IBINUKA na ni Charlene ang mga labi para bawiin ang tanong pero biglang bumaling na ulit sa kaniya si Art at naunahan siya magsalita, "Pareho nang may kani-kaniyang pamilya ang mga magulang ko. The last time I checked, nasa England pa rin ang nanay ko at ang pamilya niya habang ang tatay ko ay sa Hongkong na nakabase. My mother is British. Ang tatay ko ang pinoy pero wala na kaming kamag-anak dito sa Pilipinas. Nagsipag-migrate na rin sa ibang bansa."
Hindi nakaimik si Charlene dahil bigla siyang narealize. Kaya pala noon sa hospital ay walang kapamilya na bumisita kay Art. At kaya pala himbis na magpaalaga ay mas gusto nitong magkulong sa bahay nito na mag-isa. Kasi hindi sanay ang binata na inaalagaan. May bumikig sa lalamunan niya at uminit ang kanyang mga mata. Dahil para sa kaniya na buo at masaya ang pamilya ay napakalungkot ng sitwasyon ng binata.
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan," sabi ni Art habang nakatitig sa kaniya na para bang alam nito ang tumatakbo sa isip niya. "It's not what you think. Lumaki ako sa ibang bansa at doon pagtapak mo pa lang ng eighteen pwede ka na maging independent. Hindi ako malungkot o kung ano pa man na mag-isa ako sa Pilipinas at malayo sa pamilya."
Pinakatitigan ni Charlene ang mukha ng binata. "Totoo? Hindi ka nakakaramdam ng lungkot?"
"No."
Naningkit ang mga mata niya sa mabilis at walang kurap na sagot na iyon ni Art. "Kahit katiting na longing para sa isang pamilya, wala ka talagang naramdaman sa nakaraang mga taon?" tanong ni Charlene at hinuli ng tingin ang mga mata nito. Hindi niya hahayaang iiwas nito ang tingin sa kaniya sa pagkakataong iyon. Dahil itago na nito ang lahat tungkol sa sarili, sige tatanggapin niya dahil alam naman niyang wala siyang karapatan makiusyoso. Pero sana kahit ang tanong niyang ito ay tapat na sagutin ng binata. Dahil pakiramdam niya kahit isang oo o hindi lang ang isagot nito ay kahit papaano nasilip niya ang laman ng puso nito. His heart that I want so badly yet I know I cannot have.
"I want to get married. Isa iyon sa kaibahan ko sa ibang mga kaibigan ko na tumatakas sa matrimonya. Hindi pa ba sapat na patunay iyon na gusto ko ng pamilya?" mahinang sagot ni Art.
May kumurot sa puso niya nang makitang kumislap ang vulnerability sa mga mata nito. Uminit ang mga mata niya dahil alam niyang si Mylene ang nasa isip nito sa mga sandaling iyon. Dahil lumalabas lang naman ang ganoong emosyon sa mukha ni Art kapag may kinalaman kay Mylene. Bigla tuloy ay may napagtanto si Charlene. Na kahit iniwan na ni Mylene ang binata sa panahong kailangang kailangan nito ang babae ay ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso ni Art.
Napaigtad si Charlene sa tunog ng coffeemaker. Tapos na ma-brew ang kape. Pero hindi niya magawang kumilos. Nakatingin lang siya sa binata at nakatitig din ito sa kaniya. Pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pagsasalita na sa totoo lang ay ikinagulat at ikinatuwa niya.
"Gusto ko rin naman na may pag-alayan ng mga tagumpay ko. Gusto ko na dumating naman ang araw na uuwi ako sa bahay na may sasalubong sa akin para itanong kung kamusta ang araw ko. Gusto ko naman na magkaroon ng weekend na kuntento lang sa bahay kasama ang pamilya himbis na lumabas at dumalo ng party. Dahil ikaw ang higit na nakakaalam na hindi naman talaga ako mahilig sa night life. Kailangan lang sa trabaho kaya ako lumalabas."
Nilunok ni Charlene ang bikig sa lalamunan niya at tumango. Sa nakaraang dalawang taon ay hindi na niya mabilang kung ilang imbitasyon ang tinanggihan ni Art. Pinipili lang nito ang mga imbitasyon mula sa mga taong hindi matatanggihan dahil related sa trabaho. Hindi mahilig mag-party hanggang madaling araw si Art. Palagi nga nitong sinasabi noon na bihira na nga lang ito magkaroon ng time matulog ay lalabas pa ba ito? Noong unang beses na sinabi iyon ng binata sa kaniya ay labis ang pagkagulat niya. Mukha kasing pabling at party guy si Art kaya aakalain na ganoon talaga ito. Kaya nang malaman ni Charlene ang totoo ay lalong nahulog ang puso niya para sa binata. In her eyes, the contradictions make Art Mendez more charming.
Huminga siya ng malalim para hamigin ang sarili. Saka siya bahagyang ngumiti. "Huwag kang mag-alala, boss. Sigurado akong darating ang araw na sinasabi mo. Maraming babae ang tiyak na gugustuhing maging bahagi ng pamilyang gusto mong buuin. Hindi mo na kailangan hanapin, kusa na silang lalapit sa iyo," aniya sa pinagaan na tinig.
"Himbis na habulin ng maraming babae na hindi ko naman gusto, mas gusto kong makakita ng isang babae lang na hahabulin ko at pagtutuunan ko ng lahat ng atensiyon at pagmamahal ko. I would rather be the one chasing her, not the other way around."
Parang may sumipa sa sikmura ni Charlene sa sinabing iyon ni Art. Tinamaan siya. Kasi para na ring sinabi ni Art na mas gusto nito na ito ang unang magkakagusto sa babae kaysa ang babae ang unang magkakagusto dito. Tumikhim siya, nilingon ang coffeemaker saka dumeretso ng tayo. "Teka at isasalin ko na sa tasa ang kape. Wait ka lang boss."
"Charlene. Isang linggo na tayong magkasama dito. Naiilang ako sa tuwing tinatawag mo akong boss. Just call me Art, okay?"
Natigilan siya at napatitig lang sa binata. Umawang ang mga labi niya pero walang tinig na lumabas doon. Ngumiti si Art saka inilahad ang kamay. Lalo siyang namangha. "Pagkatapos ng isang linggo na magkasama tayo dito, sa tingin ko lumampas na tayo sa employer-employee relationship. So let's be friends."
Namilog ang mga mata ni Charlene. "B-boss..."
Umangat ang mga kilay nito. "Kasasabi ko lang. Magkaibigan tayo, Char. Call me by my name."
Napalunok siya. Sandaling nag-alangan. Mga isang segundo lang. Dahil hindi siya ipokrita. Okay na okay sa kaniya ang maging kaibigan nito. Mas close iyon kaysa assistant, hindi ba? "Okay fine. Art." Saka siya ngumiti at tinanggap ang pakikipagkamay ng binata.
Kuntento itong tumango at pinisil ang kanyang mga kamay. "Great. See? Mas masarap pakinggan na tinatawag mo ako sa pangalan ko kaysa 'Boss'." Pagkatapos ay malawak itong ngumiti, naningkit pa ang mga mata at kumislap sa kasiyahan.
Sumikdo ang puso ni Charlene at uminit ang kanyang mga mata. Dahil ganoong ganoon ang ngiti na iginawad nito sa kaniya noong araw ng job interview niya. Ang ngiti na ilang buwan na niyang hindi nakikita. Ang ngiti na sa loob ng dalawang taon ay araw-araw niyang inaasam na igawad sa kaniya para mabuo ang araw niya.
And just like before, that charming smile took her breath – and her heart – away.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez)
RomanceMay manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin...