Derick's POV
Papalabas na ako ng simbahan kasi kakatapos lang ng misa ng may nakabangga sa akin.
Ouch.
So babae pala yung nakabangga sa akin. Kaya tinulungan ko siyang makatayo. Miss ok ka lang ?
Yup im ok. Sorry nabunggo tuloy kita nagmamadali kasi ko kaya di ko na napansin yung dinadaanan ko.
Ah ganun ba ? Next time tumingin kana sa dinadaan mo, para di kana makabunggo ng tao. Haha
Ok !! BTW im chriszee and you ?
Im derick.
Derick ng freshmen ?
Yup. Paano mong nalaman ?
Naririnig ko lang sa mga friends ko. Biruin mo yun makikita ko ang isa sa mga freshmen. Tapos nabangga ko pa HAHA. Im so sorry talaga sa pagka clumsy ko :))
Haha. Don't say sorry, hindi mo naman sinadya eh.
Haha.
Hey derick is that you ? -- Yvonne
Yup its me why ?
Ang akala ko kasi kamukha mo lang. Haha -- Yup
Ganun ba ? Nag iisa lang ang mukhang ito sa mundo.
Haha. Oopps may kasama ka pala. Sino siya ? -- Yvonne
Si chriszee.
Girlfriend mo ? -- Yvonne
No. Im not her girlfriend, nabunggo ko lang siya hehe.
Yup hindi ko siya girlfriend.
Ay ganun ba ? Nice to meet you chriszee im yvonne -- Yvonne
Nice to meet you din.
Wait you look familiar. Nagkita na ba tayo ? -- Yvonne
Hindi pa po tayo nagkikita.
Really ? But you look familiar talaga di ko lang matandaan kung saan kita nakita ? -- Yvonne
Ganun ba ? HahaxD may kamukha pala ako. Anyway I need to go know na nagmamadali kasi ako eh.
Ok ingat ka. Tumingin ka sa dinadaanan mo huh ?
I will.
Familiar talaga siya sakin eh -- Yvonne
Huh ? Baka kamukha lang niya yung sinasabi mo ?
Baka nga -- Yvonne
Ano palang ginagawa mo dito ?
Malamang magsisimba. Simbahan kaya ito. -- Yvonne
Haha oo nga pala. Bakit di ko naisip yun. Bakit pala mag isa ka lang ? Nasaan yung mga kaibigan mo ?
Baka naman kasi wala ka talagang isip. Wag mo ng hanapin yung wala, malamang busy ang mga yun -- Yvonne
Grabe ka naman sa akin. May isip kaya ako -_-
Haha. Im just kidding alam ko namang may isip ka kaya wag kang masyadong affected sa sinabi ko -- Yvonne
KFine.
Sige papasok na ako sa loob baka mag simula na yung misa eh -- Yvonne
Ok. Isama mo na rin ako sa mga dasal mo.
Haha.Sige :))
Pumasok na sa loob si yvonne. Ang ganda niya sa suot niyang dress. Magsisimba sana ulit ako kaso wag nalang haha.
Makaalis na nga. Makapunta na nga lang ng park. Mamaya na lang ako uuwi maaga pa naman.
*Sa Park*
Diba si derick ng freshmen yan ?
Narinig kong sabi ng mga babae. Paano kaya ako nakilala nitong mga ito ? Hayaan ko na nga lang, nagtataka ba kayo kung bakit ang bilis kong makapunta ng park ? Well walking distance lang po yung park at church.
Nagulat na lang ako ng may biglang lumapit sa aking dalawang babae.
Hello po. Diba kayo po si derick ng freshmen ?
Haha. Oo bakit po?
Pwede po bang mag papicture ?
Ah sure yun lang naman pala eh. Alanganin naman tumanggi pa ako sa mga ito baka sabihan pa akong feeling sikat. Mahirap na, kaya kailangan mag ingat
Thank you po.
Your welcome. Umalis na rin yung dalawang babae after nilang magpapicture.
Makaupo nga muna. Kanina pa kasi ako nakatayo eh. Kukunin ko sana yung cellphone ko para makapagtext kaso pagkapa ko sa bulsa ng pantalon ko wala pala. Wallet lang yung laman.
Haiisst Sayang naman.
Mga ilang oras din akong nagtagal sa park hanggang sa napagdesisyunan ko ng umuwi. Naalala ko kasi na may pasok na kami bukas sa school.
Estudyante na naman kami bukas.