Wild people, loud electro music, strangers dancing on the dancefloor without limits, and hesitations are what fulfilled the entire venue of Riversky's grand event hall. Kanina pa kami nakaupong magkakaibigan sa harap ng bilog na lamesa at tila ba naghihintay lamang ng uwian. Hindi ko rin maintindihan sa kanila. We didn't suppose to be like this. We must go wild, too. But instead, nanatili lamang silang nanonood sa mga sumasayaw."Ang boring 'no?" narinig kong pasaring wika ni Macy bago nagsalin ng Iced tea sa wine glass na nasa harapan lamang niya.
Elizze was still busy texting. Sabi niya sa amin kanina ay darating si Kensley upang makihalubilo sa party ngunit magpahanggang ngayo'y wala pa rin siya. On the other hand, itong mga lalaking kasama naman namin sa lamesa ay wala ring kibo at nanatili lamang na nakatingin sa mga sumasayaw sa gitna. Uubusin ba namin ang oras namin nang pagani-ganito lamang?
"Alam niyo, mas mabuti pa kung kina Zyde na lang ulit tayo nag-party. Mas nag-enjoy pa siguro tayo," wika naman ni Jethro habang ngumunguya ng nachos.
Agad naman siyang sinang-ayunan ng lahat. It's like, all of a sudden, they regret attending here. Naiinintidihan ko naman ang point nila, of course mas masaya naman talaga kung kami-kami lang. But this is Riversky students' night. We are part of the school's population at kailangan naming suportahan ang event na ito.
Napailing-iling na lamang ako. Walang mangyayari kung hihintayin ko silang tumayo at manguna sa dancefloor. Siguro'y kailangan ko nang pangunahan upang magsunuran na rin sila at sulitin namin ang gabi. Sayang pa naman ang mga makeovers at outfits of the day na pinaghandaan namin.
Akmang tatayo na sana ako nang biglang huminto ang malakas na music dahilan upang dismayadong mapatigil din ang mga students na kasalukuyang ineenjoy ang party. Namuo ang pagtataka sa isipan ko at maging ang mga kasamahan ko'y tila ba ikinagulat din ang biglaang pagtigil ng musika.
"Sorry to interrupt you but we're about to start the surprise Search for Mr. and Ms. Riversky Freshmen. Now may I call on the following people to join us here on stage and also to get their numbers para makapagsimula na tayo!" Tila ba huminto ang mundo naming lahat nang marinig ang nakakabingi sa lakas ng boses ng emcee na nagsalita sa harapan.
Muli akong umupo sa pwesto ko at ibinaling ang tingin sa unahan. Isa-isang nagbanggit ng pangalan ang emcee kaya naman hindi ko na ito pinakinggan bagkus ay itinuon ko ang pansin sa mga nagpupuntahang mga students sa unahan na siyang mga binabanggit ng emcee.
"Naks! Candidate si captain ball!" rinig kong bulalas ni Steven kaya naman otomatiko akong napalingon sa gitna at natanaw ang naglalakad na rin papuntang unahan na si Fritz.
This is the first time I saw him after that confrontation at the drugstore. He seemed so different now. I mean, not totally different but I can see the changes from him since the last time we met.
BINABASA MO ANG
Marupoked
HumorMarupoked adj. marupok noon, strong na ngayon After ng breakup, pinilit magpakatatag ni Pin upang hindi na siya mahulog kaagad-agad sa mga lalaking umaaligid sa kaniya. Hindi niya inakalang isang araw, makikipagbalikan sa kaniya ang kaisa-isa niyang...