Chapter 24

93 17 1
                                    

Pj's POV

Life can be full of unexpected moments, happy or sad but no matter what may come, always keep a loving heart, a wise mind and a strong faith. Linggo na pala ngayon, ibig sabihin ngayon yung araw na makikipag date ako ay ESTE si derick pala yung pupunta at hindi ako. Hayhayhay ang buhay parang life, sana lang sa desisyon kong hindi pagpunta ay hindi ako magsisi.

Makapunta na nga sa bahay nila derick at doon ako mangugulo, maaga pa naman kaya hindi siya malelate sa kanyang date haha

Mommy aalis na po ako !

Where are you going ? -- Mommy

Dora's house.

Yung matinong sagot patrick, saan ka pupunta diba mamaya pa naman yung date mo ? Masyado ka atang excited -- Mommy

Haha pupunta lang po ako kila derick

Bakit ? -- Mommy

Sa kanila po kasi ako mag aayos

Bakit hindi ba pwedeng dito nalang sa bahay natin ? -- Mommy

Eh gusto ko po doon, kailangan ko po kasing magpagwapo, hindi niyo naman po ako matutulungan kasi babae kayo diba ?

Asus ito talagang anak ko nagbibinata na parang dati lang karga karga pa kita. Tapos umiiyak ka kapag umaalis ako -- Mommy

Haha dati po yun mommy at hindi na ngayon malaki na po kasi ako

Alam mo patrick kahit di ka maligo gwapo ka pa rin sa paningin namin ng daddy mo -- Mommy

Huwag ganun mommy baka maturn off sa akin yung mga girls pag nalaman nilang hindi po ako naliligo

Haha ito naman binibiro lang, alanganin naman hindi ka maligo para lang maging gwapo sa aming paningin -- Mommy

Sige po mommy at ako'y aalis na

Wait may sasabihin muna ako sayo patrick -- Mommy

Ano po iyon ?

Alam mo na yung tama at mali diba ? Nasasayo kung pupunta ka ba talaga ng date, kasi hindi ka naman namin mapipilit kung ayaw mo dahil may sarili ka ng isip, pero iyong pakakatandaan na hindi namin ito ginagawa para sa ikabubuti namin bagkus ito'y para sa iyong future. Sige maaari ka ng umalis magiingat ka patrick, itext mo si mommy kapag may kailangan ka ok ?

Sige po mommy i love you po

I love you too patrick -- Mommy

Agad na akong lumabas ng bahay. Nakokonsensya tuloy ako sa aking gagawing di pagsipot.

Sana lang ay mapatawad ako ni mommy sa aking gagawin kapag ito'y kanyang malaman.

Hindi naman talaga ako pupunta sa bahay nila derick para magayos dahil ang pakay ko dun ay ipaalam sa kanya yung about sa date. Hindi naman na siya mahihirapang hanapin yung makakadate niya dahil pinareserve na nila mommy yung buong restaurant.

Haisst sana lang talaga tama ang desisyon kong ito.

Maitext nga muna itong si derick

To derick: Hey derick. I'll be there in a minute so be ready for your date later ok ?

*Message sent*

Nicole's POV

Talaga bang sunday na ngayon ? Pwede bang pakifreeze muna ng oras ?

Elea anak nakaready na ba yung isusuot mo mamaya ? -- Mommy

Opo naman mommy. Actually kagabi pa nga kasi si mommy yung naghanda ng aking mga isusuot, hindi naman siya masyadong excited diba ?

Ganun ba ? -- Mommy

Hindi po ganito !

Naku pilosopo kang bata ka huh -- Mommy

Correction pilosopa po mommy dahil babae po ako diba ?

Talaga nga namang pinapatunayan mo ang pagkapilosopo mo -- Mommy

Pilosopa nga mommy !

May pinaglalaban ka ba elea ? -- Mommy

Wala po

Yung totoo ? -- Mommy

Wala po talaga mommy haha

Pilosopo o pilosopa iisa lang naman ang ibigsabihin niyan elea, malawak naman ang pang unawa mo diba ? -- Mommy

Huwag mo nang itanong kung alam mo na ang sagot.

Baliw ka na atang bata ka. Mag ayos ayos kana nga lang para magustuhan ka ng makakadate mo -- Mommy

Sa ganda kong ito kailangan ko pa bang mag ayos mommy ? Pagbigyan niyo na ako dahil talaga namang maganda ako haha

Hindi ka naman tornado pero bakit ako natatangay ? -- Mommy

Hindi naman po kasi talaga ako tornado dahil dyosa ako.

Gutom lang yan. Mas makakabuti kung kumain ka muna bago umalis ok ? -- Mommy

Talaga po bang anak niyo ako ?

Oo naman hindi ba halata sa mukha ? -- Mommy

Kasi inaasar niyo po ako eh !

Kaw naman nilalambing ka lang ni mommy, masyado ka namang seryoso elea -- Mommy

Kasi naman di kayo naniniwala sa aking sinasabi

Asus huwag ka na ngang magdrama diyan elea. Mas maganda ka sa lahat ng magaganda ok -- Mommy

Talaga po ?

Talagang talaga -- Mommy

Ayiiee kinikilig tuloy ako sa sinabi niyo sa akin mommy

Haha sige at mag ayos ka muna at tumatakbo ang oras -- Mommy

Ok po  Sino nga ba ako ? Saan ako pupunta at bakit kailangan kong mag ayos ? Haha nababaliw na ata ako

Makapag ayos na nga lang at may date pala ako kasi naman bakit kailangan ko pang makipagdate ? Kung may choice lang sana ako kaso wala eh, kaya sa ayaw ko man o gusto kinakailangan kong pumunta mamaya. Huwag lang talaga akong hawakan ng makakadate ko dahil titinidurin ko ang kanyang mga mata

FRESHMEN Meet THE CAMPUS DIVA'S (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon