Chapter 14 : Truth be told

100 11 0
                                    

Truth be told; it was really hard for me to tell those words and hurt him the way he hurt me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Truth be told; it was really hard for me to tell those words and hurt him the way he hurt me. I was never a fan of revenge. It sucks that people do bad things to us but we don't want to do the same thing to them or bring back the pain just because we know it is the right thing to do.



Napasinghap ako nang mapagtantong huminto na pala ang tricycle na sinasakyan ko sa tapat ng dormitory namin. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagmumuni-muni ko, nakarating na pala ako sa tinutuluyan ko. Mabuti na rin 'to dahil kanina ko pa tinitiis ang kahihiyan na tinamo ko mula sa mga taong nakasalubong ko. Good thing Lark is so understanding. He even asked me if I still want to continue our task but then again, I chose to accomplish it this day kahit pa basang-basa ako at naligo pa sa ulan. Nakakahiya man ngunit bumili na lamang muna ako ng pansamantalang damit pamalit para lang maituloy namin ang interview.



Matapos magbayad sa tricycle driver ay dali-dali akong bumaba at nagtatakbo papasok sa dorm. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Elizze kapag nakita na naman niya akong basa pero kailangan ko nang sabihin sa kaniya ang lahat. Hindi ko na kayang sarilihin lahat ng nalalaman ko sa kabila ng kagustuhan kong kalimutan na si Fritz at lahat ng alaala mula sa kaniya.



"Oh? Bakit basang-basa ka na naman? Kahapon basa ka rin nang umuwi tapos ngayon—"



"Fritz's sick and he's going to leave the country soon," diretso kong sambit kay Elizze dahilan upang matigil siya sa paglalaba ng sarili niyang mga damit at napatayo.



Bakas ang pagtataka sa mukha niya. "Ano? Ano raw sakit niya?" gulat niyang tanong ngunit kaagad akong nagkibit-balikat.



"Hindi ko alam. The only thing I knew right now is he'll leave the country for his treatment. Hindi ko itinanong pa sa kaniya kung ano ang pinagdaraanan niya dahil ayokong magmukhang interesado pa rin sa kaniya. Elizze, gano'n ba talaga siya kahirap kalimutan? Bakit hanggang ngayon, naaapektuhan pa rin ako sa mga kinikilos niya?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't naipakawala na ang mga tanong na matagal nang bumabagabag sa akin.



Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako malambot pagdating sa kaisa-isang ex ko. But why do I have to deny it? Bakit ang duwag ko para harapin ang katotohanang hindi pa talaga ako nakakamove-on at palagi pa ring sumasagi sa isipan ko ang mga nangyari?



"Hindi naman kasi talaga madali, Pin. Mas lalong hindi magiging madali kung pati sa sarili mo, magsisinungaling ka. At isa pa, bakit mo naman ineexpect na magiging madali para sa 'yo ang kalimutan siya? Minahal mo siya nang buo hindi ba? Minsan nang umikot ang mundo mo sa kaniya. Of course, moving on wouldn't be easy," sagot pa niya.



Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya tumango-tango na lamang ako at nagpasyang pumasok na sa loob. Pinakinggan ko na lamang si Elizze, maybe I should really accept it. That way, maaring makalimutan ko na talaga ang sakit at matutunan kong palayain ang sarili ko nang totoo, slowly but surely.


Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon