NARAMDAMAN ni Charlene na saglit na natigilan si Art. Pero agad ding pumaikot ang mga braso nito sa katawan niya at gumanti ng mahigpit na yakap. Nang mga sandaling iyon ay nasiguro niya na naintindihan ng binata na masaya siya hindi lang dahil sa mga proyektong inalok dito ng mga producer. Na higit doon ay masaya siyang bumalik na ito sa dati. That the charmer she once knew was finally revived.
Naramdaman niya nang gawaran ng binata ng halik ang gilid ng kanyang ulo. Pagkatapos ay dumapo ang halik nito sa bandang tainga niya. Napabuntong hininga si Charlene at napahilig sa katawan nito. Parang bigla siyang naliyo. Lalo na nang dumausdos ang magaan nitong halik sa pisngi niya at ang mga palad nito ay marahang humaplos sa likod niya. Napahilig siya sa dibdib nito. Si Art naman ang napabuntong hininga, umangat ang isang kamay sa buhok niya at iyon naman ang marahang hinaplos. Namigat ang mga mata niya.
"Lasing na yata ako," bulong ni Charlene na napapikit nang suklayin nito ng mga daliri ang buhok niya.
"Ako rin yata," sagot ni Art.
Matagal na nanatili silang magkayakap lamang sa sulok na iyon ng club. Napakaraming tao sa paligid pero pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay dalawa lang sila ng binata.
Malakas na tikhim ang nagpaigtad sa kanilang dalawa. Iyong tikhim na exaggerated at pasigaw na, "Ehem." Naghiwalay sila at sabay na napalingon sa tumikhim. Uminit ang mukha ni Charlene nang makita si Brad ilang metro ang layo sa kanila, nakaangat ang mga kilay at may nanunudyong ngiti sa mga labi. "I'm sorry for disturbing the two of you pero may kailangan lang akong sabihin."
Humakbang paatras si Charlene para lumayo kay Art pero napasinghap siya nang pumaikot ang isang braso nito sa baywang niya para pigilan siya. Lalong uminit ang mukha niya. "Anong sasabihin mo, Brad?" tanong ni Art sa kaibigan. Kaswal ang tono nito na para bang hindi lang ito nahuling kayakap ang personal assistant. Siya tuloy ang nahihiya.
"Iyong tapes daw na pinahiram sa iyo, hinahanap na nila. Kailangan nila para sa compilation."
"Ah! Oo nasa opisina," nabulalas ni Charlene. "Sorry, nakalimutan kong ibalik." Trabaho niyang siguruhing ibinabalik ang mga ganoong bagay sa dapat pagsaolian. Masyado siyang distracted sa nakaraang dalawang linggo. "I'll go and apologize to them."
"Saka ka na humingi ng tawad kapag hawak mo na ang tapes at isasaoli mo na. It's okay, Charlene. It's just that, they need it now. Mga babalik pa daw sila sa TV station mamaya," sabi ni Brad.
"Okay. Kukunin ko na ngayon sa office."
"Sasamahan na kita," sabi ni Art.
"Hindi na. Kailangan ka dito. Victory party niyo ito," mariing tanggi ni Charlene at tinanggal na ang braso nito sa kanyang baywang. "Sandali lang ako."
"Char. I insist. Sasamahan na kita. Let's go," pinal na sabi ni Art. Hinawakan pa ang kamay niya at pinisil. "Dis oras na ng gabi. Siguradong wala nang katao-tao sa building maliban sa mga guwardiya. Hindi kita hahayaang mapunta na mag-isa."
Tatanggi pa ba siya kung concerned lang sa kaniya si Art? Siyempre hindi.
TAMA ang binata na talagang wala na katao-tao sa gusali kung nasaan ang opisina nila nang dumating sila roon. Pakiusapan pa nga sa bantay na night guard para papasukin sila. Madilim ang hallway. Masyadong tahimik sa elevator at maging ang floor kung nasaan ang opisina nila ay walang tunog na maririnig maliban sa mga yabag nila.
"Mabuti na lang pala sinamahan mo ako. Creepy pala magpunta mag-isa," sabi ni Charlene nang nasa loob na sila ng office unit nila. Nagpatiuna siya sa inner office dahil doon niya tinabi ang paperbag ng tapes na kailangan nilang isaoli.
"I told you. Hindi magandang ikaw lang ang magpunta dito," sagot ni Art na nakasunod sa kaniya. "Nakita mo na?"
"Teka lang." Lumigid siya sa likod ng lamesa ni Art doon at dumukwang payuko. Sa ilalim kasi niya itinago ang tapes. "'Eto na, nakuha ko na!" sabi niya pagkahablot sa paperbag. Pagkatapos ay agad siyang tumuwid patayo. Na agad na pinagsisihan ni Charlene dahil bigla ay nanlabo ang paningin niya at parang umikot ang kinatatayuan niya. Nawalan siya ng balanse sa pagkahilo at muntik na siyang matumba kung hindi lang naging maagap si Art na hinawakan siya sa magkabilang balikat at hinigit siya. Napasandig siya sa dibdib nito. Bumaba ang mga kamay nito sa baywang niya.
"Woah. That was close," pabuntong hiningang sabi ni Art. "Nakainom ka. Hindi ka dapat biglang yumuyuko at tumatayo ng ganoon. Talagang mahihilo ka."
Napahugot ng malalim na paghinga si Charlene at sandaling mariing pumikit. Nang hindi na siya masyadong nahihilo ay dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Noon niya napagtanto na ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha nila ni Art. At na nakasandig pala ito sa lamesa. Kaya naman pala kinaya nitong saluhin ang bigat niya. Tinangka niyang lumayo pero humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Pinakatitigan nito ang mukha niya.
"Naparami ka ng inom ngayong gabi. Dati naman dalawang baso lang ang tinatanggap mong alocohol. Bakit?" malumanay na tanong ni Art.
Nakagat ni Charlene ang ibabang labi, sandaling nagbaba ng tingin bago umamin, "Na-frustrate ako na hindi kita makita. At kapag nakikita naman kita napapalibutan ka ng mga babae."
Natigilan si Art. Uminit ang mukha niya at napahiya. Lalo na nang mag-angat siya ng tingin at makitang titig na titig sa kaniya ang binata. Huminga siya ng malalim. "Alam ko na wala akong karapatang makaramdam ng ganoon pero hindi ko napigilan. I'm sor –" Naputol ang paghingi ni Charlene ng paumanhin nang bilang hawakan ni Art ang batok niya at walang salitang siniil siya ng halik sa mga labi.
Iba iyon sa maraming halik na iginawad na nito sa kaniya. It was a deep and hot kiss that took her breath away. Pero bago pa niya ma-enjoy ang halik ay agad din siya nitong pinakawalan. Napakurap si Charlene nang makita ang init ng mga emosyon sa mga mata ni Art. "You have nothing to apologize for. I don't mind if you get frustrated over me. Get jealous. Dahil ibig sabihin 'non sa akin lang nakatuon ang atensiyon mo. Ibig sabihin ako lang ang palaging iniisip mo. Ibig sabihin, patas lang tayo. Dahil mula nang lakas loob mong pasukin ang Bachelor's Pad na walang babaeng nakakapasok ay hindi ka na mawala sa isip ko. Hanggang panaginip ikaw ang nakikita ko. Everyday that we've been together, alone, on that resthouse, was sweet torture."
Bumilis ang tibok ng puso ni Charlene at parang may humalukay sa sikmura niya sa mga sinabi nito. Nawala ng tuluyan ang pagkahilo niya. "So, hindi totoo ang sinabi mo na magiging attracted ka kahit sinong babae pa ang makasama mo noon sa resthouse. Kahit na hindi ako iyon?"
Bumuntong hininga si Art, humigpit ang hawak sa batok niya. Pagkatapos ay mainit siyang tinitigan. "It was a lie. I was attracted because it's you, Charlene. Because I really like you, you know?"
Uminit ang mga mata ni Charlene. Kung alam lang ng binata kung gaano siya pinasaya ng mga sinabi nito. She was so overwhelmed. Kaya hindi na siya nakatiis. Ikinulong niya sa magkabilang palad ang mukha ni Art at kusa itong hinalikan ng mariin, mainit at buong pagmamahal sa mga labi. At sa pagkakataong iyon hindi na siya papayag na mabitin siya sa mabibilis nitong mga halik. Matapang niyang kukunin ang matagal nang inaasam ng kanyang puso. And she wanted him so, so, badly.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez)
RomantikMay manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin...