Kabanata 20

4.5K 88 6
                                        

Nagising na lang ako na may mabigat na nakadagan sa mga binti at tiyan ko.

Pagkamulat ng mga mata ko ay tumambad sa akin si Kiyo na nasa pagitan namin ni Jeron. Samantalang siya ay nakapikit pa.

Inilibot ko ang mata ko sa amin.

Napangiti ako sa isipang magkakatabi kaming tatlo. Damn, ang tagal kong hiniling ang pagkakataong ito. Hinaplos ko ang pisngi si Kiyo na mahimbing na natutulog habang ang isa niyang kamay ay nakataas bandang ulunan niya at ang isa ay nasa mukha ng tatay niya.

Napahagikgik naman ako, ang cute nila tignan.

Sunod ko namang hinaplos ang pisngi ni Jeron. Wala eh, ang rupok ko. Nakagawa na naman ako ng kababalaghan kagabi. Kami pala.

Nagulat ako ng tawirin niya ang pagitan namin saka ako binigyan ng halik sa labi. Smack lang iyon pero naghurumintado na ang puso ko sa kilig.

"So you're awake na ha? Good morning, darling.."

Aniya saka hinalikan din si Kiyo na tumagilid at humarap sa kanya. Nagpatuloy siyang pumikit at hindi ininda kung anong itsura naming dalawa.

Wtf, hubad pa pala ako.

Tatayo sana ako para magpalit ng higpitan niya ang yakap sa akin pati na ang pagkakadantay ng binti niya sa binti ko.

"Jeron kailangan kong magdamit.." sabi ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap. Inirapan ko na lang siya.

"Inaantok pa ako.." asik niya.

"So?"

Imbes na sagutin niya ako ay humilik naman siya, kuno.

"Argh!" Iritableng asik ko saka humiga na lang ulit at tumitig sa kisame.

I never imagine this. Na magkakasama kami ngayon. Nakaramdam naman ako ng kasiyahan dahil dito.

Ang rupok mo, self!

Iidlip pa sana ako ng makarinig ng katok galing sa labas.

"Anak! Bumangon na kayo riyan at kakain na!" Ani mom.

Kung makasigaw si mom parang walang naiistorbo sa mga kabilang rooms.

"Mom, ang ingay mo!"

"Kakain na.." ngayon naman ay medyo kalmado na ang boses.

Gustuhin ko mang bumangon para pagbuksan siya ng pinto pero hubad nga pala ako.

"Opo, susunod na po.." sabi ko at tuluyan ng tumayo. Pinigilan pa ako ni Jeron pero tinapik ko ang kamay niya at tuluyang natanggal. Sumimangot lang siya habang nakapikit.

"Dalian mo riyan at may bisita ka.."

Napataas naman ang kanang kilay ko sa narinig. Bisita? Wala naman akong inaasahang bisita. At saka, nasa outing kami.

Nang dahil sa narinig ay napabangon ng wala sa oras si Jeron at sinamaan ako ng tingin.

"What?" Singhal ko sa kanya.

"May bwesita ka daw" aniya at humiga na naman saka kinausap ang tulog na bata.

"...yang mommy mo may bisita baby. Mukhang may manliligaw. Tsk. Di na siya nakontento sa atin baby.."

Binato ko naman siya ng unan na ikinagitla niya.

"Ang drama mo!"

"Buti na lang 'di nabato si Kiyo! Paparusahan kita!"

"Paparusahan? Neknek mo!"

Padabog akong nagtungo sa banyo para maligo na at makalabas.

Narinig ko pang tinawag niya ako sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin. Ulo niya!

Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon