It feels so relaxing to see how aesthetically pleasing the event is. From the extravagant decorations, upbeat music to the students' dress code this year's Founding anniversary is pastel green. The overall place screams nothing but cheerfulness and positivity.Marami na ring dumaragsa sa booth namin upang mag-try ng mga products na ibinebenta namin. Mayroon din kaming maliit na photobooth sa labas ng stall kung saan mayroong mga bubble effects na siyang nagbibigay ng enhancement sa mga photos ng mga dumarayo. Mabuti na lamang talaga na food booth ang naisipan naming itayo dahil alam naming ito talaga ang hahanap-hanapin ng mga students.
Nakiisa na rin ako sa pagtitinda dahil sa dami ng mga nakapila. Hindi ko inakala na magiging ganito pala talaga kagarbo ang selebrasyon ng Riversky's foundation day na dati ay nababalitaan ko lamang. Mayroon din kasing mga fun rides na talaga namang pinupuntahan din ng mga students.
"Pwede ko bang bilhin 'yung nagtitinda?" Natigilan ako sa pagkilos at nag-angat ng tingin nang makarinig ng malalim na boses.
Bago ko pa man makita kung sino ang nasa harapan ko ay nakilala ko na agad siya sa pananalita pa lamang. But what shook me as I saw him is the fact that he's wearing a face mask and his hair was green. Dahil sa hitsura niya ngayo'y hindi na ako nagduda pa na siya nga talaga ang supladong lalaking nakasalamuha ko noon sa bus. I couldn't believe na mapapalapit ako sa lalaking 'to at magiging crush pa siya ng mga kaibigan ko.
Biglang umalingawngaw ang mga tilian ng mga taong nasa paligid ko. Maging ang mga estudyanteng nakapila para bumili ay nakisakay din sa tilian kaya naman napabusangot ako ng mukha at sinamaan ng tingin si Cason. Bwisit na lalaking 'to, bakit ba biglang umaaligid sa akin 'to? Hindi pa lumilipas ang inis ko sa kaniya dahil sa pambubwisit niya kagabi sa tawag tapos ngayon, biglang susugod siya sa booth namin para mang-inis?
Kinuhit ko ko ang isa sa mga kasamahan kong nagtitinda sa booth at itiniro si Cason. "Sammy, oh. Bibilhin ka daw," bugaw ko na lamang upang hindi na ako pagtampulan pa ng pang-aasar.
Ngunit tila ba dahil sa ginawa ko ay mas lalong lumakas ang mga asaran. Napabuntong-hininga na lamang ako't tinitigan ang lalaking may berdeng buhok na nakatayo pa rin sa tapat ng booth namin.
"Alam mo, Ginoong Abo? Kung wala kang matinong gagawin dito sa booth namin, pwede ka nang umalis. Maraming nakapila, oh? Sila ang priority namin, hindi ikaw!" giit ko sabay wasiwas ng kamay ko upang itaboy siya.
Napahawak naman sa dibdib ang lalaking abo na para bang ipinapakitang nasasaktan siya. Napangiwi ako't napailing-iling dahil sa inis. Ano ba kasing problema niya?
"Ouch, hindi priority!" pasaring wika ng isang babaeng nakapila kaya naman agad itong nasundan ng pang-aasar kay Cason mula sa mga taong nakapaligid.
BINABASA MO ANG
Marupoked
HumorMarupoked adj. marupok noon, strong na ngayon After ng breakup, pinilit magpakatatag ni Pin upang hindi na siya mahulog kaagad-agad sa mga lalaking umaaligid sa kaniya. Hindi niya inakalang isang araw, makikipagbalikan sa kaniya ang kaisa-isa niyang...