Kabanata 4

4.2K 116 2
                                    

Nag paalam ako sa office kung pwede muna akong magleave kahit ngayong hapon lang dahil emergency kako. Pinayagan naman nila ako at sabi pa nga nila kung pwede pa raw bumili na ako ng handa ko bukas. Di ko magawang tumawa kanina dahil sa text ni Kyle. Ninerbyos ako ee.

Tinext niya sa akin kung saan kami magkikita. Doon daw kami sa restau malapit sa bahay nila.

Pagkarating ko sa restau, bumungad sa akin ang mukha ni Kyle na mukhang nalugi. Lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit mukha kang nalugi?"

Tanong ko sa kanya at umupo sa katapat niya. Ngumiti naman siya ng mapait.

"Wala na kami, Azzir" simpleng sagot niya at ngumiti ng mapait.

Nagulat ako. Wala na sila? You mean?

"W-wala na kayo ni Claire?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah. Nakipagbreak siya sa akin" malungkot na turan nito sa akin. Hinawakan ko iyong kamay niya na nasa mesa saka nagsalita.

"Bakit? Anong nangyari? Di ba engaged na kayo?" Di makapaniwalang tanong ko.

"We're not.."

"Ano?! Anong hindi?" Gulat na tanong ko. Buti mahina ang pagkasabi ko kundi panigurado, istorbo ako.

Anong hindi? Di ko maintindihan!

"Nagpanggap kami, na okay pa kami. Ayokong madisappoint sila mama, Azzir ee. Ayoko. Nagpanggap kami na engaged na kami. Ayokong maatake si papa sa puso kapag nalaman niyang may problema kami ni Claire. Ayokong malaman nila na, malabo na kami. Napagusapan na namin ni Claire na kung maaari ee, wag muna kaming maghihiwalay habang di pa napapagamot si papa. Ngayong nakapagpagamot na siya, tapos na kami. Ayoko na rin kasi, Azzir. Nakakapagod siyang mahalin. Every time na may usapan kami, di siya sumisipot. I understand her naman kasi nga, studyante siya. Pero, nakakapagod, Azzir. Ayoko na..." Lintanya niya na parang maiiyak na.

Tumabi ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na meron pa akong nakakaintindi sa kanya. Na meron pa akong magpapagaan ng loob niya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Sila kasi yung tipo ng couple na hindi kasweetan pero may sarili silang mundo na sila lang dalawa. I can't believe it. Ang gulo nila!

"Nalaman na nila papa, Azzir..." Umiiyak na turan niya.

"Okay lang iyan, Kyle. Maiintindihan naman nila siguro. Tara sa condo ko? Doon tayo magbuhos ng sama ng loob. Nakakahiya dito ee. Baka sabihin, inaaway kita..." Natatawang turan ko para pagaanin ang atmosphere. Ramdam ko namang napatawa siya pero hindi yung tawang abot mata.

"Sige.." Sabi niya.

Lumabas na kami doon at nagbiyahe.

Ang tahimik ng biyahe namin. Ramdam ko yung sakit na nadarama ng best friend ko. Nasasaktan din ako. Di rin mawala sa isip ko kung bakit sila nahantong sa ganito. Di lang ako makapaniwala. Sa apat na taon ata nila, ito lang ang nalaman kong away nila. Pero, wala na pala sila. I just can't believe it. Ilang ulit ko na bang sinabi na di ako makapaniwala? Paki-inform ako, please.

Nang makarating kami sa condo ko. Doon siya nag labas ng sama ng loob.

"Hindi na ba talaga kayo magkakaayos, Kyle?" Nag aalalang tanong ko. Umiling naman siya at nagpunas ng luha.

"Sa tingin ko hindi na Azzir, ngayong alam na nila papa. Nagalit sila sa akin. Pero anong magagawa ko? Tapos na. Wala na. Wala na kami..." Emosyonal na turan niya.

Hinagod ko ang likod niya.

"Okay lang yan. Malalagpasan din natin 'to. I mean, kayo pala. Sabi nga sa patalastas, mas maraming solusyon kaysa sa problema. Kaya natin to, okay?" Nanghihikayat na turan ko.

Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon