Chapter 9

939 16 0
                                    

"Ma.... buntis po ako..."

Yang katagang yan ang nagpasugod kay mama sa ospital. Nandito kami ngayon ni Eunice dahil nasa ER si mama. Pagkasabi nya nun ay di nagsalita si mama tinitigan nya lang ang kapatid ko. Tapos ay bigla syang hinimatay.

"Doc. Kamusta na po ang mama ko?" Tanong ko.

"Stable na sya. Stressed sya at may hypertension. Pag nagising sya, wag muna kayo mag banggit ng mga bagay na makakapag trigger sakanya."

"Opo doc."

Iyak ng iyak si Eunice. Pinapatahan ko sya. Naisipan kong tawagan si Vince dahil sobrang down ko na.

"V-Vince... nasa ospital si mama."

"Huh? Saang ospital? What happened? Wait for me."

"Wag na, wag na! Okay na sya.. i just let you know because.."

"SKYLAR! You expect me to stay here?! Hindi! Itext mo sakin ang ospital pupunta ako!"

Tinext ko sya pagkababa ko ng tawag. Ilang minuto lang ay dumating na sya, halos sabay nya ang boyfriend ni Eunice.

Niyakap nya ako at napapikit ako kasabay ng paghikbi ko.

"Hush... it's okay... she will be fine..

"Thanks for coming Vince..."

Inalo nya lang ako hanggang sa pagtigil ng iyak ko. Tapos nun ay kinausap ko si Eunice at ang kanyang nobyo.

Sinabi ko sakanilang ako muna ang magpapakita kay mama para makausap.

Nakaupo kami sa loob ni Vince. Habang nasa lobby naman sila Eunice.

Maya maya ay nagising na si mama.

"Nasan ang kapatid mo?"

"Nasa labas po ma... magpahinga po muna kayo ma please.."

"Totoo ba?"

"Opo..."

"Sinasabi ko na nga ba... bakit nya ito nagawa.. napakarami kong pangarap para sakanya..."
Napaiyak si mama at pinatatahan ko sya.

"Ma.. tahan na po.. pwede pa naman po ituloy ni Eunice ang pag aaral nya.. at matutuloy pa po ang lahat ng pangarap natin sakanya.. magkaka anak lang po sya ma.. wag na po kayong mag isip masyado.."

"Gusto ko syang makausap."

Tinawag ko si Eunice at pinapasok. Naiwan sa labas ang nobyo nya.

"Sana tuparin mo ang sinabi mong panangutan mo ang kapatid ko."

Tipid kong sinabi kay Chris. Tumango lang sya at yumuko.

"Let's eat first... i'm sure di ka pa kumakain." Bulong ni Vince sakin.

Nagpatianod nalang ako sakanya sa baba. Habang kumakain kami, nagtext si Eunice na umuwi ako at magdala ng damit para kay mama at sakanya. She will be spending the night at the hospital.

Sinamahan ako ni Vince sa bahay at agad kamong bumalik sa ospital.

"O kamusta ang naging paguusap nyo?"

"Ate.. salamat sa mga damit. Okay a kami.. ititigil ko muna ang pagaaral ko ng isang taon tapos magwwork ako habang di pa malaki ang tyan ko."

"Naku wag na. Baka mapano ka, dodoble nalang ng kayod si ate ha."

Niyakap nya ako at umiyak sa balikat ko. Nanunuod lang si Vince saamin.

"Salamat ate~"

Nasa sasakyan na kami ng magsalita si Vince.

"Wag ka ng maghanap pa ng ibang trabaho.. baka ikaw naman ang mapano.."

"Kailangan, Vince..."

Napailing nalang sya.

"Vince.. may lakad ka ba?"

"Uh, wala naman.. bakit?"

"Gusto kong uminom... sainyo, pwede ba?"

Bahagya syang napatingin sakin. Saka sya tumango.

Lumiko kami at dumirecho sa bahay nya.

Isang malaking townhouse ang bahay ni Vince. Sabi nya, nakapangalan daw ito sa papa at mama nya. Binili nya ito at yung kapatid nya ang nagbayad ng natitirang halaga ng kulang nito para mapasaknila na ng tuluyan.

"Ikaw lang mag isa dito?"

"Oo. Pero may on call maids and nannies ako. Pati guard at driver. Lalo pag nandito si Hunter, at iiwan ko sya kinagabihan para sa trabaho."

"Madalas sya dito?"

"Oo."

Nasa kitchen kami ngayon. Nakaupo ako sa stool ng bar nya at sya naman ay umakyat saglit para magbihis.

"Anong gusto mong inumin?"

"Ikaw na ang bahala. Sobrang gulo ng isip ko ngayon.. bukas may pasok nanaman at kayod nanaman ang aatupagin ko."

"Sky, okay lang yan. Sana nga tinapos muna ng kapatid mo... kaso nandyan na yan eh."

Uminom kami ng isang strawberry vodka. Naka isang bote na kami at nagkkwentuhan lang at ilang oras na din kaming tawa ng tawa. Masarap kausap si Vince. At paminsa'y okay lang siguro mag unwind. Kahit papano ay nakakalimutan ko ang bigat na dinadala ko.

The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon