Chapter 10

975 16 0
                                    


Alas onse na ng maihatid ako ni Vince sa bahay. Nakainom ako at nahihilo pero mas inaantok ako. Itutulog ko,n agad to.

"Thanks for tonight.. Vince."

"Walang anuman, if there's a problem just, don't hesitate to tell me."

Pagkaalis nya ay naligo ako, nagbihis at natulog na. Habng nkahiga ay iniisip ang problemang dala dala. Isa pa doon ang kalagayan ni mama. Sana naman ay maayos na sila ni Eunice..

Magkakaroon na rin pala ako ng pamangkin. Nakakatuwa naman, but at the same time, nag aalala rin ako. Paniguradong malaking responsibilidad itong pagkakaron ng kapatid ko ng anak, i mean, hindi ko sya pwedeng pabayaan diba? Kahit na pananagutan sya ng kanyang nobyo ay samin sya titira, estudyante palang ito. Kung mkakapag bigay sila ay galing parin ito sa magulang nya.

Maganda na rin na magtuloy ito sa pag aaral, para pag natapos sya ay mkpag trabaho sya para sa anak at kapatid ko.

Kinabukasan ng umaga, alas onse ay dumalaw ako kila mama sa ospital. Balak ko narin dumiretso sa opisina mamayang alas tres at makapag ot ng 4 hrs before my shift.

Mamaya din raw ay makakalabas na si mama.

"Ma, mag ot po ako kaya maaga akong aalis. Nabayaran ko narin po ang bill natin."

"Sige. Salamat.. maayos naman na ako."

"Buti naman ma."

"Eunice, iwan mo muna kami ng ate mo saglit."

Lumabas si Eunice at pinalapit ako ni mama sakanya. Kumuha rin ako ng mansanas at binalatan at hiwain ito para maibigay ko kay mama.

"Sky.. anak.. pasensya ka na."

"Saan po ma?"

"Pasensya ka na sa inaasta ko sainyo ng kapatid mo.. masyado akong mahigpit sakanya para mifocus nya ang pag aaral at pag ppageant nya. Bata palang sya ay di ko sya hinayaan na malihis ang landas. Nakalimutan kong nagdadaan ang mga kabataan sa pakikipag nobyo, at sa sobrang higpit ko ay nangyari ito.."

"Ma.. ginagawa nyo lang po ang dapat.. nag expect lang po kayo sa kanya ng sobra.. pero maaayos po natin ito ma"

"At sayo naman, matagal ka ng nagtatrabaho para sakin o di kaya sa kapatid mo, alam kong minsan ay akala mo di ko naaappreciate ito, o nagseselos ka dahil lahat ng atensyon ko ay nasa kapatid mo... pero anak, iyon lang ay dahil alam kong malakas ka, maagang nagmature at responsable. Pasensya ka na saakin."

"Ma, ayos lang po, as long as magtutulungan po tayo di tayo malulugmok."

"Anak alam ko pagod na pagod ka na, halos kumayod ka na buong araw, pasensya ka na dahil alam kong ikaw lang ang maaasahan natin, di na ganun kalakas ang katawan ko, pagpasensyahan mo na anak. Nangangako ako na mula ngayon ay bibigyan ko kayo ng sapat na pangangalaga, lalo ka na. Pati ang magiging anak ng kapatid mo. Sana maintindihan mo ako."

"Opo ma... salamat."

Tumulo ang luha ko sa sinabi ni mama. Umalis ako ng magaan ang loob at ganado sa trabaho. Gagawin ko ang lahat maging maayos lang kami.

"Hui!"

"Ay ano ba yan! Vince namn ginulat mo naman ako!"

Tumatawa sya habang nakapikit. May dala syang chicken meal galing sa isang fastfood at ibinaba nya sa table ko.

"May call ako Vince wait lang!"

"I-hold mo muna" habang tumatawa parin.

"Kamusta ka na? Binilhan pala kita ng pagkain. Dyan kasi kami kumain ng kasama ko kanina."

"Okay naman ako, at salamat dito, di k na sana nag abala."

"Nakita ko kasing OT ka, 8pm pa ang shift mo diba? Sigurado akong di ka pa nagdidinner. 6pm na kaya"

"Salamat talaga." Ngiti ko sakanya.

"Ano, kita tayo mamayang breaktime? 1am ang 1 hr breaktime ko. May sasabihin ako sayo."

Ngiti ko sakanya.

"Sige. Set ko rin ng ganun ang akin."

Pagka alis nya ay tinanong ako ng mga ka wavemates ko kung anong meron saamin. Sabi ko lang na magkaibigan kami at di naman porke magkaibigan ang babae at lalaki ay magkakaron na ng relasyon.

Break time ko na. Isang oras ito. Pagod na ako. Pero alam ko kailangan ko lang kumain. Till 10.30 pa kasi ako ng umaga dito.

Nagkita kami ni Vince sa baba kasi nagyoyosi sya kasama ang mga katrabaho.

"Oh, tara? San tayo?" Tanong nya sakin.

"Uh, dun nalang sa banda dun, may grill kasi dun, di kamahalan pero maganda ang ambiance, bago lang daw, libre kita!"

"Hmm mukang maganda mood natin ah."

Natawa lang ako.

Halos 5 minutes din kaming naglakad patungo sa naturang grill. Umorder ako ng grilled squid at liempo daw yung kanya.

"Oh diba? 135 pesos lang inabot ng meals natin!" Natatawa kong sabi sakanya habang kumakain.

Nakatitig lang sya sakin at maya maya'y nagtanong.

"So what do you want to tell me?"

"Ano kasi, si mama.. nagsorry sya saakin, sa mga pagkukulang nya raw.. sabi nya, ittry nya raw ang best nya para maalagaan kaming mabuti. Nagsorry rin sya sa atensyong binibigay nya kay Eunice kumpara saakin, maaga raw kasi akong naging independent kaya nasanay sya. Kaya ko raw kasi ang sarili ko."

"I think she's right.. i hope it does get better this time..you need care too.. imagine, from 4pm to 10.30 am ang trabaho mo ngayong araw na ito? Di biro yun. Wag mo ng uulitin to ah, baka magkasakit ka."

"Oo, kaya lang naman ako napaaga kasi nagpunta ako ng hospital agad. Naisip ko na kaysa wala akong gawin ay ituloy na ang shift ko." Ngiti ko sakanya.

"Right. Basta wag mo ng uulitin to. I care about you alright. I care about you a lot." Sabi nya habang hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa baso.

Namula ako pagkatingin ko dito. Gad kong binawi ang kamay ko at sumubo na ulit.

"Ahh.. ehem.. oo, salamat talaga hehe."

Pinagpatuloy namin ang pagkain at dumiretso na sa opisina pagtapos.

The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon