14

15.7K 227 4
                                    

14

It's been five months since they lost their baby and still Maricel can't move on. It's still hard for her. Hindi man makapagfocus sa pag-aaral ang binata dahil sa kanya, nagawa nitong matapos ang isang buong sem. Pasado lahat ng subject nito.

Naikwento naman nito sa dalaga ang gusto ng kanyang  ina pero wala itong nakuhang sagot. Malungkot siya at nasasaktan. Madalas pang sisihin ang sarili.

"Can I talk to you?" Tanong nito sa dalaga.

"Nakikita mong may ginagawa ako 'di ba?" Baling nito sa kanya. Nakatutok ang dalaga sa laptop. May binubuo kasi itong business na hindi alam ng binata.

"After."

"Bukas na."

Ang bukas na ay naging araw-araw na sagot ng dalaga.

"Hanggang kailan ang bukas na?" Lakas loob na tanong nito.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"About us."

"Kung napapagod ka na sa akin, maiintindihan ko. Tungkol ba 'to sa gusto ni Tita? Gusto mo ba?" Seryosong tanong nito.

"I'm tired, but that doesn't mean I'll let you go. Alam mo kung gaano kita kamahal. Hindi ko gusto ang gusto ni Mommy. I want you to be with me wherever I go."

"Pero ayokong umalis ng bansa. Tyaka para naman 'yan sa future mo 'di ba? Kaya hahayaan kita."

" 'Yan ba talaga ang rason kung bakit mo ako hahayaang umalis ng hindi ka kasama? O dahil hindi mo na ako mahal?" Nahihirapang tanong nito.

"Kung sabihin kung oo? Aalis ka na ba?" Walang kurap-kurap na sabi ng dalaga.

Napamura ang binata saka saglit na napatingala dahil ayaw nito magpakitang nasasaktan siya. Bigla siyang tumalikod at lumabas ng kwarto.

Kailangan ng dalagang mapapayag ang binatang umalis para mag-aral sa ibang bansa dahil ayaw niyang tuluyang masira ang future nito dahil sa kanya. Maling nagkaroon sila ng sariling mundo dahil may totoong mundong dapat nilang harapin ngayon. Sekreto niyang nakausap ang ina nito at pinakiusapan siyang mapapayag ang binata. Ang hindi alam ng dalaga, may ibang plano ang in ng binata.

Tama kaya ang desisyon ni Maricel? Pagsisisihan kaya niyang pinaalis niya ang binata? Magkakasama pa kaya sila?

#011719

Owned By The Big Boss [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon