Part 13

25.2K 712 31
                                    

NAKAKAMANGHA isipin na ang simpleng pagtawag mo lang sa pangalan ng isang tao sa palakaibigang paraan ay sapat na para may mawalang pader sa pagitan ninyo. Ganoon ang nangyari kina Charlene at Art nang simulan niyang tawagin sa pangalan ang binata. Nawala ang reservations. Mas naging kaswal at bukas ang usapan nila. Mas tunay at masigla ang mga ngiti at tawa.

Iyon na yata ang pinakamasayang mga araw sa buhay ni Charlene. Pakiramdam niya ang close nila ni Art. Lalo siyang natuwa dahil palagi na itong nakangiti, palagi nang nakikipagbiruan sa kaniya. Sa tuwing may oras sila ay nasa hardin sila, nag-eensayo si Art maglakad. Desidido na talaga ang binata na makalakad ulit ng maayos. Katunayan ay sa ikatlong araw mula nang magsimula ang session nila ay nakakaya na nitong maglakad na hindi nakaalalay si Charlene.

Sa gabi, doon nagsisimula ang ilangan. Kapag imamasahe na niya ang mga binti ni Art. Noong una ay hindi niya alam kung bakit biglang nagkakaroon ng tensiyon sa pagitan nila kapag ginagawa niya iyon. Hanggang sa pangatlong gabi, habang minamasahe niya ang bandang hita nito ay napasulyap siya sa kamay ni Art na mariing nakakuyom sa bedsheet. Nag-alala si Charlene at binawasan ang pwersa ng mga kamay niya, pinagaan ang haplos sa hita nito dahil baka nasasaktan ang binata sa masahe niya. Pero mariin pa rin ang pagkakakuyom ng kamao nito. Ibig sabihin ay hindi ang diin ng masahe niya ang isyu. Nagtaka siya at akmang titingala para tanungin si Art nang may mahagip ang tingin niya.

Napahinto sa paggalaw ang mga kamay ni Charlene, namilog ang kanyang mga mata at uminit ang mukha habang manghang nakatitig sa bahaging iyon ng katawan ni Art na nasa mismong eye level niya. He was so... aroused. Iyon ang unang beses na nakakita siya ng ganoon at hindi niya maalis ang tingin niya. It was a fascinating sight. Oh, my God, maniac ba ako at na-a-amaze ako himbis na matakot?

"Shit!" Nagulat si Charlene nang biglang nagsalita si Art. Napaatras siya at napakurap nang takpan nito ng unan ang kandungan nito. "Don't look."

Napatingala siya sa mukha nito nang marinig na medyo paos ang boses ng binata. Umawang ang mga labi niya nang makitang namumula ang mukha ni Art at bakas ang magkahalong frustration at pagkapahiya sa mga mata. Iniwas nito ang tiningin at marahas na ginulo ng mga daliri ang buhok. "Ito ang dahilan kaya ayokong imasahe mo ako. I can't control my body's reaction whenever you touch me."

Sumikdo ang puso ni Charlene at napatitig lamang sa mukha ng binata. Pagkatapos ay hindi niya natiis at muling bumaba ang mga mata sa kandungan nito. Kahit may nakatakip nang unan doon ay malinaw pa rin sa isip niya ang nakita kanina. Pagkatapos ay muli siyang tumingala. Nakatingin pala ito sa kaniya. "Tumayo ka nga at huwag mo akong tingnan ng ganiyan," paungol na usal ni Art.

Napakurap siya. "Paano ba kita tingnan?"

Humugot ng malalim na paghinga ang binata, umiling at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Just get up."

"Pero hindi pa tapos ang masahe," reklamo niya.

Tumiim ang bagang ni Art at hinigit siya patayo. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi ang magpadala. "Nakita mo naman na, hindi ba? Every massage session is a struggle for me, Charlene," sabi nito nang makatayo na siya.

Umawang ang mga labi niya nang bumaha ang pag-unawa sa isip niya. "Every massage session? So mula umpisa hanggang ngayon, naapekutan ka ng haplos ko?" manghang bulalas niya.

Tumingkad na naman ang pagkapula ng mukha ni Art, binitawan siya at nag-iwas ng tingin. "Yes," tila hirap pa nitong aminin iyon.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Hanggang sa hindi napigilan ni Charlene ang pagkibot ng mga labi na naging ngiti. Dahil sa totoo lang ay natuwa siya na apektado si Art. Ibig sabihin 'non para sa binata ay attractive siya kahit papaano, hindi ba? Paano siya hindi matutuwa sa isiping iyon?

Nakangiti pa rin siya nang muling mapatingin sa kaniya si Art. "Bakit nakangiti ka?" yamot na tanong nito. Kumunot pa ang noo.

Naging ngisi tuloy ang ngiti ni Charlene. "I'm just flattered that you're affected by my touch."

