22

15.2K 230 7
                                    

22

Nalaman ni Rouxford na galing sa condo ni Maricel si Ivan na tumagal ng ilang oras kaya nag alburuto agad sa selos. Ang alam kasi nito ay hindi naman ganoon katagal tumatagal si Ivan sa loob ng condo ng dalaga. Hindi naman sa nagdududa siya sa dalaga pero wala siyang tiwala kay Ivan. Pero mas wala siyang tiwala sa sarili niya lalo na pagdating sa dalaga.

Magmi-midnight na nang puntahan niya ang dalaga sa condo nito. Naabutan niya ito sa sofa na natutulog. Nagtaka siya. Agad niyang binuhat ito at nilipat sa kama. Nagising ito. Nagulat nang makita siya pero bigla siyang yinakap nito at umiyak. Napamura ang binata.

"Why? What happened? Did Ivan do something to you?!" Pag aalala nito.

"Nasaktan ko siya." Umiiyak na sagot ni Maricel.

"Nasasaktan din naman ako." Mahinang sabi ng binata.

"Sorry." Sabi ng dalaga saka bumitaw sa pagkakayakap.

"No, it's okay. As long as I know that you love me. I'm fine with being hurt." Seryosong sabi ng binata saka yinakap ang dalaga.

"Gusto niya tayong makausap bukas. Pa'no na?"

"It's okay. I'm fine with that. Are we cool?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, are we together again now?"

"Malamang. Bibigay ba ako kung hindi pa rin kita mahal? Kainis 'to!"

Natawa ang binata saka pinupog ng halik ang mukha ni Maricel.

"I missed you so much, Baby." Gigil na sabi ng binata saka mahigpit na yinakap ang dalaga.

Napangiti ang dalaga. Tabi silang natulog kahit walang dalang pantulog o pamalit ang binata.

Kinabukasan, nagising ang binata na wala sa tabi niya si Maricel kaya nataranta siya. Nadatnan niya ito sa cr nagsusuka. Mas lalo siyang nataranta.

"What happened? Should I call a doctor, Baby?"

"No. Okay lang ako. Baka may nakain lang akong panis na kagabi. Ininit ko lang kasi ang kinain ko kagabi. Tinatamad ako magluto." Dahilan ng dalaga.

"Gano'n ba? You sure?"

"Oo nga." Sagot ng dalaga saka lumabas na ng cr. "Umuwi ka na pala after breakfast. Nagluto ako ngayon. Pupunta dito mamaya si Ivan. Dito na daw niya tayo kausapin."

"Okay. Let's eat." Sabi nito saka magkasamang pumunta sa maliit na dining area ng dalaga.

"Nag improve pagluluto mo." Puna ng binata.

"Huh?"

"Kasi dati puro fried lang hinahanda mo. Ngayon may soup na." Natatawang sabi nito.

"Malamang. Kumain ka na nga lang."

#012219

Owned By The Big Boss [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon