Kabanata 2

5.8K 146 2
                                        

Hectic ang schedule ko ngayon pero siningit ko ang pagpunta ko kila Farrah. Nagtext na rin ako na pupunta ako sa bahay nila ngayon. Medyo malayo, pero gusto ko talaga makita ang asawa niya. Of course, pati na rin si Farrah, no.

Alas-siyeta na ng gabi nung makarating ako sa kanila. Nagdoorbell ako at agad namang nabuksan iyon.

"Azzir?! O my gosh! Ikaw nga!" Tiling usal niya saka ako dinamba ng yakap. Napangiti naman ako sa inasta niya
Di pa rin siya nagbabago. Sweet pa rin siya until now.

"Hinay hinay Farrah. May baby ka kaya sa sinapupunan mo, remember?" Natatawang turan ko.

Sumimangot naman siya.

"Ayaw mo na bang nayayakap ka? Aaaaa. Achi oh! Ang bad ni Azzir, waaaa!" Sigaw niya at saka ako nilayasan sa may gate nila.

Napailing na lang ako. Sobrang hirap siguro nung asawa niya dahil sa paglilihi niya at sa pagiging moody niya. Juskohness. Parang ayoko na magbuntis, HAHAHA.

Nakita kong may lumabas na lalaki galing sa front door nila habang yakap-yakap ni Farrah na umiiyak ata.

"Ahhh, sorry ha? Moody lang kasi ang asawa ko dahil nasa first stage ng pagbubuntis. Pasok ka..." Paanyaya niya.

Ngumiti na lang ako at pumasok.

"Uy, honey. Tahan na. Bibilhan kita bukas ng chocolate, promise..." Usal ni Achi kuno na asawa niya.

Di ko maiwasang pagmasdan ang asawa niyang si Achi. Well, magaling manungkit ng isda itong si Farrah. Gwapo ang asawa at masculine. Kaya di na ako magtataka kung ano ang magiging bunga ng pagmamahalan nila. Maganda at gwapo ang lahi nila. Ako kaya, kailan makakahanap ng one true love na magbibigay sa akin ng sangkatutak na anak? Sangkatutak talaga, parang sa joy. Sangkatutak pay mas enjoy, HAHAHA. Nagiging manyak talaga ako dahil sa katandaan at wala pang asawa. Well, feeling ko matanda na ako ngayong magto-24 na ako sa susunod na araw.

Nilibot ko rin ang paningin ko sa bahay nila. Di nakaligtas sa aking paningin ang picture nilang dalawa ni Fhae noong bata pa sila.

Ang cute lang nila tignan. May picture din sila na iba pa gaya ng nasa Paris sila. Di mo talaga aakalain na ang isa sa kanila ang maharot, HAHAHA. Wala lang, ang sweet lang nila tignan.

Di mo aakalain na ang sweet nila sa picture na yan. Uhmm, naalala ko bigla. Saan kaya nakatira ngayon si Fhae?

"Ahmm, Azzir, tama?"

Tumango ako.

"Ano bang gusto mong kainin? Inumin?" Tanong ni Achi sa akin.

"Ahhh, wala naman. Aayain ko sana kayo sa Friday. 7:30 pm. May kunting salo-salo lang, you know? Its my 24th birthday na ee. Tumatanda na ako, at di bumabata, hihe.." Daldal ko sa asawa ni Farah.

"Oh, nasabi rin sa akin iyan ni honey. Naalala niya kasi birthday mo ee August 12, right? Naghihintay lang siya ng invitation mo ee, HAHAHA..." Natatawang usal niya, napangiti na lang ako. Kahit pala ilang taon na ang lumipas, di pa niya nakalimutan ang araw kung kelan pinanganak ako. Ooohhh, thankful talaga ako for coming her in my life.

"Ahahaha, punta kayo aa. Teka, okay ka na ba Farrah?" Tanong ko dahil nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

"Ang sama mo aa!" Sabi niya sa akin. Luh?

"Hala! Why?" Natatawang turan ko.

"Bakit kunting salo-salo lang? Dapat yung bongga! Dapat yung may mga magi-strip sa harapan mo na lalaki para naman makahanap ka na ng forever mo!" Sabi niya sabay tili. Mukhang nahihiya ang asawa niya sa topic namin ni Farrah kaya nag paalam muna siya.

Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon