"Okay ka pa ba?" Ani Kyle matapos ang meeting namin. Ngumiti naman ako sa kanya saka tumango.
"Oo naman, ako pa ba?" Sabi ko saka nagsimula ng lumabas sa ganapan kanina.
Grabe, naubos ata lahat ng energy ko sa ginawa kanina. Nakakaloko sa utak.
Hindi na rin ako umimik hanggang makarating kami sa inukupa naming rooms. Nagpaalam siya saka pumasok na sa room niya.
Okay, tapos na kami. At uuwi na naman kami bukas, panigurado lanta ako.
"Haaaay!"
Tinalon ko ang kama saka doon nahiga. Nakakapagod! Alas-otso na ng gabi at di pa kami nagdidinner. Sabi ko kasi kay Kyle, mauna na siya kumain di pa naman ako gutom.
Pero nagkamali ata ako dahil talagang ginutom ako!
Padabog akong bumangon saka dumial ng numero, maya-maya darating na yong pagkain ko.
Habang hinihintay ang pagkain naglaro muna ako ng minecraft. Libangan ko rin to kapag walang magawa.
Napaigtad ako nang bumukas bigla ang pinto. Napatingin ako doon at nakita si Jeron! As in si Jeron! Kinusot ko pa ang mga mata ko para mapagtanto kung totoo ba siya o hindi.
Totoo!
"What are you doing here?! Gabi na! At saka, nakakagulat ka naman! Pwede namang kumatok! Nakakabigla ka naman Jer---"
Naputol ang sinsabi ko ng bigla niya akong dinamba ng yakap.
"I'm sorry.."
Nagtataka man ako ay hinagod ko ang likod niya.
"Sorry saan?"
"Sa inasta ko kagabi. Sorry, nabigla lang naman kasi aketch girl.."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Yun lang pala, wala na iyon sa akin.
"Nah, okay na iyon. Bakit ka napasugod dito? Gabing-gabi na.." ani ko saka binitawan siya.
Napaiwas naman siya ng tingin.
"Wala naman.."
"Anong wala? Malayo ang Batanes, Jeron.." nakangising ani ko saka lumapit sa kanya at inakap ng kaliwang braso niya.
"Wala nga eh.."
Pinaningkitan ko siya ng mata saka sinuri ang mga mata niya. Pero iniiwas niya ang mga iyon.
Nawala ang atensyon ko sa kanya ng makarinig ng katok. Tumayo ako at lumapit doon.
"Good evening, ma'am.." ani bellboy.
"Good evening din. Eto na ba yon?" Ani ko saka tumingin sa mga pagkain na nakaharap sa akin.
Tumango naman siya at umalis na rin matapos kong kunin ang mga iyon.
"Hindi ka pa kumain?" Rinig kong tanong ni Jeron. Umiling lang ako saka nilantakan ang mga iyon. Hmm!
"Dahan-dahan sa pagkain, baka mabulunan ka.." ani ulit niya pero di ko na lang siya pinansin.
Napansin ko ang panunuri sa mga mata niya at tinititigan ako. Nailang naman ako bigla kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit? Gutom ka rin ba, sorry. Kain tayo?"
"Buntis ka ba?"
Nagulat ako sa tanong niya saka napahawak sa tiyan ko. Buntis ba ako?
Natulala ako sa kanya saka inalala yong katagang pananagutan niya ako. Nakakakilig, pero paano kung hindi nga? Nakakalungkot naman.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomanceMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
![Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/168435376-64-k954602.jpg)