Chapter 15

895 15 0
                                    




I don't know what's gotten into me. I had a row with her. Nag away kami sa opisina ko dahil sa pagka sensitibo ko. Di nya nga pala alam ang nararamdaman ko.

Kinain ko ang baon na ibinigay nya saakin habang nagtatrabaho ako. Inabala ko nalang ang sarili ko para di ko sya maisip.

"Bro, nabalitaan mo na ba? Kakanta daw si Skylar ng wave 16 bukas sa Christmas party. Sya ata ang rep ng team nila!"

"Ahh yung maganda? Pero di namamansin. Kay Torres ata yun eh?"

"Weh? Bakit parang di naman sya nanliligaw. Baka magkaibigan lang sila?"

"Balita ko ang pumoporma daw e yung team leader nila."

"Sayang sasali sana ako hahahaha!"

"Ehem.."

Di ata alam ng mga mokong na to na nasa likod nila ako. Nandito kami sa elevator ngayon.

"Ay sorry."
"Pasensya na pare."

"Wag moko ma pare pare dyan di kita kilala."

Mga gagong to.

Dumating na ang kinabukasan ng gabi sa party, nasa balcony lang ako ng hotel room ko. Lutang na lutang. I rented a suite dahil gusto kong maglasing. Mag isa.

Pupunta ako sa party pero gusto ko lang makita ang performance ni Sky. Di ako makapaniwala na totoo na itong nararamdaman ko. Di ko matanggap na pati ang sarili ko niloloko ko ng ilang bwan. I need to tell her right?

Wala ako sa unang dalawang oras ng party. Lumabas lang ako ng alam kong magpeperform na sya.

Nakatitig lang ako sakanya habang pinanunuod sya ng maraming tao. Sumisikip ang dibdib ko pag nakikita kong maraming humahanga sakanya, maraming nakatingin. Naiinis ako! Alam kong pagtapos nito ay dadagsain na sya ng mga aamin sakanya.

Sobrang ganda nya ngayon, at nalaman kong magaling pala syang kumanta. Parang walang difference sa kumanta mismo ng kanta.

Nagulat nalang ako ng tinawag nya ang pangalan ko. Maulan na pero ayokong pumasok. Naiiinis parin ako. At naiiinis din ako kasi kailangan kong umamin sakanya.

Lumakas ang ulan pero rinig ko parin ang hikbi nya. Galit na sya. She's frustrated. Alam kong di sya sanay ng may alitan kami.

Kaya naman ng umamin ako sakanya, kahit na manginig ako sa kaba ay ginawa ko. Di sya makapaniwala pero inamin ko parin. Buong buo. Bahala na kung masira ang pagkakaibigan. Di ako papayag na di sya mapa saakin.

Halos mabaliw ako ng halikan ko sya. Di nya ako pinigilan! O masyado lang syang nagulat?

Di ako nageexpect ng sagot kay Sky. Ayoko syang ma pressure. Pero sana, dumating ang panahon na susuklian nya ang nararamdaman ko sakanya. At di ako titigil hanggang di nangyayari yun!

"I'll take you home..."

"E ikaw? Babalik ka pa?"

"I'm soaking wet. Di ako babalik sa party. Pero babalik ako dito sa hotel."

"Bakit???"
Tanong nya habang papalapit kami sa elevator.

"I rented a suite here."

Tahimik sya habang nasa loob kami ng elevator.
Nagsalita lang sya ng makarating kami sa lobby sa baba.

"Uh.. Vince..."

"Hey. Wag kang maging awkward. Okay lang. i'll take you home. It's already 11.30."

Tahimik ang byahe namin. Gusto kong magtanong pero.. ah! Bahala na!

"Hey... can.. can you think about what i told you? I.. wanna court you..Sky.." shit. Kinain ko agad ang sinabi ko kanina! Di ko napigilan!

Nakatitig lang sya saakin at ibinaling lang ang ulo sa daan pagtapos.

"Vince.. natatakot ako.. ayokong masira ang pagkakaibigan natin.. tsaka, ayokong.. ayokong madistract.. alam mo naman na andami kong kailangan gawin pra sa pamilya ko.. ano.. kaya.. sorry kasi.. kasi.."

"It's okay. You don't have to explain.."
I said to her while smiling. Yes. I smiled kahit ang sakit sakit na.

Distraction.. that's what i am to her.
Masakit. But I don't regret everything i told her. Ganito naman talaga ata ang pag ibig. Kailangan talaga masaksaktan ka. I know she's rejecting me. Pero di ako susuko. Sana kayanin ko to. Di ko alam kung may plano sya pero..

"Thanks for tonight, Vince. Uhm.. mag ingat ka.."

"Thank you."

Pumasok na ako sa kotse at pinaandar ito. I glimpsed at her for the last time and she just looked at my car while I'm leaving.

Nang makalayo ay nahampas ko ang manibela ng dalawang kamay ko. Napahilamos at napayuko. I stopped the car paglabas ko ng street nila. I stayed there for like 30 seconds murmuring how stupid i was and contemplating on how wrecked i am to be inlove with my almost best friend. And I'm broken into pieces because i know, in my heart that she rejected me. That what she only felt for me, was just being a friend.

Ngayon naiiintindihan ko na si Krista.

Bumalik ako sa wisyo ng may tumawag sakin. Akala ko sya eh. Pero pagbukas ko..

"Hey man! This is Baron! We're at 7high, tara! Where are you?"

"Don't ask. I'm on my way."

The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon