"Fuck!"
Napamura ako nang tumalsik si Kyle kaya napasama din ako at napasapo sa pwetan dahil sa sakit nun.
Pinunasan ko rin ang mga luhang umagos sa pisngi ko at napatingin kay Jeron sa sinusuntok si Kyle. Habang si Kyle naman ay hindi lumalaban at nakangisi lang.
"Jeron!"
Inawat ko siya sa ginagawa niya at saka hinuhuli ang mga kamao niyang dapat ay lalanding sa mukha ni Kyle. Dumudugo na rin ang labi ni Kyle at may pasa na rin siya sa gilid ng labi.
"Ano ba! Tama na iyan!"
Hanggat maari hindi ko masyadong nilalakasan ang boses ko para hindi maistorbo si Angelo na natutulog sa kwarto niya. Nakita ko rin sila manang na napatingin sa amin at handang umawat pero sinenyasan ko sila na wag na.
"Ano ba! Jeron!"
"Jeron! Isa!"
Hindi pa rin siya umaawat, handa siyang pumatay sa hitsura niya at ayaw ko iyong mangyari.
Nang di ako makatiis, tinulak ko si Jeron na nasa ibabaw ni Kyle at saka sinampal ng pagkalakas-lakas sa mukha para matauhan siya.
Pagod na ako sa iyo Jeron!!
"What the--??"
Napatingin ako kay Jeron na muntik ng napamura sa ginawa ko.
"Di pa ba kayo titigil?! Ano ba!" Sigaw ko sa kanila habang hinihingal.
Napatingin naman ako kay Kyle at tinulungang tumayo. Siya nama ay nakatingin lang kay Jeron habang nakangisi.
Tumingin ako kay Jeron. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko at nakatulala lang sa akin.
"Ano! Ikaw!" Sigaw ko at tinuro si Jeron "Ano bang ginagawa mo dito! Ha! Sayo na mismo nanggaling Jeron. Tangina naman! Ano pa bang kailangan mo? Tigilan mo na ako! Parang awa mo na!" Galit na sigaw ko at dinuro-duro siya.
"Huminahon ka Azzir.." ani Kyle at hinawakan ako sa braso.
"Hindi ee! Ano bang ginagawa mo dito ha?!" Sigaw ko kay Jeron at sinuntok siya sa dibdib. Pilit naman niyang hinuhuli ang mga kamao ko.
"Sawang-sawa na ako sa iyo! Ayoko na! Pagod na ako, pwede ba? Lumabas ka dito! Get out of my house!" Pagtataboy ko sa kanya pero nanatili pa siyang nakatayo doon.
"Lumabas ka n---!"
"Azzir, please..."
Unti-unti nag tumulo ang mga luha ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko doon ang pag-aalala. Ano na naman ba 'to?
"Ano na n-naman ba 'to J-Jeron?!" Sigaw ko habang umiiyak at napiyok.
Hindi naman siya nagsalita at bigla na lang akong kinulong sa mga bisig niya. Doon ako nagpakawala ng iyak.
Damn you Jeron for doing this to me.
Ayoko na ee, pagod na ako ee.
Nakaramdam ako ng comfort sa mga bisig niya. Wala ee, siya lang nakagagawa nito sa akin. Siya lang.
Mas lalo akong napaiyak nung hinagod niya ang likod at paulit-ulit na nagsasabi ng tahan na. Kahit pala pilit akong nagagalit sa kanya, mas namamayani pa rin ang pagmamahal sa puso ko. At ayoko nang pakiramdam na to. Ayoko ng mahulog sa mga patibong niya.
Bakit ba kasi siya nandito? Ano bang kailangan niya sa akin? Hindi ba talaga siya titigil sa pananakit sa akin, emotionally and mentally?
Kumalas ako sa yakap saka tumitig ng diretso sa mga mata niya. Mahinahon na ngayon ang itsura niya di kagaya kanina na parang nilamon ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]
RomanceMahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
![Unconditional Love [MSeries #1 COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/168435376-64-k954602.jpg)