Natigilan si Art. Sandaling kumislap ang pagkataranta sa mga mata bago marahas na umiling. "No. Mali ka ng iniisip. This is not about you. This is about...about the fact that I've been alone for two months and my body misses a woman's touch. Natural na reaksiyon lang ito ng isang lalaki kapag malapit sa isang babae."

Sa tono ng binata ay parang nasa principal's office dahil nabistong gumagawa ng kalokohan at sinusubukang magpalusot. Hindi rin siya nito matingnan. Pero kahit na alam ni Charlene na sinusubukan lang nitong itago ang pagkapahiya ay nainis pa rin siya sa mga sinabi nito. Namaywang siya. "Sinasabi mo ba na kahit sinong babae ang kasama mo ngayon, ma-a-arouse ka?"

Marahas na napatingin sa kaniya si Art. "Charlene!" tila naeeskandalong bulalas nito.

Tumaas ang kilay niya. "What? Totoo naman 'di ba? You are aroused. Nakita ko pa nga."

Mariing napapikit ang binata. "God, stop talking. Paano mo nagagawang magsalita ng ganiyan na walang alinlangan?"

"Art, sinasabi ko lang ang totoo. In case nakakalimutan mo, prangka naman talaga ako magsalita, hindi ba? Anyway, hindi iyon ang isyu. Kapag ba ibang babae ang nakaluhod sa harap mo at minamasahe ka, ganoon din ang magiging reaksiyon mo?"

Tumiim ang bagang ni Art. Nagtagis ang mga paningin nila. "Yes," gigil na sagot ng binata. "I told you, this is not about you."

Naningkit ang mga mata ni Charlene, napikon na. Liar. Iba sa sinabi nito ang nakikita niya sa mga mata nito. Iba ang sinisigaw ng mainit na titig ni Art sa kaniya. At ang titig nitong iyon ay nagpalakas sa kanyang loob. Hindi man siya nito gusto sa paraang gusto niya ito, hindi man siya nito mahal, hindi maikakaila ng mga mata ng binata na attracted ito sa kaniya. Kung paanong naging attracted ang binata sa kaniya ay hindi niya alam – ipagpapasalamat na lang niya iyon kaysa analisahin pa. Ang alam lang niya ay hindi lang iyon dahil siya ang babaeng kasama nito ngayon. Hindi ganoon kababaw ang Art Mendez na kilala niya.

"Sige, sabihin na nating iyan nga ang kaso," sabi ni Charlene. "Anong gagawin natin? Hindi ako papayag na ihinto ang massage session mo. Malaki ang tulong nito sa iyo. Hindi ba at nakakalakad ka na nga na walang saklay? Kahit na mabagal at maiksi pa lang ang distansya ay malaking progress na iyon para sa sampung araw."

Marahas na napabuga ng hangin si Art. "You are really persistent, do you know that?" pasukong usal nito.

Napangisi si Charlene. "Alam mo, pangalawang beses mo na sinabi sa akin iyan. I'm taking that as a compliment. At kahit paulit-ulit mo iyang sabihin sa akin ay hindi pa rin magbabago ang desisyon ko na manatili sa tabi mo."

Napatitig sa kaniya ang binata, kumibot ang mga labi hanggang sa may sumilay na ngiti na naging tawa. Sumikdo ang puso niya at may nagliparang mga paru-paro sa sikmura niya habang amazed na pinapanood ang pagtawa ni Art. Maya-maya ay umiling-iling ito at tiningnan siya. "Lumapit ka nga sa akin," sabi nito. He even crooked his finger at her.

Kahit napakunot ang noo niya ay tumalima naman siya. Humakbang siya palapit at yumuko sa pag-aakala na may sasabihin ito sa kaniya. Napasinghap siya sa pagkagulat na hawakan siya ni Art sa batok. Pagkatapos ay ginawaran siya ng mabilis pero magaan na halik sa mga labi. Namilog ang mga mata ni Charlene at nanigas. Nang ilayo ng binata ang mukha sa kaniya ay may masuyo nang ngiti sa mga labi nito.

"Thank you," sinserong usal ni Art.

Napakurap siya, nalito, nabingi sa malakas na tibok ng kanyang puso at nanginig ang mga tuhod. "Bakit... bakit ka nagpapasalamat?" At bakit mo ako hinalikan?

Nagulo talaga ang utak ni Charlene. Sandaling halik lamang iyon pero parang biglang naging sensitibo ang kanyang mga labi, nadarama pa rin doon ang malambot at mainit na mga labi ng binata. Na hindi katulad niya ay kalmado at may ngiti pa rin sa mga labi habang nakatitig sa kaniya. "You're so loyal, so dedicated and so sweet. I'm the luckiest man on earth to have you. Ngayon kahit na iwan ako ng lahat, kahit na hindi pa ako makalakad ng katulad ng dati, dahil kasama kita rito ay parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. Nahahawa ako sa positivity mo. Now I am starting to believe that tomorrow is going to be a better day than yesterday. Salamat dahil hindi mo ako iniiwan, Charlene."

Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon