Padabog akong umahon mula sa pool. Tumutulo pa ang tubig mula sa damit ko at paulit-ulit pa akong kinukulit ni Cason subalit nagbingi-bingihan na lamang ako at dali-daling pumasok sa loob. Hindi ko pinansin ang bawat sinasabi niya dahil baka masigawan ko lamang siya sa inis. Minsan nakakapagtaka lang talaga kung bakit natitiis pa naming kasama ang kumag na 'to, eh."Pin, 'wag ka nang magpahabol. Sorry na kasi. Gusto mo hipan kita para matuyo ka?" pangungulit pa ni Cason habang sinusundan pa rin ako sa paglalakad papasok sa loob ng bahay nina Zyde.
Tila ba napansin naman ni Zyde na papasok ako sa loob. Bigla na lamang kasi siyang humarang sa daanan na para bang pinipigilan akong pumasok. Isa rin 'to, eh. Pasalamat na lang talaga siya at pagmamay-ari niya 'tong tinatambayan namin.
"Hep hep hep! Saan kayo pupunta? Basang-basa kayong dalawa, oh? Hindi niyo ba nakikita? Tapos papasok kayo sa loob? Mahiya naman aba," pasaring na sambit ni Zyde at saka tiningnan kami mula ulo hanggang paa.
Hindi na ako nakapagsalita pa sa inis at napagdesisyunan na tumambay na lamang dito sa labas. Bwisit lang talaga itong abo na 'to. Sa dami ng pwede niyang pagtripan, bakit ako pa?
"Alam niyo? Para kayong aso't pusa lagi. Mula nang unang magkita kayo, nakatatak na yata sa sarili niyo na kailangan magkaaway kayo. Pwede ba? Para kayong mga bata." Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang nakapamewang na si Elizze. Sinesermonan niya kaming dalawa ni Cason habang hawak-hawak sa kabilang kamay ang microphone ng karaoke.
"Cute naman," sabat ni Cason.
"Mas cute ako, 'no!" taas-noong giit ko naman. Muling humalakhak na parang siraulo 'tong si Cason kaya naman sa inis ko'y napahampas na lamang ako balikat niya. Nakakapikon lang talaga 'yung pamamaraan ng pang-aasar niya. Effective.
"Alam niyo ang mabuti pa, tumulong na lang kayo sa pag-iihaw. Puro kayo landian, wala naman kayong magandang dulot. Tulungan niyo sina Macy at Jethro doon. Saka bantayan niyo si Jethro. Baka hindi pa natin natitikman 'yung pagkain, naubos na niya," utos ni Elizze sabay turo kina Macy at Jethro na nasa bandang gilid at abalang nag-iihaw ng barbecue at hotdogs.
Kung makautos naman 'tong babaeng 'to, akala mo naman may ginagawa siya. Pakanta-kanta lang naman siya sa karaoke kahit ang pangit ng boses niya. Mabuti na lamang talaga at best friend ko ito.
In order to stop the discussions between us, umuna na ako sa paglalakad patungo sa kinaroroonan nina Macy at Jethro. I found out that they're struggling to build a fire on the charcoal kaya naman ako na ang kumuha sa matchbox at gumamit ng papel para makabuo ng baga.
Hindi nagtagal ay tuluyan na kaming nakapag-ihaw ng mga pagkain. Cason, on the other hand, keeps on murmuring around as if he's really determined to ruin my day. Sa kabila ng walang humpay na pang-aasar niya, nagpatuloy na lamang ako sa pag-iihaw at hindi na lamang pinansin ito.
"Bakit ba ang sungit mo yata ngayon?" usisa ni Jethro. Napansin na yata niya ang consistent pagkabadtrip ko kay Cason.
Hindi ko rin alam kung bakit ba napakagaling niyang mang-inis sa akin. Gustohin ko man siyang inisin pabalik, hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
Marupoked
HumorMarupoked adj. marupok noon, strong na ngayon After ng breakup, pinilit magpakatatag ni Pin upang hindi na siya mahulog kaagad-agad sa mga lalaking umaaligid sa kaniya. Hindi niya inakalang isang araw, makikipagbalikan sa kaniya ang kaisa-isa niyang...