It's Monday morning when Lark and I decided to start our plan for our task. Marami-raming tao sa library. Ang iba ay tumatambay lamang at nagpapalamig samantalang ang karamihan ay nakapwesto sa mga computers at may kani-kaniyang ginagawa.Magkaharap kami ni Lark sa isang table. As expected, siya ang nangunguna sa gagawin namin habang ako naman, sumasang-ayon lamang sa mga pinaplano niya. Hindi naman sa ayokong tumulong, ngunit kung ako lamang din naman ang magpapagulo ng project namin, hahayaan ko na lang siya ang magplano.
"How about, we distribute our questionnaires to different people living in that community according to their socioeconomic status?" suhestiyon niya. Gaya nang kanina ko pang ginagawa, tumango-tango na lamang ako't nagthumbs-up. Lahat naman kasi ng isuggest niya, okay lang sa akin at talagang magandang idea.
"So kailan tayo magsusurvey? Next next week na ang submission niyan." tanong ko. Nakakahiya naman kasi na puro sang-ayon na lang ako sa kaniya kaya't naisipan kong magtanong naman para kunwari, interesado rin ako.
"Maybe by the end of this week. I'll send you a message whenever I settled this thing up," wika niya.
Ilang saglit pa ang nakaraan at napagpasyahan naming tumayo at pumunta na sa kani-kaniyang klase. My next class would be in the afternoon so I really don't know where I'm going. Some of my friends have their classes already while the rest are still in their homes. Minsan talaga, hindi mo maiiwasang maging loner lalo na sa buhay kolehiyo.
I was supposed to walk through the long hallway kung saan nakapwesto ang mga lockers, ngunit malayo pa lamang ay natanaw ko na ang naglalakad na si Fritz papalapit sa akin. Without further ado, naglakad ako papalayo kahit pa alam kong nakita na niya ako't sinundan.
"Sa shopeepipipipi, ang damimimimimi, bumilililili, sa shopee—"
"Pin, let's talk." Natigil ako sa pagkanta ng sikat na sikat na commercial ngayon nang marinig ang boses ni Fritz.
Actually, I'm trying to prevent myself from getting irritated by singing a good-vibe song not knowing na pwede akong magmukhang tanga sa ginagawa ko. Alam ko kung anong patutunguhan nito kaya't mas minabuti kong enjoyin ang sarili ko bago pa umepal ang ex kong 'to.
"Ayayay, ayayay ang pag-ibig. Pagpumasok sa puso ay maligalig!" Itinuloy ko ang pagkanta at umaktong parang walang narinig. Bwisit kasi, eh.
Hirap sa mga lalaki, papakawalan kaming mga babae tapos kapag narealize na ang ganda pala, babalikan.
"Pin, please!" bulalas pa niya. Tuluyan na akong nakonsensya at naawa sa kaniya kaya't napabuntong-hininga ako't humarap sa kaniya.
"Ano ba?" irita kong tugon sa kaniya. Nakatayo lamang siya't seryosong nakatingin sa akin. Kapit-kapit din niya ang kaliwang strap ng bag niya. "Wala ka bang klase at nanggugulo ka na naman?" wika ko pa. Pansin ko lang kasi na lagi na lang siyang nakadikit sa akin everytime na magkikita kami rito sa school.
BINABASA MO ANG
Marupoked
HumorMarupoked adj. marupok noon, strong na ngayon After ng breakup, pinilit magpakatatag ni Pin upang hindi na siya mahulog kaagad-agad sa mga lalaking umaaligid sa kaniya. Hindi niya inakalang isang araw, makikipagbalikan sa kaniya ang kaisa-isa niyang...