Chapter 05 : Dropped off

247 53 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"It's nice to see you again, Josefina. I never thought we would be in the same institution after a few years. We didn't see each other after our Elementary Graduation and look at you, you've grown a lot." Kaloka. Dumaan lang ang high school, naging amerikana na 'tong si Gerlyn.

Gerlyn is my childhood best friend. I remember those days na mga batang hamog pa kami at maging ang pagsisimula naming lumandi noong Grade 6. And up until now, I still can't believe na pumapasok kami sa parehong university. Hindi ko alam kung paano at saan niya ako nakita ngunit hindi ko talaga in-expect na siya pala ang nagbigay sa akin ng message na 'yon.

"Ikaw rin naman. I'm happy to see you again. Nawalan na ako ng balita sa 'yo since second year high school but look at you now, ang ganda mo na!" pagpuri ko na lamang pabalik. Well, totoo namang maganda siya pero hindi pa rin ako nako-convince na maganda siya sa lahat ng aspeto—including the inside ones.

Mayamaya pa'y dumating ang isang lalaking siguro'y matanda sa amin ng three years. May iniabot siyang plastic kay Gerlyn.

"Let's eat?" alok niya sa akin ng isang burger. Pansin kong dalawang piraso lang 'yong tinapay at kinuha kaagad ng kasama niya ang isa kaya naman kahit gusto kong tanggapin ay umiling-iling na lamang ako.

"Sige lang. Katatapos ko lang din kumain bago ako pumunta rito," pagsisinungaling ko at nagbigay ng pekeng ngiti.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako pinapunta dito para makipag-meet kung may kasama naman pala siya. For sure, may something sa kanila ng lalaking kasama niya at ayoko namang tanungin iyon dahil baka magmukha akong tsismosa.

"Boyfriend mo?" I asked. Hindi rin ako pinatulog ng kuryosidad ko.

"Nope." Natigil sa pagnguya ang lalaki at nagkatinginan sila. "But we're on the process," dagdag pa ni Gerlyn at muling ngumiti. Ayoko namang isipin niyang hindi ako support sa love life niya kaya naman ngumiti na lamang din ako't tumango.

Ilang sandali pa matapos ang kwentuhan ay nagpaalam na rin ako sa kaniya. Sinabi ko na lamang na marami pa akong kailangang tapusin ngunit ang totoo, hindi ko na mainda ang awkwardness na nararamdaman ko. Sa harap ko pa kasi sila naghaharutan at baka nakaiistorbo na ako sa kanila kaya't ako na ang nag-insist.

Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, nagulat ako nang maramdaman kong nagba-vibrate ang phone na nasa bulsa ko. Agad ko itong kinuha at bumungad sa akin ang pangalan ni Elizze sa screen. Ano na naman kayang problema ng babaeng ito?

"Napatawag ka—Ano?!"


❃❃❃


"WALANGHIYA ka! Tumawag ka pa talaga sa 'kin para utusan akong bumili ng sili." Pabalang kong inihagis ang isang plastic ng sili sa lamesa. Naiirita ako sa babaeng 'to, lumabas na nga siya kanina para bumili, kinalimutan pa ang sili. Mabuti na lamang pala't hindi pa ako nakakaalis.

Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon