Chapter 39

680 15 0
                                    



"Hoy babaita, hurry up kaya, we're behind your schedule! Mall muna tapos spa tayo. Hurry!" Sigaw ni Armandita sakin. Ito talagang baklang ito napakakulit.

Ilang araw na rin ang dumaan. Mula ng lumipat ako rito sa penthouse, palaging dumadaan si Vince sa gabi kaya nakilala na sya ni Armando. Ngayon, aalis kami para mag shopping muna ng corporate clothes ko pati narin magpa spa raw. Kailangang kailangan daw kasing respetado ako at kagalang galang sa madla.

Sinimulan na akong itrain para sa magiging trabaho ko, mayroon din akong personal tutor para sa mga bagay na kailangan akong turuan. Si Armando ang gabay ko sa lahat.

Maayos naman ang kalagayan ni papa. Malakas pa nga sya. Pero palagi nya akong sinasabihan tungkol sa kalusugan nya, marahil ay gusto nya parin akong maging handa.

Stressful ang mga araw na nagdaan para sakin. Sunod sunod kong inaral at inayos ang mga kailangan kong ayusin at malaman sa kumpanya, kaya naman ng mga sumunod pang bwan ay di kami masyadong nagkikita ni Vince. Naiintindihan nya naman pero minsan ay nakikitaan ko sya ng panghihinayang pag di kami natutuloy. Aminado naman akong malaki na ang pagkukulang ko sakanya, pero ano pa nga ba ang magagawa ko di ba? Di ko naman ginusto ito pero kailangan kong gawin para saking ama.

Minsan naiiisip ko, is it worth it? Lahat kaya ng pagsasakripisyo ko ay magbubunga pagdating ng panahon? O may kapalit ang lahat ng iyon kung mangyari nga? Sana ay huwag naman.

Ilan pang mga bwan ang dumaan at lalong mas dumalang ang pagkikita namin ni Vince, minsan din ay nag aaway kami sa kadahilanang palagi akong nagcacancel. Pinilit nya parin akong intindihin pero minsan ay nagagalit na talaga sya. Pag pumupunta sya sa condo ko ay tulog na ko, nagigising nalang ako na may almusal ako at note sa tabi nito. Ni hindi ko man lang naramdaman na katabi ko sya. Sobrang nakakalungkot.

Balisa ako ng mga nakaraang araw matapos ng pangyayari na iyon. Humiling ako sa papa ko na magpahinga kahit na isang linggo lang at napagbigyan nya naman ako. Kaya naman tumawag ako agad kay Vince.

"Hi..."

"Hmm" sagot nya sa kabilang linya.

"Guess what? I'm on leave."

"Hmm. For how long?"

Nag iba ang tono ng kanyang pananalita.

"Isang linggo lang."

"Okay na rin yun. Do you want me to pick you up?"

"Sige!"

Matapos ng aming paguusap ay dali dali akong naligo nagbihis at nag ayos ng sarili. Sigurado akong aayain ako lumabas nun.

I went downstairs and he's already there. Nakasandal sya sa salamin bintana kaharap ang matatayog na building ng Makati.

"San tayo?" I asked him.

"Anywhere you like. But if you ask me, I'd go to your sister's house first.. you know.. visit your nephew and your mom."

Lumamlam ang mata ko sa sinabi nya. Sobrang tagal ko na rin silang di nakikita at nakkausap. Kaya naman niyakap ko si Vince.

"Salamat.. and I'm very sorry.."

"It's not enough."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"If you're really sorry, you'll come with me at Palawan after this."

Nagliwanag ang aking mukha at tumango lang haban nakangiti.

I looked at him thinking all the good things i did in life, anong nagawa ko para magkaroon ako ng taong nagmamahal sakin ng ganito.. pagkatapos ay.. binabalewala ko lang.

Naramdaman kong nagiinit ang mga mata ko. Naiiyak ako, sa kalungkutan, sa pagkamiss sakanya, kila mama, naiiyak ako sa pagod.. sa lahat ng stress.. kung pwede lang sumuko ay ginawa ko na.

"Hey.. don't cry.. I'm just kidding.. i forgive you. And besides, ginawa mo naman lahat makapag leave lang diba? You deserve it."

"Thanks babe. Sorry. I promise I'll make it up to you..."

The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon