3
"Tigilan mo na nga ako, Ivan! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi pwede?" Inis na sambit ng dalaga.
"Bakit nga hindi? Eh wala ka namng boyfriend. Tyaka seryoso ako sa'yo. Ngayon lang ako naging seryoso s buong buhay ko at hindi ako mapapatigil sa paulit-ulit na pangrereject mo sa akin hangga't 'di ko nakikitang wala na talaga akong pag-asa sa'yo." Puno ng damdaming saad nito.
" 'Di ka ba napapagod? Ilang buwan na kitang nirereject. Ako ang napapagod sa'yo eh." Problemadong saad ng dalaga.
"Hindi ko mapapagod sa taong gusto ko. Sige, kung nakukulitan ka sa akin. Hahayaan muna kita pero hindi ko maipapangakong lalayuan kita ng tuluyan. Ingat ka sa pag-uwi."
Nakukonsensya naman ang dalaga. Si Ivan lamang ang nag iisang lalaking paulit-ulit na niyang nireject, naghahabol pa rin. Kahit anong pagtaboy ng gawin niya dito. Lahat na yata ng paraan ay nagawa niya. Motto yata ni Ivan ay never give up.
Nang makauwi siya ng condo, wala pa ang kanyang alagang amo. Siguradong pagdating nito ay tatanungin nanaman siya tungkol kay Ivan. Nauubusan na siya ng dahilan kung bakit ayaw siyang tigilan ni Ivan. Bakit niya nga ba pinoproblema 'yon? Eh dapat wala naman sa kanyang pakialam ang amo. Kapag siya pwedeng may ibang ka-make out pero kapag ang dalaga manliligaw lang bawal? Bakit nga ba?
Dumating ang binata na may dalang pagkain as always dahil ayaw n nitong pinapaluto ang dalaga. Sabay silng kumain. Tahimik lang sana siya ng basagin ng binata ang katahimikan.
"Hindi pa rin sumusuko si Ivan?" Tanong nito.
"Ewan ko ba kung bakit ganun 'yon. 'Di ba tropa mo 'yon?"
"No. Tropa lang siya ng isa kong tropa." Seryosong sagot nito.
"Okay." May gusto pa sana siyabg sabihin dito pero tinatamad siyang makipagtalo. Pagod din naman siya.
Nauna siyang nakatulog dahil sa pagod. May dalaw siya ngayon kaya hindi siya nito magagalaw. Hindi niya alam kung saang pagod ba ang nararamdaman niya. Kung sa pag-aaral ba o sa pag-iintindi sa amo niya.
Basta hangga't naiiwasan niya ang knyang tunay na nararamdaman, ipagpapatuloy niyang iwasan ito. Wala din namang patutunguhan.
#112618
BINABASA MO ANG
Owned By The Big Boss [FINISHED]
RomanceOwned By The Big Boss - YourSinfulWriter WARNING: MATURED CONTENT. The following content may be disturbing to some readers. Reader discretion is strongly advised. READ AT YOUR OWN RISK. #021918 #012419