Isinakay ako ni Vince sa kotse nya. Nasa byahe na kami ng nagtanong ako."San tayo?"
"Basta.."
"Teka, bakit napa aga ang uwi mo? Di ka ba pinigilan sainyo?"
"I told them i'll be back after this business that i have."
"Huh? Anong business?"
"You."
Pinamulahan nanaman ako ng mukha at di na nagsalita. Halos 20 minutes din ang byahe namin.
Nakarating kami sa isang magarang hotel.
"T-teka? Hotel to ah?"
"A 5 star hotel Skylar, don't worry. I know what's on your mind. Di yun ang plano ko ngayon..."
"Maybe soon.. but—"
Hinampas ko sya sa braso at tumawa lang sya.
Nakapagpark na kami sa basement at lumabas kami para sumakay sa elevator. Pinindot nya ang 15th floor at di nagtagal ay nandun na kami.
Paglabas ng elevator ay may sandamukal na ilaw galing sa fairy lights. Isa itong garden. Nakabalot sa mga puno ang mga ilaw at pati narin sa mga dekorasyon. Patungo ito sa isang gazebo na punong puno ng ilaw.
"To tell you the truth, ganito nagpropose ang asawa ni Krista sakanya. He owns the hotel too. Dito rin sila na engage."
Kwento nya habang naglalakad kami patungong gazebo.
"But I'm not gonna propose to you.. atleast not yet.."
Naupo kami sa pangdalawahang dining set. May pagkain na nakahanda doon.
"Why are you doing this.. Vince.."
"Don't tell me you still haven't figured it out? I told you i like you.. i know i even told you i love you but you didn't answer. Ayoko ng pressure but this.. this things that I'm doing now.. it came out naturally. It turns out i have a romantic bone in my body." He smirked.
I smiled. At inaya nya na akong kumain. We talked.. nagkwento ako ng ginawa naming pamilya. Ganun din sya. Turns out, nag contact sya ng mga kaibigan nya para ayusin ito ng staff ng hotel. Nabanggit nya ring di sya mapakali na hindi kami magkita ngayong pasko kaya naman napauwi sya bigla.
"Why me? I mean.. akala ko.. akala ko magkaibigan lang ang tingin mo satin..."
"You tell me.. kasi ako hindi ko rin alam. Ikaw ang unang babae na nakapag paisip sakin gabi gabi. I mean, you're my friend alright. A very close one actually. I felt this raw feeling a few months before. Pero ayaw kong aminin sa sarili ko. Turns out i was just fooling myself."
"What gave you away? I mean, your feelings.. to confess.. ganun.."
"Jealousy."
"Haaaa? Kanino? Saka.. ganun ba yun? E bakit ako may feelings na ako sayo dati pero tinago ko lang at natulog. Na kahit na magsabi ka ng sexcapades mo kaya kong itake??"
Oh. My. God. My stupid stupid mouth!!
"What did you just say?"
"Hey..."
Di ako makatingin sakanya. Alam kong narinig nya ang biglaan kong bulalas sakanya. Shit! Engot ka talaga! Parang nagconfess narin ako sakanya!
"So... you liked me way back huh? Kahit na noong in denial pa ko? Ohhh... what a naughty little woman." He teased.
"Shut up."
Nang matapos kaming kumain ay dinala nya ako sa parang patio na tanaw ang buong syudad. Nagkikintaban ang mga ilaw sa baba kasabay ng mga bituin. Malalim na kasi ang gabi.
I was lost in trance. Nakatitig lang ako sa kawalan ng bigla nya akong yakapin galing sa likod. Ibinaon nya ang ulo nya sa aking leeg.
"Merry Christmas.. my Sky."
Napangiti ako. Hindi ko nararamdaman ang kilig o ang pagka balisa, i just feel... at peace. I melted away with him. Melted my body with his... ayoko na.. ayoko ng magkunwari pa. gusto ko nalang ituloy ito at maging masaya.. with great love comes with great sacrifice.. or so they say. Ang rupok rupok mo naman Skylar! Ikaw na ang nagwagi ng korona sa marupok awards of the year!
Inilayo nya ang sarili nya at naramdaman kong may isinuot sya saaking kwintas. Hinawakan ko ito pagtapos at nakita kong isa itong manipis na ginto at ang pendant nito ay isang gold chunk na hugis planeta ng saturn.
"You're gonna be my Sky.. my world..and my universe."
Yumakap ulit sya at ibinaling ko ang ulo ko sakanya. Di nagtagal ay inabot ko ang kanyang labi, pinatakan ito ng isang halik, dalawa hanggang sa naging tatlo. Tila nadala na sya ng damdamin nya at hinarap nya ako sakanya para yakapin at halikan. Marahan at malalim. Nakapatong ang aking mga braso at kamay sa kanyang dibdib, concealing the wicked cold breeze while his arms covered me holding my back. We stayed like that for a long time. After we kissed, he hugged me, and buried his face on my neck.
"You smell like vanilla and strawberries."
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)
RomanceVince Lucas Torres & Skylar Denise Mendez