7
Hindi naman agad sila nakabalik sa dati dahil kailangan munang makausap ng dalaga si Ivan.
" 'Wag ka ng sumama utang na loob. Baka bigla nanaman uminit ang ulo mo." Inis na paalala niya sa binata dahil mula nang makapagbihis sila sa hotel hanggang sa sasakyan ay nagpupumilit itong samahan siya sa tinutuluyan niya ngayon.
"But I want to!"
"Ako lang ang kakausap sa kanya. 'Wag ka ng makulit dahil kung magpupumilit ka pa baka 'di na lang ako sumama sa'yo pabalik."
"Fine. Go. Don't he dare touch you. I'll be here. I'll be waiting and watching."
"Napakaseloso." Busangot na bulong ng dalaga sa sarili.
Masaya siyang possessive ang binata pero parang may kulang. Gusto niyang magtanong pero bakit ang hirap para sa kanyang magtanong?
Nag-usap sila ni Ivan sa loob ng kanyang tinitirahan at ikwenentong nagkita sila ng taong pinagtataguan niya at nakapag-usap na sila.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Paninigurado ni Ivan.
"Oo. Sorry ah? Alam mo naman kung gaano ko pinigilan ang sarili ko at tiniis na 'wag bumalik sa kanya pero ang hirap. Mahal ko eh."
"Ngayon alam mo na kung bakit mahirap din sa akin. Mahal kita eh."
"Oo pero gusto kong makatagpo ka ng taong maibabalik sa'yo ang pagmamahal na ibinibigay mo. Salamat sa lahat ng tulong, Ivan."
"Wala 'yon. Kapag nagbago ng isip mo, nandito pa rin ako. Maghihintay." Umaasa pang saad nito.
Nang makaalis si Ivan ay agad na lumabas ng sasakyan ang binata para puntahan ang dalaga. Tinulungan niya itong mag ayos ng gamit.
"Gusto mo pa bang bumalik ng pag-aaral?" Tanong ng binata.
"Oo naman pero ng gusto ko ngayon ay ang hindi umasa sa pamilya mo. I want to help myself this time. San maintindihan mo."
"It's fine with me. As long as you'll be happy."
"Kailan mo pa 'yan naisip? Iniisip mo na kung saan ako ngayon sasaya ah."
"I learned from you. Thanks for that." Nakangiting saad ng binata saka nagnakaw ng halik sa labi ng dalaga.
"Tara na nga! Napakapilyo. Tingan mo ang ginawa mo sa leeg ko. Ang hirap itago."
"Ba't mo kasi tinatago? Kaya ko 'yan nilagay para makita nilang may nag mamay-ari na sa'yo."
"Ang dami mong alam." Natatawang saad ng dalaga, but deep inside kinikilig ito.
"I love you." Mahinang saad ng binata saka biglang humalik sa noo ng dalaga. Natigilan ang dalaga kaya nahuli siyang sumunod sa kotse ng binata. Napatulala pa siya dahil pinoproseso pa ng utak niya ang sinabi ng binata.
#122618
BINABASA MO ANG
Owned By The Big Boss [FINISHED]
RomanceOwned By The Big Boss - YourSinfulWriter WARNING: MATURED CONTENT. The following content may be disturbing to some readers. Reader discretion is strongly advised. READ AT YOUR OWN RISK. #021918 #012419