A few months after Eunice and Chris tied the knot, ay lumipat na sila sa bahay nila sa QC. Ako naman, nakay Vince na.Isang umaga, dinalaw ako ni mama sa bahay namin ni Vince. Hapong hapo sya at namumutla. May sasabihin daw syang importante. Para syang kinakabahan.
"Anak..."
"Ma.. bakit naman po kasi kayo napasugod dito? Off naman po namin. Pwede kaming dumalaw sainyo."
"Kailangan ko itong masabi ng tayo lang kaya minabuti ko na habang wala si Vince.."
"Ma.. ano ba yun?"
"Ang papa mo anak, he's back.. at hinanap ako ng mga tauhan nya.. nahanap nila tayo sa pamamagitan ni Chris at Eunice kaya nakausap nya ako."
"Po?!" Di ko maiproseso ang nangyayari. Ano? Ang ama ko? Pero.. pero inabanduna nya si mama diba? Kami? Bakit naman nya kami hahanapin?
"Anak.. gusto ka nyang makita.. humingi sya ng tawad at nagbigay ng explanasyon sa nangyari."
"Ma naman, kahit na! Ilang taon na ako ma! Napakatagal ng panahon na iniwan nya tayo, bakit naman nya ako hahanapin!"
"Anak... ang ama mo.. makapangyarihang tao sya.. ang kanyang buong angkan ay puro politiko. At hindi lang iyon, mayaman na mayaman sila, ilan ang hasyenda nila at kung ano anong business sa parte ng Visayas anak.. at.. nabalitaan kong wala syang naging anak sa kanyang asawa.. may sakit sya iha.. at.."
"Ma, anong ibig nyong sabihin?"
"Gusto ka nyang makita anak."
Nang makaalis si mama, halos tulala ako. Ni hindi nga ako nakapag luto ng tanghalian kakaisip. Kaya naman tinext ko nalang si Vince na mag uwi ng pagkain. Nag gym kasi sya at pinuntahan si Hunter dahil gusto daw ng avocado ice cream. Nakapag linis naman ako ng bahay, kaso kinapos ako ng oras kaya di nakapag luto.
"Hey, what's the matter?"
Tanong ni Vince."Wala naman..."
"You can tell me everything, right?"
"Si mama.. pumunta sya dito eh.. tapos may sinabi sya tungkol sa papa ko."
"Your dad? Panong? Diba di pa kayo nagkikita ever since?"
"Yes. Sinabi nya kung anong klaseng tao si papa."
"And??"
Kinuwento ko sakanya lahat ng sinabi ni mama. Kahit sya ay nagulat sa nalaman.
"Maybe you should give him a chance.. you know.."
"Pero.. he left my mom.. at nahirapan kami dahil sa nangyari."
"You didn't know that. You're not even born yet, at that time."
"Ill try to take things slow.."
Sinabi ko kay mama na pumapayag akong makipag kita. Pero ako lang. I don't want him near my mom again.
Isang gabi matapos ng shift ko kami magkikita. Sa BGC nalang din malapit sa Torrealba ko sila pinapunta para di ako mahirapan. Papasundo nalang din ako mamaya.
Sa isang Italian Restaurant kami nagkita. Malayo palang ay tanaw ko na sya. May mga bodyguards sya at lumayo ito sakanya ng may nag radyo sa isa sakanila na nandito na ako.
Humarap ako sakanya. Tumayo sya at nakipagkamay sakin.
"Goodevening, I'm Fernan De la Ruiz. I assume you already know that i am your dad."
"I know."
Matapos ko syang kamayan ay umupo ako.
I think he is on his 50's. Matikas parin ang pangangatawan dahil pansin ito sa suit na suot nya.
"I look like you."
Banggit nya saakin."What do you want from me?"
Tanong ko sakanya."Una sa lahat, gusto ko lang humingi ng tawad sayo, at sa mama mo. Nagawa ko na ito nung nagkita kami. Pero alam kong kulang pa."
"Glad you know.. bakit mo kami iniwan? Bakit ka humarurot paalis at iniwan si mama habang pinagbubuntis nya ako?"
"Skylar, i have my reasons, and one of them is my health. Nagpagamot ako sa Germany. Isa pa hindi ko alam na buntis ang mama mo, hindi nya ito kinumpirma sakin ng huli kaming magkita."
"Huh? You're saying that mom lied to me?"
"No.. I don't know what she told you but.. i just want you to know I didn't leave you on purpose.. nalaman ko nalang na may anak ako sakanya neto lang.. ang napangasawa ng kapatid mo na si Christian Feliciano ay anak ng matalik kong kaibigan. Nasa bahay nya ako nung kasal nila. At nakita ko ang mama mo. Noong una ay akala ko na ang kapatid mo ang anak ko pero nang nakita kita, nalaman ko, na akin ka."
"Minahal mo ba si mama??"
Pagbabalewala ko sa sinabi nya."Minahal ko ang mama mo, pero dahil gusto nya ng maghiwalay kami para sa ama ng isa mo pang kapatid, nagalit ako sakanya. Umalis ako para magpagamot sa Germany at para makalimutan sya... doon na ako nakapag asawa."
Di ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Di sinabi ni mama to lahat sakin.
"Wala akong anak iha. At ng malaman na mayroon pala ay nagpasaya sakin. Gusto ko lang naman makabawi. Dahil alam kong di na ganun kalakas ang resistensya ko. Gusto kong ibigay lahat ng dapat ay natamo mo.."
"Pasensya na po at masyadong mabilis ang lahat... sana maintindihan nyo ako.."
"Naiintindihan ko.."
Nauna na ako pagtapos ko magpaalam. Di kasi talaga ako makapaniwala sa nangyari. Sinundo ako ni Vince sa labas ng restaurant at nakita ko ang tingin ng mga bodyguards nya saakin.
"So, what happened?"
"He knows.. he knows what happened and my mom's story is different. Different from him."
"Well it won't hurt for it to be clarified right?"
Namamanhid ako. Naiinis ako kay mama at sumasakit ang ulo ko sa sinabi ng ama ko. So ano ibig nyang sabihin ron, babawiin nya ako?!
Damn it!
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)
RomanceVince Lucas Torres & Skylar Denise Mendez