Part 10

24.9K 650 72
                                    

OH, GOD. Kung nakakakilos lang si Art ng maayos, siguradong napalundag na siya palayo. Sa mga sandaling iyon lalo siyang nakaramdam ng inis na hindi na sumusunod sa gusto niya ang mga binti niya. Sa halip ay napakuyom na lang ang mga kamao niya sa bedsheet ng kama niya nang biglang lumuhod sa harap niya si Charlene. Hindi pa nakuntento ang dalaga, tiningala pa siya at inosenteng ngumiti. Malamang. Siya lang yata ang nagkamalisya sa sitwasyong iyon.

Sino bang lalaki sa edad niya ang hindi magkakamalisya kapag may isang magandang babae ang biglang lumuhod paharap sa kandungan niya? Lalo na siya na dalawang buwan na nag-ermitanyo. He was not a womanizer but he has a healthy sexual drive. Na sa kabutihang palad ay mukhang hindi nadisgrasya ng car accident na kinasangkutan niya.

"Ima-masahe na kita boss ha," sabi ni Charlene. Binuksan nito ang plastic bottle, nag-apply ng oil sa magkabilang palad at sinimulang haplusin ang isang hita niya. Napaigtad si Art. Nagulat ang dalaga at napatingala sa kaniya. "Relax ka lang." Pagkatapos ay sinimulan na nitong hagurin ng mga palad ang hita niya pababa sa tuhod, sa binti at pababa sa paa at pataas ulit sa hita niya. Sa tuwing umaakyat ang mga palad niya ay napapatiim bagang siya. Mga binti lang niya ang medyo manhid pa rin at hindi sumusunod sa isip niya pero ang mga hita niya pataas ay normal. Na ngayon ay oversensitive na sa haplos ng dalaga.

Hot damn. Muntik na siyang mapapikit ng mariin nang umangat na naman ang mga kamay nito. Hindi lang dahil mukhang alam nga ni Charlene ang ginagawa dahil masarap itong magmasahe. Kung hindi dahil nag-re-react ang bahagi ng katawan niyang hindi dapat mag-react sa haplos nito. Himbis tuloy na maginhawaan siya ay naging torture pa ang massage session nila. Hindi siya nagsasalita kahit nang malipat na sa kabilang hita niya ang masahe nito pababa ulit hanggang sa talampakan niya. Aware din siya na paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Charlene na para bang tinitingnan ang reaksiyon niya. Pero hindi niya sinasalubong ng tingin ang mga mata nito. Ayaw niyang makita ng dalaga ang tunay na epekto sa kaniya ng ginagawa nito.

Nang matapos ang masahe ay hindi agad tumayo si Charlene, tumingala lang sa kaniya. Napilitan tuloy si Art na tingnan ito. Mukhang dismayado ang dalaga. "Hindi ka nasarapan?"

Nanlaki ang mga mata niya at hindi agad nakasagot dahil parang may lumamutak sa sikmura niya. Lalong humigpit ang kamao niya sa bedsheet para hindi gumawa ang mga iyon ng bagay na pagsisisihan niya pagkatapos – katulad nang hablutin ito at tawirin ang pagitan ng kanilang mga labi kahit na alam niyang hindi iyon tama. Because God, she has no idea what her touch did to him. At ngayon ay mukhang dismayadong dismayado ito dahil akala ni Charlene ay hindi siya nasarapan sa masahe nito.

"It was... good," usal niya sa paos na tinig. Tumikhim na siya para alisin ang bara sa lalamunan niya at muling nagsalita, "Masarap ka magmasahe. Really."

Umaliwalas ang mukha ni Charlene at matamis na ngumiti. "Mabuti naman. Mula ngayon araw-araw ko na ito gagawin sa iyo."

Oh, God. Everyday? Torture, ungol niya sa isip. Pero tumango na lang siya. Kuntentong ngiti ang sagot ng dalaga at kumilos para tumayo. Pero napalis ang ngiti nito, napangiwi at nanghina ang mga binti. Agad na hinawakan niya ang magkabilang braso nito para alalayan. Pero dahil hindi siya handa at hindi nalagyan ng pwersa ang katawan niya ay natumba siya pahiga sa kama – kasama si Charlene na bumagsak padagan sa kaniya. Nahigit ni Art ang paghinga dahil sa pangalawang pagkakataon sa araw na iyon ay naglapat ang kanilang mga katawan.

Inilapat ng dalaga ang mga palad sa magkabilang gilid niya at bahagyang inilayo ang katawan hanggang sa magkatapat ang mga mukha nila. "Sorry," usal ng dalaga na napahinto sa pagsasalita nang magtama ang kanilang mga mata. Narinig niya ang paghigit ni Charlene ng paghinga. Hindi niya ito masisi dahil maging siya ay iyon din ang reaksiyon. Ga dali lang kasi ang layo ng mga labi nila sa isa't isa. Kaunting angat lang ng baba niya ay mahahalikan na niya ang dalaga. He wanted to do it so badly he ached.

Ni hindi inakala ni Art na makakaramdam siya ng ganoon para sa assistant niya. Iyon nga mismo ang dahilan kung bakit iniwasan niya ito pagkatapos na magkalapat ang mga katawan nila kanina sa garden. Dahil ang traydor na katawan niya, nagluluksa pa nga ang isip at puso niya sa nangyari ilang buwan na ang nakararaan, ay nag-react nang maramdaman ang malambot na katawan ng dalaga. At kung nadarama lang niya iyon dahil sa proximity at dahil silang dalawa lang doon ay mas lalo siyang dapat magpigil. Dahil ayaw niyang i-take advantage si Charlene. She doesn't deserve that.

"Char, mabigat ka," usal niya sa pilit pinakaswal na tinig.

Napakurap ang dalaga, namula ang mukha at mabilis na bumangon palayo sa kaniya. "I'm sorry," hiyang hiya na usal nito.

"Okay lang," nangaalo na sagot niya. "Really, it's okay. Salamat sa masahe. Magpahinga ka na rin."

"Teka lang, tutulungan muna kitang makabangon."

"Huwag na. Kaya ko na," mariing tanggi niya. Kinagat ni Charlene ang ibabang labi at muntik na siyang mapaungol. Mabuti na lang ay tumango rin ito at kahit na alanganin ay nag-good night sa kaniya saka lumabas ng kanyang silid.

Ibinagsak ni Art ang ulo sa kama nang puminid ang pinto. Saka mariin siyang pumikit at marahas na naihilamos ang mga kamay sa mukha.

Matagal bago niya nagawang kalmahin ang sarili. Umayos siya ng higa sa kama at pilit natulog para takasan ang alaala ng mga nangyari sa araw na iyon. Pero kahit ang panaginip niya, si Charlene ang laman.

Sa kung anong dahilan ay bigla ring sumulpot sa panaginip niya ang avid fan niya noong hindi pa siya sikat na direktor sa Pilipinas. He saw the thick eyeglasses and the braces. Pero sa kung anong dahilan ay malabo ang mukha nito sa panaginip niya. Siguro dahil kahit sa tunay na buhay ay hindi na niya matandaan ang hitsura ng babaeng iyon na nang sumikat siya ay huminto na rin magpadala sa kaniya ng fan emails.

Nasaan na kaya ang babaeng iyon?

Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon