Chapter 22 : A friendly reminder

88 11 0
                                    

"Nasaan nga pala ang family mo? Saka, bakit ka nagtatrabaho as a crew? Ang tagal ka na naming kilala pero wala pa rin akong masyadong alam sa 'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





"Nasaan nga pala ang family mo? Saka, bakit ka nagtatrabaho as a crew? Ang tagal ka na naming kilala pero wala pa rin akong masyadong alam sa 'yo. Bukod sa nakakainis ang presensya mo minsan—ay mali pala. Madalas ka palang nakakainis." Habang nagsasalita ay pinipigilan kong tumalsik ang kinakain kong fishball. Alam kong I shouldn't talk while my mouth is full but I can't really resist the silence between. Hindi ako sanay na hindi kami nag-aaway ng abong ito.

Umayos siya nang pagkakaupo sa sidecar. Katabi ko lang kasi siya dahil gusto niya raw ng may sandalan. Nakatambay lamang kami sa tapat ng lakeside kung saan kitang-kita namin ang tubig sa gitna at ang mga nagtataasang building sa kabilang bahagi ng lakeside. Mabuti na lamang at medyo pababa na ang araw kaya hindi na rin masyadong mainit. Kanina pa rin kasi kami nakatambay rito.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Did I offend him? I mean, I'm worried that I might offended him. But I chose to remain calm and settled hanggang sa sumagot siya. Pasalamat na lang talaga siya dahil gumagawa pa rin ako ng paraan para hindi kami magkaroon ng ilangan sa isa't isa, 'no? Hindi lang talaga ako sanay kapag mayroon akong nakakasama sa paggagala tapos kaming dalawa lang.

"Grabe ka naman. Minsan lang kaya." Napatigil siya sa pagsasalita at tumusok ng squidballs na nasa plastic cup na hawak niya at saka dali-dali itong isinubo. "Ayun, they're in the province where I grew up. Sa totoo lang, hindi nila gusto na mag-part time ako dahil alam nila kung gaano kahirap ang time management. But, I still want to help kahit sa ganitong paraan. Alam mo naman kung gaano kalupit ang buhay. Saka, hangga't kaya ko namang pagsabay-sabayin, why not 'di ba? Dagdag credential din 'to pag-aapply. Opportunity grabber tayo," paliwanag niya kaya naman hindi ko maiwasang mamangha.

Woah. Tama ba itong naririnig ko? Si Cason Ashton, a.k.a. Jersey number 21, nag-se-share ng life lessons niya? Parang naninibago tuloy ako. Though, totoo naman lahat ng sinabi niya. One of my reasons why I decided to work at the milk tea shop is to help my family as well. Ayoko na kasing magdepende sa kanila pagdating sa mga school projects ko. Isama na rin doon itong paglalakwatsa namin lagi ng mga kaibigan ko. Hindi naman kasi kami pare-parehong galing sa mayamang pamilya but then again, friendship matters over everything. Naalala ko pa one time na may gimik kami tapos isa sa amin ang muntik hindi makasama dahil sa financial problem. To the rescue naman kaagad ang mga nakagagaan para lang makumpleto kami.

Anyway, going back, I still can't believe that those words came from the mouth of the King of the Ashes. Kahit pala may sapak ang lalaki 'to at minsan ay ang hirap niyang intindihin, mayroon din naman pala siyang masasabing may kabuluhan. And I admire him for being that realistic.

"Alam mo, marami pala tayong pagkakapareho. Actually, I'm just new here in Riversky too. Noong first year college, sobrang hirap bago ako nakapag-adjust dahil nasanay ako sa rural but then again, sinabi ko na lang sa sarili ko na kailangan kong makasurvive ng semester para makauwi ako sa probinsya at makita muli ang pamilya ko. Ang hirap kasi kung every week ako uuwi, napakaraming struggles at minsan, kailangan ko pang ilaan 'yung oras para sa projects at pansariling gawain gaya ng paglalaba ng mga uniforms," kwento ko naman sa kaniya. Mayamaya lamang ay napangiti si Cason at tila ba natawa sa sinabi ko.

Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon