Chapter 30 : In a blink of an eye

121 7 1
                                    

(chapter theme: Dulo by: Alexander Diaz)THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(chapter theme: Dulo by: Alexander Diaz)
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW



"What do you guys think? Why do they have to hide it to us? Kaibigan nila tayo, kasama sa lahat ng bagay. At isa pa, Pin has always been honest and genuine to us. Sa tingin niyo, naimpluwensyahan lang talaga siya ni Cason?" Bumasag sa katahimikan ang tanong ni Steven na siyang nagmamaneho ng kanilang sinasakyang van. Magkakasama ang mga magkakaibigan habang wala pa ring kaalam-alam ang dalawa nilang kasamahan na sina Pin at Cason sa kanilang biglaang pag-alis.

Lingid sa kanilang kaalaman ay tahimik na nakikinig lamang si Henrich habang pasimpleng nagtitipa sa kaniyang telepono. Walang kaalam-alam ang mga magkakaibigan na ang kanilang lahat ng pinag-uusapan ay sinasabi na nito kay Cason.

"Kaya pala magkasama sila ni Pin sa probinsya namin last week. Wala akong kaalam-alam na may namamagitan na pala sa kanilang dalawa," dismayadong sambit na lamang ni Elizze na siyang nakaupo sa loob ng van kasama ang iba pa. Para sa kaniya'y napakasakit na sa unang pagkakataon ay naglihim sa kaniya ang matalik na kaibigan.

"Cason will always be my crush. Parang dati lang, baliw na baliw pa kami ni Gracelyn sa kaniya tapos ngayong nakasama natin siya sa grupo, doon pala natin makikita kung anong totoong kulay niya? How I wish we didn't let him to be with us noong una pa lamang!" paggatong pa ni Macy dahilan upang biglaan na lamang mapalingon si Gracelyn nang marinig ang kaniyang pangalan.

"Anong baliw na baliw? Hoy, ikaw lang 'yon 'no?!" agad namang pagtanggi ni Gracelyn sa ipinahayag ng kaibigan.

Natawa na lamang ang mga magkakaibigan sa kanilang inasal. Sa kabilang banda, alam nilang hindi naman magtatagal ang kanilang hinanakita sa ginawang paglihim ng dalawa sa kanilang mga kaibigan. Sadyang nagulat lamang sila nang ipaalam ni Henrich ang tungkol sa kaniyang nalaman noong nakaraang gabi.

"So ano na? Shall we prepare a celebration party for the both of them? I mean, wala pa naman silang label as of now pero for sure, in the next few days, magugulat na naman tayo sa magiging announcement nila," pag-iiba na lamang ni Henrich nang muling matahimik ang buong paligid at tila ba napagod na ang mga ito sa pagkukwentuhan tungkol sa dalawa.

"Just tell Pin first that we're heading to Zyde's house. For sure, hinahanap na tayo no'n ngayon. Bakit kasi bigla na lang tayong umalis nang hindi siya sinasabihan?" wika ni Elizze. Hawak na niya ang kaniyang telepono at naghahanda sa pagtawag sa kaibigan.

Akmang tatawagan na nito si Pin nang bigla na lamang niyang marinig ang boses ni Henrich. Tila ba may kausap na ang binata sa telepono at naunahan na niya si Elizze sa kaniyang binabalak.

"Yes. Papunta kami ngayon kina Zyde. 'Wag ka nang mag-alala dahil hindi na sila galit. Just go pick up her, at mag-reready na kami ng surprise party para sa inyong dalawa. What? Sige na, para naman mabinyagan niyo 'yung bagong motor mo. We're excited to see the both of you. Ninong at Ninang kami, ah?" Umalingawngaw sa buong sasakyan ang boses ni Henrich.

Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon