12

17K 225 5
                                    

12

Napagdesisyunan ng binata na dalhin si Maricel kapag nakapanganak na ito para mabigyan na rin ng time ang kanyang ina na matanggap ang kanilang sitwasyon. Papatunayan niya ditong isa siyang responsableng anak at responsableng future father and husband. Gusto niyang bumawi sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.

Hindi makontak ni Maricel ang binata at hindi niya alam kung bakit. Ang huling paalam sa kanya nito ay may tatapusing project at baka makauwi ng 10 ng gabi pero 12 na wala pa rin kaya nag aalala siyang lalo. Wala pa man din siyang alam na number ng kaklase nito o kasamahan.

Kumikirot din ang tyan niya sa tuwing naiisip niyang baka may nangyaring masama sa binata. Nahihirapan siyang huminga. Wala naman siyang mapagsabihang iba. Wala siyang nagawa kung hindi tawagan ang ama ng binata. Pinuntahan siya nito at saktong pagbukas niya ng pinto ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Nagising siya na puro puti ang nakikita sa paligid. Agad siyang napahawak sa tyan niya.

"Ang baby ko?" Naiiyak na tanong niya nang makita ang ama ng binata.

"I'm sorry. You bleed a lot. And the doctor's sa--"

Hindi na niya pinakinggan ang sinasabi nito dahil bigla na lamang siyang napahagulhol. Ilng minutong umiiyak ang dalaga nang dumating ang binata. Nakauniform pa ito. It's already 1 am.

Agad itong lumapit sa kanya at yinakap siya. Nagsorry din ito pero nakafocus ang dalaga sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Excited pa man din siya sa kanilang magiging anak. Hindi niya alam kung isa ba itong parusa sa kanya dahil pumatol siya sa mas bata o dahil masyado pang maaga para magkapamilya kaya tinuruan siya ng leksyon ng nasa taas.

Umuwi silang nakatulala siya at maya't-maya ang iyak niya kapag naaalala niya ang pagkawala ng anak nila.

"I'm sorry." Ulit nanaman ng binata.

"Maibabalik ba ang anak ko ng sorry mo?!" Lakas loob na sabi niya dito nang makapasok sila sa kwarto. "Alam mong mag-aalala ako pero hindi ka man lang gumawa ng paraan para masabi sa akin na mas late ka pa palang uuwi o kahit sabihing mag oovernight ka! Okay. Hindi mo lang naman kasalanan eh. Kasalanan ko din kasi nag alala ako ng sobra sa ama ng anak ko!" Umiiyak na sabi niya dito. Yinakap lamang siya ng binata at hindi na ito nagsalita o sumagot sa kanya. Nasasaktan din naman ang binata pero hindi niya masasabi sa dalaga dahil alam niyang mas masakit ng pinagdadaanan nito.

Iniwan niya sa kwarto ang dalaga nang makatulog na ito sa kakaiyak. Pumasok siya sa cr at doon siya napaiyak. Muntik pa niyabg masuntok ang salamin.

#011019

Owned By The Big Boss [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon