Chapter 28

63 8 1
                                    

Thirdy's POV

Change is essential in life. It makes you stronger. It gives you more experience, and it makes you thankful for everything you have now. Posted. Post post rin sa facebook kapag may time since wala akong magawa dito sa bahay at wala akong load magfafacebook na lang muna ako

(Magbalat ka nalang ng patatas thirdy wala ka  pa lang magawa eh)

Ngeh, sa gwapo kong ito pag babalatin niyo lang ako ng patatas. Grabe naman kayo sa akin ms author. Ang lakas ng trip nitong si ms author siya kaya ang pagbalatin ko ng patatas.

(Asus choosy ka pa thirdy makikinabang ka rin naman sa babalatan mong patatas. Iluluto ko siya para maging french fries)

Juice colored no thanks na lang ms author bibili na lang ako ng mcdo fries

(Ayaw mo pa magbabalat ka na nga lang ng patatas magkakainstant french fries ka agad agad kesa sa bumili ka pa)

Di bale ng gumastos huwag niyo lang akong pagbalatin ng patatas at baka mahiwa pa ang gwapo kong kamay.

(Kaw na ang may pangbili sa mcdo, sarreh huh ? Purita kasi ang inyong author diyan kana nga at ako nalang ang magbabalat ng napakaraming patatas dito?)

Patatas lord itong si ms author pakisako nga po yan kapag nakita niyo haha. Linggong linggo nandito lang ako sa bahay nagfafacebook samantalang yung mga mabubuti kong kaibigan ay nasa galaan nasaan ang hustisya doon ? Gusto ko sana magsimba para humingi ng kapatawaran sa mga salang nagawa ko at magpasalamat na rin sa mga blessings na natatanggap ko kaso wala akong kasama

Estudyante na naman pala kami bukas mabuti kung ganun, nakakamis din pala yung mga kaibigan kong baliw si levy na cool at down to earth, si pj na masungit pero mabait at si derick na madalas makisabay sa trip ko lalong lalo na si sam na pasaway pero sobrang bait sa amin. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko sila nakikita. Hindi ako nagdradrama nagkukwento lang. Alam ko naman na darating yung time na kailangan na naming maghiwa hiwalay sapagkat may kanya kanya kaming landas na kailangang tahakin at kapag ang panahong ito ay dumating nawa'y pagkakaibigan namin ay hindi mabaon sa limot. Sa ngayon kailangan ko munang magpakasaya kasama sila, marami rami na rin kaming pagsubok na naranasan ngunit hindi kami sumuko upang harapin ito. Probleme ng isa probleme naming lahat ganun naman talaga ang magkakaibigan diba ? Lahat naman ng tao nagkakaproblema hindi nga lang halata kapag kami ang may problema kasi dinadaan lang namin sa tawa kasi alam naman namin na malalagpasan din namin ito. Ika nga nila "Kapag may probleme ka huwag na huwag mong tatambayan tama nang daanan mo lang.

Kaya kung ako sa inyo kapag may kaibigan kayo magpakasaya kayo at pahalagahan niyo ang bawat isa, para inyong pagkakaibigan ay hindi masira, hindi naman kasi natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama sapagkat nagbabago ang takbo ng ating buhay. Hindi rin naman tayo manghuhula para hulaan ang mangyayari sa future. Sa mundong ito tunay na kaibigan ang mahirap hanapin

A/N: Bibitinin ko muna kayo sa naging eksena sa #Sundate nila nicole at patrick. Sa tingin niyo ano kaya ang kinalabasan ng date nila ? Pasensya na rin kung medyo natagalan ang aking paguupdate. Sana ay patuloy niyo pa rin suportahan itong FMTCD. Huwag niyo rin po kalilimutang magiwan ng komento kahit na puna pa yan tatanggapin ko sapagkat ito'y makakatulong sa aking pagsusulat.

FRESHMEN Meet THE CAMPUS DIVA'S (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon