Chapter 23 : Thanks for being here

82 10 0
                                    

Is that what life always brings to us? Is that really what life offers to us? I really don't know if I still want to be happy if so

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






Is that what life always brings to us? Is that really what life offers to us? I really don't know if I still want to be happy if so. The fact is, life always taught me to keep still and enjoy whatever comes, but in the end, after being so fulfilled and happy the entire day, here comes tomorrow which will give you another day of sorrow.

Sa kabila ng pagmamadali ko ay hindi ako nagpadala sa tensyon bagkus pilit kong pinakalma ang sarili at itinatak sa isipan na wala akong dapat ipag-alala. Tuluyan nang dumilim ang paligid nang makarating ako sa terminal ngunit sa kasamaang palad, buntot-buntot pa rin sa akin si Cason na tila ba walang balak lumayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit magpahanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya kahit pa ilang beses ko na siyang pinagtabuyan kanina at sinabihang umuwi na.

"Nandito na ako. Thanks for being here but I want you to know that you don't have to be with me everywhere. Umuwi ka na at magpahinga. Alam kong napagod ka rin buong araw," paalam ko kay Cason nang mismong paakyat na ako sa bus. Buti na lamang at hindi pa naman ito umaandar at tila ba naghihintay pa ng mga pasahero.

Nanatili lamang na nakatayo si Cason at nakatingala sa akin. Nakailang hakbang na kasi ako sa bus habang siya'y tila ba nagdadalawang-isip pa rin kung pakikinggan ako hindi.

"Sige na, umuwi ka na. Pagod ka at kailangan mo nang magpahinga—"

"Eh, pagod ka rin naman, ah? Sasama ako sa 'yo," pagmamatigas pa ni Cason kaya naman napakamot na lamang ako sa ulo sa inis.

I don't want to burst out and raise my voice so now, I'm trying my hardest to convince him. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa utak niya para samahan ako pauwi sa probinsya namin when in fact, he's not obligated to be with me. Yes, he's my friend but that doesn't mean he has to be with me too ngayong biglaan akong umuwi dahil sa emergency. Parang over naman na yata 'yon.

"Cason, please. 'Wag ka nang makulit. Hayaan mo na, pagbalik ko rito, babawi ako tapos gagala ulit tayo kasama ang mga kaibigan natin. For now, I have to go home and you need to go back to where you're staying too. At isa pa, hindi ko kayang bayaran ang pamasahe mo kaya 'wag ka nang dumagdag pa sa problema," mahinahon ngunit maotoridad kong sambit. I don't want to offend him yet, I want to show him how hard it is to consider what he wants.

"'Wag kang mag-alala, ako na ang magbabayad ng pamasahe ko. Gusto ko lang talaga sumama. Sige na, Pin, oh? Hayaan mo na ako. Wala na rin naman akong gagawin sa amin. Saka babalik ka rin naman agad dito, 'di ba? Kaya hayaan mo na ako. Gusto ko ring makabisita sa probinsya niyo," pangungulit pang muli ni Cason.

Napabuntong-hininga ako at tinalikuran na lamang siya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko para makumbinsi siyang umuwi na kaya naman naglakad na lamang ako papasok sa bus.

Nang makarating sa may bandang dulong bahagi ay agad akong pumwesto sa upuan sa tabi ng bintana. Gulat ko na lamang nang mapansing sumunod pa rin pala si Cason sa akin at tumabi sa upuan ko. Wait, seryoso ba talaga siya na sasama siya? Baka kung ano na lamang ang isipin sa amin kapag nakita nilang may kasama akong lalaki? Bwisit naman 'tong abo na 'to.

Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon