Kabanata 18

4.2K 87 12
                                        

Iniwas ko ang tingin ko kay Jeron saka tumalikod na.

Damn! Si Jeron yon?

"Sandali.."

Hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako. Napalunok ako, iba talaga 'yong pakiramdam.

"Bakit?" Tanong ko at humarap sa kanya. Sumisipa pa si Kiyo.

"Sakay ka na sakin?"

Napatingin ako sa mukha niya. May mga nagbago din pero nandon pa rin pala yong memories.

"Ha? Eh may sasakyan naman ako. Nandon, oh.." ani ko.

Inayos ko ang pagkakahawak kay Kiyo dahil galaw ng galaw baka mabitawan ko lalo na at nanginging ata mga buto ko dahil kay Jeron.

"Okay.."

Ibubuka pa sana niya yong bibig niya ng unahan ko na siya.

"Pupunta ka kila Farrah? See you na lang doon.." ani ko saka ngumiti.

Hinawakan ko ang kamay ni Kiyo at iwinagayway sa harap ni Jeron.

"Say goodbye baby. Goodbye po!" Ani ko. Nakatingin lang naman sa akin si Jeron. Nang nakatalikod ako ay doon ko lang naayos ang paghinga ko.

Damn! Nakakakaba!

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ulit ang hawak niya. Nakakakuryente!

"S-sandali.." nauutal na aniya.

Napalunok ako ng matindi habang paharap sa kanya.

"A-ano pang kailangan mo?" Tanong ko.

Tumingin siya kay Kiyo saka nilipat ang tingin sa akin.

"Anak mo?" Tanong niya.

Anak natin, Jeron.

Tumango lang ako sa kanya. Halatang kinakabahan din siya dahil pinagpapawisan. Medyo nanginginig pa ang kamay niya.

Hay naku, Jeron. Ano na? Ganito na lang? Sabagay hindi naman niya kasi mamumukhaan na anak niya si Kiyo kasi nga halos lahat ng features ko ay nakuha niya.

"Ilang buwan na?" He asked. Nginitian ko siya at tinignan si Kiyo na nakatingin din kay Jeron at gagalaw-galaw ang mga kamay na tila may nilalaro.

"Mag a-apat na buwan na.."

"Pwedeng pakarga?"

Nagulat naman ako sa tinanong niya. My god.
Hindi ba siya aware na awkward ang sitwasyon namin ngayon? Iba pa rin pala ang pakiramdam kapag harapan na.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahang iniabot sa kanya si Kiyo. Naramdaman ko pang nanginginig siya kaya di ko pa binitawan si baby.

"Nanginginig ka baka mabitawan mo.."

"Hindi. Sorry.."

Yun lang at tuluyan ko nang ipinabuhat sa kanya si baby. Uminit naman bigla ang sulok mg mga mata ko. Sa wakas. Sa wakas nahawakan ka na rin ng ama mo baby. I'm so happy.

Pinanood ko lang silang dalawa habang nakatayo doon. Hinawakan ni Jeron ang maliliit na kamay niya at saka ihinaplos iyon sa pisngi niya. Nakita ko naman ang ningning sa mga mata niya. Napahagikgik lang si Kiyo sa ginagawa ng ama.

Napatingin sa akin si Jeron using his questioning look. Napaiwas naman ako mg tingin.

"Akin na si baby.." ani ko na hindi makatingin sa mukha niya. Pinigilan naman niya ako.

"We need to talk, Azzir.."

Umiling lang ako. "No, pupunta pa kami kila Farrah.."

Umiling din siya sa akin at lumayo habang hawak si baby.

Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon