SIGH.
Ang hirap pala talaga pag mahirap ka, dyusko naman kasi talaga tong si mama, palagi nalang si Eunice ang pinapaboran. Tapos na kasi akong mag-aral. Si Eunice naman, 3rd year college na sa Lyceum. Magsstewardess sya, pero madalas sya sa mga beauty contests. Ako naman, eto, parang lalaki kasi. Lumaki akong palaging maikli ang buhok ko, dagdagan pa ng slim at matangkad ako kaya ayon, boyish talaga ang datingan. Si Eunice kasi, mahaba ang buhok palagi, sexy tsaka girly talaga. Lahi namin ang matatangkad. Morena nga lang sya at maputi naman ako. Magkaiba ang ama namin ni Eunice. Yung akin, di ko na nakita. Samantalang sya, kahit papano ay sinusustentuhan sya
Si mama, ramdam kong may favoritism saamin. Pero dahil 5 years ang agwat ko kay Eunice, at ako ang ate.. e dapat ako ang sumalo sa lahat habang nag aaral sya. Walang trabaho si mama. Paminsa'y tumatanggap lang sya ng panahi sa mga kapitbahay namin dito sa QC.
Ako naman, on the other hand, i finished Accounting. Pero sa callcenter ako nag wowork. Kasi ba naman, mas malaki talaga ang kita. Kumpleto pa ko ng healthcare para kay mama at kapatid ko. May part time din ako sa umaga, sa cafeteria ng office namin. So bale, 8pm nasa office nako. 5am tapos na ang shift ko at 5.30am naman hanggang 10.30am ang shift ko sa cafeteria o mas kilala sa tawag na pantry.
Nakakapagod. 11.30 na ako nakakauwi ng tanghali sa bahay. Tulog ko ng 1pm at gigising ng 6pm para maghanda. Nakakapagod. Almost 3 years na akong ganito. Ganito nalang ata talaga. Ni di ako maka gala kasama ang friends ko dahil twing off ko ng sabado ay 12pm-6pm may work ako sa coffee shop malapit sa bahay. Linggo lang talaga ako nakakapag pahinga. Pero minsan naglalaba pa ako ng mga damit namin dahil ayaw kong mahirapan si mama. Dahil si Eunice daw, kailangan mag aral at mag pageant. Hayyy
Di naman ako nagrereklamo dahil pamilya ko naman sila. Nangako naman si Eunice na tutulungan nya ako pag nagtapos sya.
"SKY? Nakita mo ba yung pants kong bago?" Si Eunice.
"Uhh hindi. Tanong mo kay mama, baka naitabi nya."
Ngayon ay araw ng linggo. Nagpapahinga ako dahil katatapos ko lang maglaba. Kailangan ko ng lakas. Bukas kasi, ililipat ako ng site. Ilan kaming ililipat sa opisina ng office namin sa Makati. Lagot ako sa byahe neto.
"Ma, maaga po akong aalis bukas, sa Makati na po kasi ako maaassign."
"Ang layo naman, madadagdagan ba ang sahod mo kung ganon?"
"Same parin ma, allowance lang ang madadagdag."
"Ano ba naman yan, pero ikaw ang bahala. Gusto mo naman yan."
Alam ko na sapat naman ang kinikita ko. Almost 12k per kinsenas ang ibinibigay ko sakanila. Ang natitirang 7k ay saakin. Iba pa ang part tine ko twing sabado. At yung sa pantry. Pamasahe at iniipon ko para naman mayroon ako para sakin.
Pero di ko naman magamit dahil wala akong panahon mag travel or mag mall man ako, di naman ako makapili ng gusto. Mas gusto kong sila ang binibilhan ko at pinapakain sa labas.Kinabukasan, maaga akong gumayak. 6pm palang nasa byahe na ko. Alam ko kasi kung gaano katraffic sa edsa. Nakarating ako sa Makati ng 7:45 ng gabi. Dyusko. Muntik pang ma late.
Nagdaan ako sa cafeteria para ipasa ang note ng conseshionaire ng pantry namin sa QC, note na magpapart time ako doon.
Papunta na ako ngayon sa meeting room 502 para sa aming first huddle.
Hawak ko ang fone ko kasi itetext ko si mama."Ay! Ouch!"
Napaupo ako sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sakin. Nag angat ako ng tingin at nakita ang lalaking halos nakahawak sa tuhod nya. Inilahad nya ang kamay nya sakin."Sorry. Get up. I gotta go. Sorry again."
Iyon lang at nag jog na sya patungong lobby.
Di man lang ako nagsorry dahil ako nga itong hindi nakatingin.Yung lalaking iyon, kakaiba ang kulay ng mga mata nya. It has the lightest shade of gray and he has dark ash brown hair. Nang tingnan nya ako ay para akong napako at nautal sa kinatatayuan ko. His manly aura screams with the bad boy authenticity, his charms and his body can make any woman leave their souls open for him to devour.
At nalaman ko, pagtingin ko sa meeting room door, na napakarami palang nakatingin saakin. Pero mukang hindi ako amg pinaguusapan nila. Kundi ang lalaking nakabungguan ko. Sikat pala sya dito. I can see why. Dahil kung ako nga, di ko maikampante ang nagwawala kong puso saking dibdib sa aming unang pagkikita, sila pa kaya na matagal ng nakatanaw sa malayo.
Sino ka? At ano ba itong ginawa mo sakin?
I wanna know his name. I have to know it. Asap.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)
RomanceVince Lucas Torres & Skylar Denise Mendez