Roanne's POV
3days na ang nakakalipas simula nung nagbreak kami ni jake at siya pa ang nakipagbreak sa akin. Hindi ko ito pinaalam kila jamie nagbabakasakali kasi akong maaayos ko pa ang relationship namin, kaso hindi na pala.
Pag ako naka move-on who you sila sa akin. Magsama silang dalawa ng bago niya.
*Tok, Tok, Tok*
Sino yan ?
Kami ito roanne -- Jamie
What are you doing here ?
Makikikain sana kami, naubusan kasi ng foods sa house pwede ba ? -- Yvonne
Uy yvonne umayos ka nga hindi oras ng joke ngayon -- Gail
Ay nagjojoke ba ako ? Tsaka nakaayos naman na ako eh, may pupuntahan pa ba tayong iba ? -- Yvonne
Baliw talaga itong si yvonne. Hahaha
Roanne pwede na ba kaming tumuloy sa kwarto mo ? -- Nicole
Sige pumasok na kayo.
Are you ok ? -- Gail
Yes I am. Bakit nga pala kayo pumunta dito ?
Ang kulit naman nito makikikain nga kami -- Yvonne
Edi sa baba dapat kayo pumunta at hindi dito sa kwarto ko, nasa baba kasi yung kusina eh.
Hoy babae KAIBIGAN mo ba talaga kami ? -- Jamie
Oo naman bakit mo naman naitanong yan ?
Yun naman pala pero bakit ka naglilihim sa amin ? Break na pala kayo ni jake hindi mo man lang sinabi sa amin -- Jamie
Kailan ka pa natutong maglihim sa amin ? -- Nicole
Ngayon lang. Wait paano niyo nalaman na break na kami ni jake ?
Sinabi sa amin ni tita -- Gail
Tss si mommy talaga napakadaldal.
Alam mo roanne pwede ka nang mag artista. ang galing mong magtago, ang galing mong mag pretend na hindi ka nasasaktan -- Nicole
I can be your manager kung gusto mong mag artista. Sure ako na sisikat ka -- Yvonne
Yvonne seryoso tayo dito -- Jamie
Hindi naman kami manhid para di mapansin na nalulungkot ka. Remember kaibigan mo kami kaya kung may pinagdadaanan ka nandito lang kami -- Yvonne
Good job yvonne. Push mo yan -- Jamie
Gusto mo ipull ko na rin ? -- Yvonne
Manahimik na nga kayong dalawa -- Nicole
Aba masunuring bata natakot sa isang sawayan lang ni nicole kaya nanahimik agad yung dalawa.
Kung nasasaktan ka huwag mong itago dahil di rin naman makakatulong sayo yan. Kung naiiyak ka, go on umiyak ka. Wala namang masama sa sa pag iyak at wala ring mawawala sayo -- Gail
Dahil sa sinabi ni ate gail kusang tumulo ang aking mga luha.
Pero sana ito ang una't huling pagkakataon na makikita ka naming umiiyak dahil kay jake -- Gail
Yeah right di siya worth it para iyakan -- Jamie
Tsaka di pa siya patay. Umiyak ka pag patay na siya -- Yvonne
Ang brutal mo naman -- Gail
Hindi po ako brutal im just stating the fact -- Yvonne
Gusto ko *Hik* Makapag *Hik* Move *Hik* On *Hik* Agad.