15
At tuluyan na nga silang nagkaroon ng kanya-kanyang buhay. It's been four years since they last saw each other. Simula nang nag-aral sa ibang bansa ang binata, nagkaroon na ito ng iba't-ibang babae. Lahat ng unang lalandi sa kanya, pinapatulan niya na pero syempre he's always prepared and protected. Pati ang nireretong babae ng kanyang ina na si Jasmine ay hindi na niya pinalampas kaya umaasa tuloy sa kanya na girlfriend na ang turing niya dito kahit hindi.
Binigyan naman ng chance ni Maricel si Ivan. And they're already one year together at sa loob ng isang taon ay talagang tinuturing siya nitong prinsesa kahit alam ni Ivan na panakip butas lang siya in the first place. Naniniwala kasi siyang makukuha niya rin ang puso ng dalaga.
May sarili na ring condo si Maricel. Malayo sa dati nilang condo ng taong pilit na niyang kinakalimutan. Ni ayaw niyang marinig ang pangalan nito. May sarili na siyang online business na clothes and shoes. Nagmomodel din siya bilang sideline.
May dinner date sila ngayon ni Ivan kaya nag ayos siya't nagprepare talaga. Kahit papaano ay napapamahal na ito sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapamahal sa isang taong todo effort. Ni hindi ito nakalimot sa lahat ng bagay. Katulad ng paghatid-sundo kahit minsan pagod ito sa work tapos may raket siya sa malayo na out of the way pa ni Ivan at aabutin pa ng madaling araw. Kapag may buwan ng dalaw siya, lagi itong may dinadalang pagkain na gusto niya. As in alagang-alaga siya. Kaunti na lang nga pakasalan na siya nito. Actually, pinaplano na ni Ivan.
"Ang ganda naman ng girlfriend ko." Nakangiting bungad sa kanya nito nang sunduin siya sa condo.
"Bolero! Tara na. Nagugutom na ako."
Natawa na lamang si Ivan saka hinawakan ang kamay nito. Holdinghands silang naglakad papunta sa elevator.
Nang makalabas na sila sa elevator napatigil ng kwento si Maricel dahil sa isang taong nakasalubong nila. Napatingin si Ivan dito. Napatingin din ito sa kanila at bumaba ang mga mata nito sa mg kamay nilang magkahawak. Kitang-kita ni Maricel ang pagngisi nito saka sila nilagpasan at pumasok ng elevator. Napakunot ang noo ng dalaga. Napapaisip siya. Hindi tungkol sa ngisi nito kung hindi bakit nandito ito sa building kung saan ang condo niya. May pinuntahan kaya ito dito? At kailan pa ito umuwi ng Pilipinas? Bakit sa dami-dami ng lugar? Dito pa? Napakaliit na ba ng mundo para sa kanila?
#011719
BINABASA MO ANG
Owned By The Big Boss [FINISHED]
RomanceOwned By The Big Boss - YourSinfulWriter WARNING: MATURED CONTENT. The following content may be disturbing to some readers. Reader discretion is strongly advised. READ AT YOUR OWN RISK. #021918 #012419