Warning!!
**
Nang gabi na ay napagpasyahan na naman nilang maligo. This time, halos lahat na kami. Ayaw ko na naman sanang iwanan si Kiyo kaso pinilit nila ako saka si nay Andeng na daw ang magbabantay. Ayaw niya kasing maligo dahil umaatake ang rayuma niya.
"You know what?"
Napatingin ako kay Farrah ng magsalita siya. Dalawa kaming nasa gilid na ng dagat at hawak ang mga baby namin. Medyo maga na kami dahil hindi naman kami lumangoy. Nagbabad lang.
"Hm?" Tanong ko saka isinayaw sa mga braso si Kiyo para makatulog na.
Nagkakasiyahan naman ang mga magulang namin sa dagat kasama na rin si Ali at Jeron. Pati mga kamag-anak nila Farrah.
"I think, mahal ka na ni Jeron.."
Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. I dont know, nagtaasan ata lahat ng balahibo ko.
"Nah, seryoso ka dyan? Nakakatawa ha!" Usal ko naman saka kinamot ang batok ko.
"What? Seryoso ako syempre! Magbabago ba siya kung hindi di ba?" Lintanya niya.
"Haha, syempre magbabago yan. People change.."
"Exactly. Lahat ng tao nagbabago dahil may dahilan. At ikaw ang dahilan Azzir. Nakukuha mo ako?"
Inilingan ko na lang siya.
"Hindi kita makuha. Kayo. Lahat na lang kayo yan ang sinasabi, pero may parte sa akin na nagsasabi na huwag maniwala.."
Napabuntong hininga na lang siya at hindi na nagsalita. Napatingin ako sa iba na nagkakasiyahan doon.
Nadapo ang paningin ko kay Jeron na nakangiti lang doon habang nakikinig sa mga usapan.
Nagdadalawang isip pa din ako ngayon kung maniniwala ba ako sa sinasabi nila, sa nakikita nila o hindi. Damn, akala ko hindi ko na mararamdaman to kay Jeron pero hindi ko mapigilan.
Napaiwas na lang ako ng tingin ng tignan niya ako. Napunta ang tingin ko kay Farrah.
"Pasok na kami.." paalam ko sa kanya. Tumango lang siya saka hinalikan si Kiyo sa pisngi.
"Oh sige. Pag-isipan mo yong sinabi ko, okay?"
"Opo ma'am.."
Tumayo na ako at naglakad na papasok.
Inilapag ko muna si Kiyo sa crib saka pumunta sa banyo para magshower.
Napabuntong hininga na lang ako habang nagpapalit ng damit.
Nagulat ako pagkalabas ko dahil tumambad sa akin si Kiyo na gising at nasa mga braso ni Jeron.
Beautiful view.
Pero hindi eh, naiinis pa din ako kay Jeron.
"Bakit ka nandito?" Pananaray ko sa kanya.
"Bawal babisitahin ang anak ko?" Tanong niya.
Napairap na lang ako sa hangin dahil don.
"Bakit? Kailan ka nagkaroon ng responsibilidad sa kanya?"
"Simula nang ginawa natin siya.."
Napaiwas na lang ako ng tingin at agad na nag-init ang pisngi.
"3 rounds hmm? Not bad, darling.."
"Stop Jeron."
Ngunit hindi niya ako pinansin. Ibinaba niya sa crib si baby na ngayon ay tulog na naman.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomansaMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
![Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/168435376-64-k954602.jpg)