Chapter 09 : Hangover

163 24 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"WALA ba kayong balak bumangon diyan?" Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan kong pare-parehong nakahandusay sa sahig ng living room nina Zyde. Natatawa na lamang ako sa hitsura ng bawat isa lalo pa't kahit ako'y walang kaide-ideya kung papaano sila humantong sa ganitong sitwasyon.

"Aalis na tayo?" tanong ni Macy na siyang hindi natulog sa aming lahat. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Sanay yata talaga siya sa puyatan.

Last night was a blast. Even though some of us have no high alcohol tolerance, naging mas masaya pa ang bonding namin dahil hindi nila namamalayan na sa kalasingan, nagsu-swimming na sila sa sahig habang sumasayaw.

"Ang aga pa!" reklamo ni Gracelyn na ngayo'y umiinat na. Upang mas mapadali ang paggising nila, binuksan ko ang mga ilaw kaya't pare-parehong nagtakip ng mga mata ang mga kumag.

Inayos ko na ang ilang mga gamit nila bago ko pa man sila gisingin. Sa aming walo, ako ang hindi masyadong tinamaan ng alak at maagang nagpahinga. Tiniis ko talaga ang pambubulabog nila sa akin dahil gusto kong magkaroon ng sapat na pahinga lalo pa't kailangan naming umalis nang maaga. Ayon kasi kay Zyde, uuwi raw pala ang mga magulang niya ngayon. Hindi namin gustong magkaroon ng bad impression sa kanila kaya't hindi na namin pa hahayaang abutan nila kami rito.

"It's already 4 'o clock. Baka nakakalimutan niyong darating ang parents ni Zyde ng 6 am?" I reminded habang nakapamay-awang pa. Isa-isa na ring bumangon ang mga tulog-mantika.

"Wait, hindi ba muna tayo kakain bago umalis?" tanong ng papikit-pikit pang si Jethro. Walang naging reaksyon ang mga kasamahan ko dahil lahat sila, tila ba gusto pang madama ulit ang sahig.

"We don't have time anymore. At isa pa, wala na rin 'ata tayong makakain ngayon dahil inubos niyo na lahat kanina. Maybe pwede tayong dumiretso sa isang fast food chain bago umuwi," suhestiyon ko na lamang.

Alam kong kaunting oras lang ang naitulog nila sapagkat madaling araw na'y gising pa rin ang mga ito, ngunit talagang kailangan na naming maghanda paalis.

"Sige na, bumangon na kayo diyan!"

Matapos makapag-ayos ang lahat ay isa-isa na kaming sumakay papasok sa van na naka-park pa rin sa labas ng bahay nina Zyde. Sinabihan namin siyang 'wag nang sumama sa amin at magpahinga na lamang upang hindi siya maabutang puyat ng parents niya ngunit nagpumilit pa rin siyang sumama.

"Sa shortcut na tayo dumaan. Madilim-dilim pa. Medyo delikado pa sa dinaanan natin kahapon. At isa pa, mas malapit ang fast food chains dito sa shortcut," may pag-aalalang sambit ni Zyde nang makasakay siya sa front seat sa tabi ni Steven.

Nang magsimulang umandar ang sasakyan ay namataan kong tila ba isa-isa na namang pumipikit ang mga kasamahan ko. Napakamot ako sa ulo't napansing nakabukas ang sound system ng sasakyan kaya't mabilis kong ikinonekta ang phone ko rito gamit ang wirelss connection at nagpatugtog ng isang loud rock music.

Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon