Pinapasok ko muna si Vince. Nakakahiya naman, ang layo ng idinrive nya saakin tapos pauuwiin ko sya agad. Nandun naman si mama. Si Eunice, pauwi na siguro..
"Ma.. may.. may kasama po akong kaibigan."
"Sino naman yan? Sige papasukin mo."
"Magandang araw po ma'am."
"Ma, si Vince po. Friend ko po."
"Kay gwapo naman. Foreigner ka ba? Ay sige teka, tara pasok kayo."
Medyo inayos pa ni mama ang sala at pinaupo nya si Vince.
"Maghahanda lang ako ng tanghalian. Dito ka na kumain." Sabi ni mama.
Nagpaalam naman ako para magbihis ng mabilis.
Pagkalabas ko ay tumutulong sya kay mama sa paglalagay ng pinggan."Ako na ! Naku umupo ka nalang dun."
"Okay lang, i live alone, kaya sanay naman ako."
Kumakain kami ngayon at ine interrogate ni mama si Vince.
"Matagal ka na ba sa MSI?"
"Ahh opo."
"Nasan ng pamilya mo?"
"Nasa bataan po si mama at papa, kasama ang relatives namin. Ang kapatid ko naman po ay nag asawa na kaya dito sila naninirahan ng asawa nya sa Forbes."
"Forbes? Mayayaman dun ah!"
"Ah.. yung asawa po kasi ng kapatid ko... ayun."
Nararamadaman kong ayaw iopen ni Vince ang tungkol sa kapatid nya pero mapilit si mama.
"Sino ba ang napangasawa ng kapatid mo? Kilala bang pulitiko?"
"Ahh. Hindi po. Businessman."
Natigil ang katatanong ni mama ng biglang bumukas ang pinto at dumating si Eunice.
"Anak, halika kumain na tayo. Nga pala, may dalang kaibigan ang ate mo, si Vince, iho, ang bunso ko pala, si Eunice. Sa Lyceum sya nag aaral. 3rd year na sya."
"Nice to meet you."
Sabi ni Vince.Bahagyang natulala ang kapatid ko sakanya. Syempre. Di na bago iyon. Alam ko naman eh.
Sumabay samin si Eunice sa hapag.
"Hinatid mo si ate?"
"Ah.. oo.."
"Nanliligaw ka sakanya?"
"Ah....."
"Ui hindi Eunice, magkaibigan lang kami!" Agad na pambabawi ko.
Natapos ang araw na yon at ng makauwi na sya. ..
"Ate, officemate mo ba yon? Bagay kayo!"
"Naku hindi kami bagay non. Babaero yun tsaka happy go lucky. Di ko nga alam bakit hinatid ako non. Wala sigurong magawa."
"Malay mo naman ate, sana maging jowa mo yon no?"
Kilig na kilig to. Palibhasa boyfriend din ng boyfriend.
Nahiga ako pagtapos kong maligo at magbihis. Nagulat ako at may nagtext saking ibang number.
"Skylar. This is Vince. Pick you up tomorrow? :p"
Oh. My. God.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)
RomanceVince Lucas Torres & Skylar Denise Mendez