kong lokohin, ha? Sawang-sawa na ako sa mga panloloko, 'wag ka nang dumagdag." Sinubukan kong bawiin kay Cason ang wax subalit napakahigpit ng hawak niya rito at para bang ayaw niya talagang bitiwan. "Ibigay mo sa akin 'yan, huy! Hindi naman sa 'yo 'yan, eh!" paulit-ulit kong sinubukang abutin mula sa kaniya ang colored wax ngunit itinataas niya pa ito dahilan upang lalo kong hindi makuha.Bwisit. Pasalamat siya't matangkad siya. Hindi ko tuloy mabawi 'yung wax. Baka angkinin niya pa 'yon kahit na hindi naman talaga sa kaniya.
"Mister Abo? Anong klaseng pangalan 'yan?" natatawa niyang sambit bago binuksan ang colored wax. Hindi ko pa rin iyon makuha sa kaniya kaya naman pinanlisikan ko na lamang siya ng tingin sa pagbabakasakaling ibalik niya sa akin.
"Duh! Obvious ba? Syempre dahil sa surname mo, Mr. Ashton!" giit ko habang nakakapit sa magkabilang bewang ko.
His smirk grew larger as his eyebrows raised repeatedly. Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko at bigla siyang ngumiti nang malademonyo. Ano ba kasing problema niya? Hindi naman kami close para pagtripan niya ako 'no? Wala naman sina Macy at Gracelyn na siyang totoong may crush sa kaniya.
"Ikaw, ha. Ginagawan mo na agad ako ng nickname," pang-aalaska ni Cason habang nakatitig sa akin.
Imbis na magpatinag sa pang-iinis niya ay ginamit ko ang pagkakataon upang bawiin sa kaniya ang wax. Agad naglaho ang ngiti sa mukha niya nang mapagtantong tagumpay ko na iyong nabawi at nagtatakbo palayo.
"Hoy sandali!" bulalas niya. That's when I realized he's following me.
Nag-ingat ako sa pagtakbo dahil ayokong magaya kay Zyde. Mabuti na lamang talaga at walang masyadong pakalat-kalat na estudyante sa dinaraanan ko kaya naman agad akong nakatakbo sa malawak na field. Akmang titigil na ako sa pagtakbo at maglalakad na lamang dahil medyo hinahapo na agad ako nang ma-realize kong nakalapit na pala sa akin si Cason.
"Bakit ba kasi? Hindi nga sa 'yo 'to. Sa kaibigan ko 'to, kay Henrich. Epal ka," palusot ko upang matigil na si Cason. Nakangisi lamang siya habang papalapit sa akin bagay na mas ikinaiinis ko pa lalo.
"Talaga lang Pin, ha?" pangungulit niya. Hindi niya iniaalis ang tingin sa wax na hawak ko kaya naman agad ko na itong isinilid sa bulsa.
I sighed as I raised both of my hands a sign of giving up. I don't want to run anymore. Aside from the fact that I really hate catching my breath, these people around me may think I'm a weird childish girl. Ayoko namang pag-usapan ako ng mga tao at students dito dahil nagpapahabol ako sa bwisit na Ashton na 'to.
"Eh paano kung sabihin ko sa 'yong, ako ang nakasabay mo dati sa isang bus at pikon na pikon ka dahil hindi kita tinabihan?" Natigilan ako't nanlaki ang mga mata sa narinig. Paano niya nalaman 'yon?
BINABASA MO ANG
Marupoked
HumorMarupoked adj. marupok noon, strong na ngayon After ng breakup, pinilit magpakatatag ni Pin upang hindi na siya mahulog kaagad-agad sa mga lalaking umaaligid sa kaniya. Hindi niya inakalang isang araw, makikipagbalikan sa kaniya ang kaisa-isa niyang...