13

15.9K 223 4
                                    

13

Nalaman ng ina ng binata ang nangyari at agad siyang sumugod sa condo ng anak nang walang nakakaalam dahil baka pigilan pa siya.

Nang may nagdoorbell. Ang binata ang nagbukas ng pinto dahil nakakulong pa rin si Maricel sa kwarto. Umiiyak nanaman ito.

"Mom?! What are you doing here?!" Gulat na bungad niya sa ina.

"Why? I'm not allowed here? Where is Maricel?" Mataray na tanong nito.

"Mom, not right now. She's still hurt and I'm hurting too seeing her like this." Malumanay na sabi niya sa ina. Naawa naman ang ina kaya ang mataray na mukha nito ay lumambot. Yinakap niya ang anak.

"Let her heal, son. But maybe mas okay kung ililipat kita sa US para ipagpatuloy ang pag-aaral mo doon."

"No, Mom. I want her by my side."

"Para sa future niyo naman 'to anak eh. I'm just suggesting. I'll go ahead. Take care." Sabi na lamang ng kanyang ina.

Napaisip ang binata pero mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa dalaga. Ayaw niyang mawalay dito.

Nag order siya ng pagkain nila saka hinatiran ang dalaga. Sinubuan pa niya ito dahil ayaw talagang kumain. Ilang minuto pa niyang pinilit bago niya nasubuan.

"Ayokong nagkakaganito ka, but if it's part of the process of healing. I'll accept it." Mahinang sabi niya nang makatulog ulit ang dalaga sa kakaiyak.

Minsan naisip niyang hindi man lang ba naiisip ng dalaga na, hindi lang ito ang nasasaktan? Anak din naman niya 'yon kaya malamang bilang ama na nawalan ng anak, masakit din 'yon sa kanya. Ayaw niya lang talagang makipagsabayan sa sama ng loob ng dalaga kaya hindi niya masabi.

Naging daily routine na ng binata ang pagpapakain sa dalaga bago pumasok sa school at pagdating sa school. Ang dami pa man ding school works tapos kailangan pa niyang asikasuhin ang dalaga pero dahil mahal niya ito, ginagawa niya pa rin. Pero napapagod din naman siya. Sana maisip din siya ng dalaga.

Hanggang kailan kaya siya lalaban kung ang taong ipinaglalaban niya ay hindi na lumalaban?

#011019

Owned By The Big Boss [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon