Chapter 29

758 16 0
                                    



Matapos ang gabing iniwan ako ni Vince sa labas ng bahay, wala akong ginawa kundi an mag iiyak pag mag isa ako. Ginagawa ko lang naman ang dapat di ba? Bakit ba hindi nya ako maintindihan?

Isang linggo matapos yun ay nahalata na siguro nila mama ang palaging mugto kong mga mata at pagiging matamlay ko.

"Sky, bakit di nagpupunta si Vince dito?" Tanong ni mama saakin habang kumakain kami.

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor.
"Busy lang po ma."

"Ayos lang ba kayo?" Tanong naman ni Eunice.

"Oo naman."

Nandito ako ngayon sa terasa ng bahay namin. Nagkakape lang at nakatingin sa kawalan.

Umupo si Eunice sa tabi ko na may dala ring tasa.

"Okay ka lang?"

Di ako nagsalita. Dalawang linggo na mula ng di kami magusap. Mabigat at loob ko at alam kong ramdam na nila yun.

"Ate. Alam kong di kayo ayos ni kuya Vince."

"Pasensya na ha. Alam kong kami ang dahilan bakit nawalan ka ng oras sakanya."

"Wag mo ng isipin yun. Kung di nya ako maiintindihan, mabuti na rin ito."

"Ate wag ganon, alam mong napakalaki ng utang na loob natin sakanya. Di lang yun, mahal ka nya ate, minsan lang sa buhay ang magkaron ng taong ganyan. Ate, aminin natin na may mali ka rin, masyado mo kaming nilalagay sa pedestal, may sarili kang buhay ate, may sarili kayong buhay labas saamin. Alam ko kailangan namin ng tulong mo, pero ate di naman masama na minsa'y isipin mo rin ang sarili mo at si kuya. Masakit para sakanya ang mapabayaan ang relasyon nyo. Sya nalang naman nitong mga huli ang gumagawa ng effort para magkita kayo, naisip mo ba yun te?"

"Eunice, makakapag hintay ang lahat ng iyan, kayo, kailangan nyo ako ngayon."

"Ate, oo kailangan ka namin. Pero marami namang paraan. Hindi tama ang makakapaghintay na rason na yan. Kasi pag ang tao napagod, mawawalan ng saysay lahat ng pinagdaanan nyo."

"Alam kong wala akong karapatan na magsabi nito sayo dahil may mga nagawa akong wala pa sa oras. Pero ate kung di ko ito itinuloy, dadating ba si Rafaelli satin? Saka malalaman ko bang ganito ako kamahal ni Chris? Hindi diba ate? Makakapaghintay ang pagiging successful ko, pero ang regret kapag pinakawalan ko ang mahal ko, kahit na anong success ang makuha ko, walang saysay iyon. Opinyon ko lang ito ate... sana mapag isip isip mong nagmamahal lang si kuya. Sana kung iniisip mong mali sya ay isipin mo rin kung ano ang iyo."

Iyon lang at tumayo na sya para puntahan ang anak. May punto sya alam ko yun. Siguro ay di lang kami pareho ng layunin. Pero ang pagiging miserable kong ito ba, matatapos ba ito kapag pinatagal ko pa ang pride ko? Pero bakit sya kaya nya rin akong tiisin?

Nagpatuloy ako sa mga ginagawa ko at tumatlong linggo na mula yon. Di ko parin makalimutan pero kahit papano, nababawasan na ang pag iyak ko. Marahil ay napag iisip isip ko na rin ang mga pagkakamali ko.

Isang gabi habang nasa sala ako ay katabi ko si Chris habang karga ang anak. Si Eunice at mama kasi ay pumunta sa Banchetto namin. Gusto daw ng ibang ambiance muna ni Eunice kaya sya ang sumama.

"Chris. Mali ba ako?"

"Saan?"

"Mali ba ako sa pagpili ng pamilya ko? Kaya ako nawalan ng oras sakanya.?"

"Di ko masabi Skylar. Mahal mo an pamilya mo at hindi mali na pinili mong manatili dito palagi. Pero ako kase, lalaki ako eh. Magtatampo talaga ako kapag nawalan ng oras saakin ang taong tinuturing kong mundo. Sa pagkakaalam ko din ay mag isa lang sya diba? Ikaw nalang ang inaasahan nyang makasama at makaramay palagi."

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Iniwan nya ako eh."

"Did he tell you?"

"Tell me what?"

"That he's breaking up with you?"

"H-hindi."

"Then that's a no. Kahit pano naman ay nabasa ko si Vince sa ilang beses nyang pananatili dito."

"Sa tingin mo, babalik sya sakin?"

"Di ka naman nya iniwan eh? Diba?"

"E ikaw. Halos di ka na umuwi sainyo. Di mo ba sila namimiss?"

"Syempre namimiss. Pero may pamilya na ako. Kaya nga ako nagpatuloy ng pag aaral ay para pgka graduate ko ay magttrabaho na ako sa kumpanya namin."

Napaisip ako ng gabing iyon. Ano ba ang pwede kong gawin para makabawi sakanya?

Tatanggapin nya pa kaya ako?

Isang bwan na na wala kaming komunikasyon. Nalaman ni mama na may pagaaway kami dahil di talaga nagpapakita si Vince. Pinagalitan nya rin ako.

"Skylar di ko naman alam na hindi mo sya binibigyan ng oras. Oo at hiniling namin na tumulong ka saamin, pero di ko naman sinabing buong oras mo ay ibuhos mo."

"Bukas na bukas ay papupuntahin ko na rito ang tiya mellisa mo. Tutal ay nasa tindahan lang naman yun. Sya nalang ang tutulong samin dahil magiging busy na si Chris sa pag aaral nya. Anak naman, nagtatrabaho ka na nga para saamin diba? Bigyan mo naman ng pahalaga ang taong yon."

Kinabukasan din pagtapos ng trabaho ay pinuntahan ko si Krista sa Forbes. Kinuwento ko ang nangyari saamin ng kuya nya.

"Naku kaya pala sabi ni Seth ay palagi daw nasa labas o di kaya naman ay sa bar. Sana naman magka ayos na kayo. Both of you are at fault here. Pero Sky, kilala ko si kuya, mahaba ang pasensya nyan.. kung nagkaganyan sya.. well.."

"Heto.. eto ang susi ng bahay nya. Ikaw na ang bahala sa kung anong gagawin mo. Kaya nyo yan, okay? I'm rooting for you."

Kaya naman kinabukasan, tutal ay wala akong pasok, nagpaalam ako kay mama na pupuntahan si Vince pra makipag ayos. Dumating na rin si tita Mellisa na tutulong saamin sa bahay.

"Sige na sige na, makipag ayos ka na at kawawa naman yun si Vince, naku!"

So... madaling araw pa lang ay nasa bahay nya na ako. Nagligpit ako ng mga kalat sa sala at kusina. Matapos nun ay nagcheck ako sa ref nya kung may pwede akong lutuin. Ngunit wala! Kaya naman dali dali akong namili sa malapit na supermarket na maaga kung magbukas. Namili ako ng mga rekado para sa dinuguan. Nagpaturo kasi ako kay mama kung pano. Ngayon ay magagamit ko na itong nalaman ko para maipagluto sya.

Nakapag saing nako at natapos na rin ako magluto. Naghuhugas nalang ako ng kamay ng marinig ko ang pintuan nya na bumukas.

"Breathe in.. breathe out...." bulong ko sa sarili.

Gulat na gulat ang reaksyon nya at nagkasagutan kami ng tanungin nya kung bakit ako nandito.

Sinabi nyang ayaw nya ako rito.

Ayokong ipagpilitan dahil una, kagigising nya lang. pangalawa ay ito ang unang beses na nagpakita ulit ako sakanya.

"Well i guess I'll come back another day!"

Saka ako lumabas at umalis.

The Sky Above Us (THE GREY EYES SERIES 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon