23

15.7K 242 12
                                    

23

Nasa living area sila ngayong tatlo. Magkatabi sina Rouxford at Maricel. Nasasaktan man si Ivan sa nakikita ngayon, minabuti niyang 'wag magpaapekto. Wala namang maidudulot na mabuti kung magpapaapekto siya.

"I actually don't know what to say right now, but please the next time you'll separate with each other, hindi na ako magpaparaya pa." Napamura ito saka napabuntong hininga. "Please be happy." Nasasaktang sabi nito. "By the way, I want to move on. So, I decided to go to London with my grandparents."

Bago umalis si Ivan, niyakap siya ni Maricel.

"Thank you for everything."

"It's part of loving you. I'm sorry if I can't attend to your wedding. Mas masakit kasi 'yon."

"Sorry."

"Tama na nga ang kakasorry. It's not your fault. I should've know." May pilit na ngiting sabi nito saka na tuluyang umalis.

Seryoso namang nakatingin si Rouxford sa dalaga.

"Ano? Ba't ganyan ka makatingin?" Kunot noong tanong ng niya dito.

"Why do you even have to hug him?" Halatang nagseselos na tanong ng binata.

"For the last time."

"Bu--"

Hindi na nakapagreklamo pa dahil hinalikan ito ng dalaga. Napangiti ito at gumanti na rin ng halik.

Nagpadeliver na lamang ng lunch ang binata dahil ayaw na niyang magpagod pa para magluto si Maricel. Pinagod na kasi niya at ayaw niyang tantanan sa kakayakap.

"Lipat ka na sa bahay ko, Baby."

"Ba't ako lilipat doon? Eh may bahay naman ako."

"Para magkasama tayo. Ayokong mag isa sa bahay at ayokong mag isa ka dito. Pinatayo ko ang bahay ko para sa atin."

"Kahit hindi mo siguradong babalikan kita?"

"Oo." Agad na sagot nito.

"Pero balita ko kabi-kabila ang mga babae mo ah." May pagtatampong sabi ng dalaga dito.

"Gusto kong makalimot eh pero impusible pala makalimutan ka. I love you so much, Baby." Malambing na sabi ng binata.

"So, nasaan na sila?" Mataray na tanong ng dalaga.

"I don't know." Walang pakialam na sagot agad nito.

"Paanong 'di mo alam?" Pang-uusisa pa ng dalaga dito.

"Because I stop communicating with them already. I want to focus on my one and only baby." Nangingiting sabi ng binata. Kinurot niya ito sa tagiliran pero tumawa lang ito saka siya gigil na hinalikan sa mga labi.

#012319

Who wants an ending already? Hahaha.

Owned By The Big Boss [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon