Pumwesto ako sa kama nang pa-infant position saka inalala 'yong mga nangyari kagabi. He kissed me. Pinutol niya ang argumento ko sa pamamagitan ng halik. Kinilig ako syempre at parang hinaplos ang puso ko sa sweet gesture niya na iyon pero di ko pa rin maiwasang maguluhan. Anong kahulugan non? Anong nangyari or should I say anong nangyayari? Imagine that, he kissed me. He kiss me for pete's sake. Damn! He'a a gay! Ang as far as I know, hindi hinahalikan ng bakla ang babae sa ganun ganung paraan at dahilan lang. P-paanong nangyari iyon?
Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi simula una hanggang sa huli kong nakita. Pagkatapos kasi ng ginawa ni Jeron sa akin nawalan na akong ng ulirat at hindi ko na alam ang ginawa niya, kung bakit ako napunta dito sa condo ko. At kung paano akong nakapagpalit ng damit. Gosh, wag mo sabihing naghubad ako sa harapan niya?
Nag-init naman ang pisngi ko sa naisip. Ano bang nangyari kasi? Nangangati na ang kamay kong tawagan siya at magtanong kung ano talagang nangyari kaso nauunahan ako ng kahihiyan at kaba. Haaaaay, ano nang gagawin ko sa sarili ko?
Tinawagan ko na rin kanina si Farrah para malaman kung safe ba siyang nakauwi pero safe naman siya at sabing kunin ko na lang 'yong kotse ko sa kanya. Yun lang at natapos na ang usapan namin, di na rin siya nagtanong kung ano ang nangyari sa akin kagabi pero alam kong nag-aalala siya para sa akin.
Bumangon na ako saka pumuntang kusina para uminom. Kanina pa ako nagiisip at di maiwasang tumuyo ang lalamunan ko, halos isang ba namang oras ako dun na nakahiga at nag-iisip. Ayaw ko munang pumunta sa opisina ni Jeron. I'm not yet ready. Hindi pa ako ready na makita siya matapos ng nangyari noon at kagabi. Aish! Madedepress ako kakaisip sa mga iyan ee. May aasikasuhin pa akong itramurals at inuuna ko pang iniisip si Jeron. Jusko, gusto ko nang magkamnesia.
Nilapag ko ang baso sa counter saka dumiretso sa sala matapos marinig na may nagdoor bell.
Nagulat ako sa bumulaga sa harapan ko.
"Hi tita Ganda!" Masayang bati sa akin ni baby Angelo.
"H-hello baby!" Bati ko rin saka bumaling kay kuya Zeus.. "Ba't kayo naparito? Ay sandale, pasok..."
Pinaupo ko sila sa sofa namin saka pumuntang kusina para magtimpla ng juice at bumalik doon.
"Oh eto..." sabi ko at inilapag iyon sa lamesa.. "Bakit nga talaga kayo naparito?" Tanong ko ulit.
"Iiwan ko sayo si Angelo..."
"What?! Anong iiwan sa akin? Saan ka pupunta, aber?" Nakataas kilay na tanong ko saka nilaro-laro yong pisngi ng bata. Ooooh, how cute.
"Trabaho lang Azzir. Sabihin mo lang kung ayaw m---"
"No! O-of course, gusto ko. Pero bakit ngaaaa? Magtatagal ka ba doon? Alam mo namang guro ako, mahihirapan ako..."
"Babalik ako before our reunion, promise. Uhm, about that. You can hire a yaya for him. Alam ko namang mahihirapan ka. Kung gusto mo lang..."
"Are you sure? I m-mean, baka scam? Paano yun? Saka sandale nga, anong before ang reunion? E, last week pa yun ng September!" Giit ko naman.
"Haaay, don't worry magpapadala ako ng pera.."
"Hindi naman sa ganun. Baka hanapin ka niya sa akin. Anong sasabihin ko?"
"Tell him the truth, na trabaho lang..."
Napangiwi ako sa sinabi niya saka siya sinuri. Trabaho, huh?
"Sigurado ka? Trabaho LANG?" Sabi ko at diniinan pa ang huling salita.
Tumango naman siya saka nag-iwas ng tingin. Hmmmm? I smell something...
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomanceMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
![Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/168435376-64-k954602.jpg)